Chapter 22- Flipped

12 0 0
                                    

Chapter 22- Flipped

"Waaaah! Bestieee kinikilig ako >____<"

"Shhh! Wag ka maingay baka may makarinig sa'tin!" Ang oa oa talaga magrereact nitong si Sam kahit kailan.

"Eh ano naman, mamatay sila sa inggit!"

"Huy ano ba!"

"Anong nangyari Gab? Anong sinabi nya?!"

Anong sasabihin ko? Hindi pa alam ni Sam yung nangyari.. Sasabihin ko ba? -_-

Yung sweetest kiss ever..

Pagkatapos ng ride namin sa ferris wheel, walang umimik sa'min. Bakit ba naman kasi kami nagkiss? Bakit nga ba? Yang Alexander kasi nayan eh! Pero hanggang sa makauwi kami, hindi nya binitawan yung kamay ko.. Ako naman, para akong sinasakal na hindi ko maintindihan. Weird.

Hindi ko na natanong sa kanya kung bakit wala sya sa clinic paggising ko, hindi naman nya obligasyon yun, diba? Hindi ko nadin naitanong kung bakit hindi sya umuwi nung nakaraang tatlong araw. Hindi ko alam kung ano ba kami, kung anong meron samin, naguguluhan ako pero hindi ko kayang magtanong. Gulong gulo ako pero pag nandyan sya parang ang linaw ng lahat, pag nandyan sya nagiging okay ang lahat. Bakit ganun? Haaay..

"GAAAAB!" I snapped. Nagdaydream nanaman ako.

"O-oh?"

"Ano kakong nangyari? Wala ka nanaman sa sarili!"

"Ha? Hindi ah! Saka hindi ko na alam. Nakalimutan ko na!" BIGGEST LIAR AWARD.

"Wala ka talagang romantic bone! Ang sweet sweet kaya nun! Inarkila nya yung buong ferris wheel ng isang ride para sayo! Haaaay.."

Sweet?

"Edi ibig sabihin nun kayo na?" Ang lawak ng ngiti ni Sam.

"H-hindi ko alam.." Yumuko ako. Hindi ko naman talaga alam eh. Hindi ko nga tinanong diba?

"Hi Gabby! Hi Sam!" Oh noes.. Eto na sya. Anong gagawin ko? Bumilis ang kabog ng dibdib ko nung marinig ko yung boses nya. Bakit ba 'ko ganto? Bakit hindi ako mapakali?!

"Anong pinag-uusapan nyo?"

"IKAW" wth Sam?! Tinignan ko ng masama si Sam. Napakadaldal talaga ng babae na'to. Kainisss.

"Jokeee! Hahaha oh sige na, alis na 'ko ha. Byee love birds!"

Jeeeeeez. Nakakahiyaaa >/////<

"Oh.." Naglapag sya ng tray na puno ng *gulp* pagkain.. Waaaaaaah! May spaghetti, fries, burger, tapos may buko pandan!!! *_____*

"K-kakainin mo lahat yan?" Naupo sya sa harap ko.

"Masisira ang figure ko pag kinain ko lahat 'to.." He smirked.

I rolled my eyes. Signal number 10 ang kayabangan. Tss. Pinagpatuloy ko nalang yung pagsipsip ko ng juice tapos binuklat ko na yung librong binabasa ko.

"James, can we sit here?" Biglang may dalawang babaeng dumating. Fan girls ata nya. Halos mapanganga naman ako nung nakita ko yung palda nung dalawa, ano yun? Super ultra mega over mini skirt? Bakit hindi nalang sila nagpanty?

Jeez. Inabala ko nalang ang sarili ko at tinago ang mukha ko sa libro..

"Kung uupo kayo dito, san kami uupo?" Seryosong sabi ni Alex. Duh? Alex? Hindi pa ba obvious? They're flirting. Iba na talaga pag nasa dugo ang pagkahambog.

"Hehe.." tinapik nya si Alex sa balikat. Nahuli ko namang tumingin sa'kin si Alex. Iniwas ko yung tingin ko.

"Eh kung paalisin natin sya? Para naman makapag-kwentuhan tayong tatlo?" Nakaturo sa'kin yung babae. Aba't ako pa ang paaalisin eh nauna kaya ako sa kanilang lahat?! Tss..

UngentlemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon