Chapter 12- Shut up kisses
(Gab's POV)
*toktok*
"Gabrielle?" Huh?
"Gabby.." Now alam ko na kung sino 'to. Ano nanamang kailangan nya? Hindi pa ba sya tapos sa pang iinis? I want to punch his face. Gusto ko syang isubsob sa sahig. Now na.
I fixed myself bago ko buksan ang pinto. Handang handa na ko para isang malakas na suntok na gagawin ko sa kanya, hindi lang suntok ang dapat sa kanya, dapat ibitin sya ng patiwarik!
I closed my fist. Jeez. This is going to be painful. Okay. 1 2 3... I opened the door and.. saw him standing in front of me. Nakayuko. Gustong gusto ko syang saktan. Gustong gusto ko syang sumbatan. Pero hindi ko alam kung bakit ayaw makisama ng katawan ko. I just stood there. Tss. Asan gab? Tagal naman ng suntok mo?! Ughh..
Humarap sya sakin. Nagulat ako. Isang malungkot na mata ang nakita ko. Isang napakalungkot na mata, at doon sa malungkot na mata nayun nakita ang isang malungkot na tao. Ang jerk na 'to, malungkot?
"I'm sorry.."
Nakatingin sya sa'kin ng deretso habang sinasabi nya yan. Pagkatapos ng tatlong segundo yumuko ulit sya. Nakatitig ako. Nakatitig ako sa mga mata nya. Matangkad sya kaya nakikita ko yun kahit nakayuko sya. Mas malungkot pa kaysa sa matang umiiyak ang mga matang 'to. Bakit?
Pero galit ako hindi ba? Nagagalit ako sa ginawa nya sa'kin. Sya ang puno't dulo ng lahat..
I ignored him. Pupunta ako sa pinto. Hindi ganung kadali lang yun, hindi nya alam kung ano ang pakiramdam ng isang taong kailangan gawin ang lahat para sa sarili, hindi nya alam kung gaano kahirap para sa mahirap na kagaya ko ang pumasok dito araw araw, kasama ko ang mga estudyanteng walang ibang inisip kundi kung anong sapatos ang bibilhin, kung anong bagong gadgets ang meron sila, kung gaano sila kayaman, kung gaano sila kaswerte. Araw araw para akong sinasapak isa isa ng mga estudyante dito. Araw araw parang pinapamukha nila sa'kin na hindi ako bagay dito, na hindi ako maswerte. Araw araw kinukumpara ko ang sarili ko sa kanila. Pero kinakaya ko yun para mag-aral. Pero sya, walang kahirap hirap nyang nakukuha ang gusto nya, hindi ba dapat masaya sya? Dapat maging kuntento sya? Bakit nagagawa pa nyang magpahirap ng iba? Kukunin pa ba nya ang kagustuhan kong makakuha ng mataas na grade? Hindi ba napaka unfair nun?
"Kung lahat ng kasalanan makakakuha ng pagpapatawad sa isang sorry at paumanhin lang, para saan pa ang mga batas? Ang pagpapatawad ay para sa taong hindi sadyang makagawa ng kasalanan, at para sa taong deserving patawarin."
Hinawakan ko yung knob at pinihit.
Sht! Bakit nakalock?! Inikot ikot ko yung knob ng pinto pero ayaw mabuksan. "ANONG GINAWA MO DITO?!!" sigaw ko. Nakakainis. Ang pinakakinasusuklaman kong tao ang kasama ko sa pinakamasamang araw ng buhay ko. Great! May isasama pa ba ang araw na 'to?!
Lumapit sya. Inikot at hinatak hatak nya yung knob. Pinabayaan ko sya. Tss. Sige sirain mo pa.
Nahugot..
Nahugot yung knob. Nasira nga!
"Ano ba yan sinira mo pa'no tayo makakalabas?!" I shouted again. Kanina ko pa napapansin na hindi sya makatingin sakin ng deretso.
"Sorry.." Totoo ba yung narinig ko? Nakadalawang sorry na sya ngayong araw. Akala ko hindi nya alam ang salitang sorry. Ano, nakukunsensya na sya? Ano, nalaman nyang sukdulan na yung ginawa nya?
"Excuse nga" tumabi ako sa pinto saka kinuha sa kanya yung knob. Sinubukan kong ikabit at ayusin. Nakakainis! Ayaw makisama ng letseng pinto na'to! Lahat nalang ba ng bagay sa eskwelahan na 'to letse?! Hell ang dream school ko. Ughhh..
BINABASA MO ANG
Ungentleman
RomanceRollercoaster ride. Yan ang description ko sa kanya. Nakakahilo, nakakalula, nakakatuwa, nakakaexcite, nakakakilabot, nakakabaliw. Yan ang mararamdaman mo, pag nagmahal ka ng kagaya nya.. ng isang Ungentleman. Pero ang tanong ay nasa huli, pagkatapo...