Chapter 19- Awkward
(Gab's POV)
"Ughh.." Bumaling ako sa kabilang side ng kama. Hindi talaga ako makatulog. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Yung nangyari kanina.. Si Alex.. hindi ako matahimik.
Kinuha ko yung phone ko. 3:45 am. Wth. Madaling araw palang?!
Pinikit ko ulit yung mata ko..
Mukha ng isang lalaki yung nakikita ko. Mukha ni.. A-alex. I shook my head saka bumangon. Anong Alex?! Bakit ba kanina pa sya lumilitaw sa utak ko?! Nakakainis naman eh!!! Ay jusko!
Tumayo ako ng kama saka lumabas ng kwarto. Nagpunta ako sa kitchen. Nauuhaw ako, magtitimpla nalang ako ng gatas baka sakaling makatulong sa pagtulog ko yun.
Pag-abot ko sa isang garapon, natanaw ko yung garapon na may gabi. Nandun padin pala yun, weirdo talaga ni Alex. Itapon ko kaya? Hahanapin nya kaya? Magagalit kaya? Bakit ba iniisip ko nanaman syaaaa?! I shook my head again.
Naglakad ako papunta sa lamesa ng may napansin akong.. Nakatayo.
"WAAAAAAAAHHH!!!" Muntik ko ng maibagsak yung hawak kong tasa.
T-teka, si Alex 'to ah? Bwisit talaga 'tong lalaking 'to walang patawad mang good time eh!
"Hindi ka ba pwedeng lumitaw ng hindi ako nanggugulat?!" Hindi sya umimik. Ano kayang nangyari?
Nilapitan ko sya. OMG. Nakapikit! Hahahahahaha nagsleepwalk sya! Creepy! Winave ko yung kamay ko sa mukha nya. Tulog ba talaga?
"Alex.. Psst!" Kinakalabit ko sya pero hindi padin sya umiimik. Grabe naman pala ang talent nitong lalaki na'to eh. Sleepwalking!
"Tara na nga.." Inakay ko sya papunta sa may hagdan.. "Oh pataas, humakbang ka." Ang galing, kinakausap ko ang tulog. Nakaakyat kaming dalawa ng maayos. Sinilip ko ulit sya pero nakapikit padin.
"Oh dito ka na sa kwarto mo." Pinapasok ko sya sa loob pero hindi sya gumalaw sa kinatatayuan nya. Grabe, ang tigas padin ng ulo kahit tulog ah.
"Higa ka na dun!" Tinulak tulak ko sya papunta sa kama nya. Pinaupo ko sya sa kama tapos inayos ko yung hihigaan nya. Jeez. Nanay lang ang peg?!
"Oh.. Matulog ka na dyan." Inihiga ko na sya sa kama nya tapos tinaas ko yung mga paa nya. Hmm.. Ang amo amo talaga ng mukha nito pag tulog. Parang ang bait bait. Kinumutan ko sya tapos medyo sinara ko yung bintana. Ang lamig kasi ng hangin baka magkasipon sya..
Jeez! When did I started caring? Ibang-iba na si Gab ngayon, 2 months palang ang nakakalipas alam ko madami ng nagbago sa'kin. I gained a few friends, I changed my looks, I punched someone, I became a dj and a tutor, and.. I met this crazy jerk. Siguro dahil sa kanya lahat kung bakit nangyari sa'kin 'to lahat. Should I be thankful? Or should I curse him?
I should be thankful.. Yes. Sa kabila ng lahat ng pang-aasar nya sa'kin, he's always there, he's always around, even when I don't need him. Hindi ko alam kung trip lang nya talaga akong asarin o kung may higit pa dun. Maybe, I do know pero ayoko lang aminin. Maybe I do know pero natatakot lang ako. As for me, I'm still in the process of discovering what is this awkward feeling.. Habang tumatagal kasi pakiramdam ko, palaki na ng palaki ang nasasakop ng awkward feeling na'to sa katawan ko. I admit, I'm scared. Natatakot ako na baka one day, magigising nalang ako na hindi ko na ma-control ang lahat pati ang sarili ko. What if I fall? What if I fall but he didn't catch me? Aray ko.
I shook my head. Hayyy. Ano ba 'tong iniisip ko.. I brushed his hair upwards..
"Good night Alex.. Thank you.." I kissed him on his forehead.
BINABASA MO ANG
Ungentleman
RomanceRollercoaster ride. Yan ang description ko sa kanya. Nakakahilo, nakakalula, nakakatuwa, nakakaexcite, nakakakilabot, nakakabaliw. Yan ang mararamdaman mo, pag nagmahal ka ng kagaya nya.. ng isang Ungentleman. Pero ang tanong ay nasa huli, pagkatapo...