Chapter 1- College Girl

78 1 0
                                    

CHAPTER 1- College girl

Gabrielle Hernandez. 17. From the wonderful province of Bulacan.Just passed my entrance exam in one of the most prestigious universities in Manila. 

College na'ko. Sobrang atat na ko makatapos ng pag-aaral para matulungan ko si mama sa gastusin. Hindi kami mayaman. Nag-apply lang ako ng scholarship and luckily, natanggap ako. So kailangan mataas ang grades ko para makatapos ako sa dream school ko. Wala nadin akong time for other activities lalo na sa mga walang kabuluhang bagay, in short- love.

"Huy! Ano nanaman ba yang iniisip mo ha?" Nagdaydream nanaman pala ako. "Huh?" Arching my eyebrows "Wala naman.." Nginitian ko nalang sya para hindi na magtanong.

"Ay nako, bff, college na tayo! Come one, loosen up! Ang daming pwedeng enjoyin! Let's rock this okay?" Humarap sya sakin sabay hawak sa braso with an inviting smile on her face. Ang daling sabihin ni Sam yan, mayaman kasi sila at feeling ko kahit humilata nalang sya at ang buong angkan nila hindi sila maghihirap.

I rolled my eyes while smiling. "Basta ako nagcollege para mag-aral" I know, ang manang lang talaga, buti napagtyatyagaan ako ng bestfriend ko kahit ako ang definition ng boring.

"A lola in a 17 year old body" She said while laughing. "A fetus in a 17 year old body" Natatawa nadin ako sa usapan namin.

Inikot ikot ko nalang yung mata ko sa new school namin ni Sam. Fortunately, pareho kami ng university na pinasukan pero magkaiba kami ng course. She'll be taking tourism, ako naman financial management. I'll miss her!

"Gab, are you sure you'll be fine?" What? Anong ibig nyang sabihin? Napakunot yung noo ko "What do you mean?" Bigla syang ngumiti ng nakakalolo "I mean, you're Gab!" Tawa na sya ng tawa. Baliw na talaga 'tong bestfriend ko. "Anti-social ka, Gab! Hahahahaha" Wth. Hindi na nya napigil yung tawa nya. Nahampas ko sya sa braso. "Ha-ha-ha so funny, Sam"

Anti-social. Yeah. Maybe ganun na nga siguro ang tawag sakin. Bukod kay Sam, wala na kong ibang close friends. Hindi kasi ako madaldal, makwento at mahilig mangealam sa mga bagay bagay. Isa pa, masyadong mayayabang ang mga kaklase ko nung highschool, buti nalang I have this dark aura kaya hindi nila ako na-bully. I have my own world. I'm fine with it. But Sam is just so irresistable, she's too cute to be ignored. Ang daldal at ang sweet nya. Ang opposite ko. Hindi ko alam kung bakit nagustuhan nya ko, but I'm thankful.

-

"Nice! Ang ganda! This will be my room!" Eto nanaman ang kaingayan ni Sam. "Fine" I just rolled my eyes. Parang bata talaga 'tong si Sam. Pareho lang naman ng style yung mga kwarto dito nakipag unahan pa.

Mukhang busy-ing busy na si Sam sa pag-aayos ng gamit nya. She brought their house. Napakadami nyang maleta at boxes. Goodluck unpacking, Sam. Lumabas na ko ng kwarto nya at bumaba ng hagdan. Ang laki nitong apartment namin, magkita pa kaya kami dito? May apat na kwarto dito, dalawa palang yung occupied- samin ni Sam. May living room, kitchen and dining. Bahay na bahay na talaga ang dating.

I finally got tired and went straight up to my room. Ughh.. Nakakatamad mag ayos ng gamit! Bumagsak nalang ako sa kama facing my bed. "Night, world." Pinikit ko na yung mata ko.

UngentlemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon