Chapter 20- Bigger trouble

21 0 0
                                    

Chapter 19- Bigger trouble

(Gab's POV)

Waaah! Ang sakit ng ulo ko. Kaninang umaga umuulan tapos ngayong hapon ang init-init. Jeez.

Buti nalang madaming puno dito sa field. Oh business math, bakit kay lupit mo? Buti nalang magaganda padin yung grades ko, wala namang bumaba ng dos. Yes! Scholar padin ako as of today. Hahaha. Pagbubutihin ko pa lalo I swear!

"Gabrielle Hernandez?"

"Yes? Ako nga yun.."

"Ah eh tawag ka ng prof mo sa NatSci sa laboratory."

"Huh? Bakit daw?"

"Di ko alam eh.."

Umalis na yung lalaki. Bakit kaya? Baka dahil sa pinasa kong project sa kanya? May mali kaya dun?

Niligpit ko na yung mga gamit ko tapos umalis na 'ko sa field. Weird naman ng prof ko nayun. Hindi nalang ako i-approach sa klase. Jeez.

Nakabukas na yung pintuan ng laboratory. Tinanaw ko yung loob pero wala akong makita dahil nakababa yung mga kurtina. Ang pangit talaga ng pwesto ng laboratory dito, second floor nga, isa lang naman yung hagdan, tapos dead end na sa kabila. Wala ngang estudyanteng tumatambay dito eh. Ang creepy kasi ng vibes.

"Mrs. Policarpio?"

Pumasok ako sa loob. Ang sangsang talaga ang amoy dito sa loob. May nakita akong test tube na nakasalang sa apoy, tapos may graduated cylinder na may laman. Baka may ginagawang experiment si prof.

"Ma'am? Si Hernandez po 'to.."

Lumakad ako sa bandang likod ng lab..

*BLAG!*

Napaiktad ako sa gulat nung sumara ang pinto. Pero mas nagulat ako ng makita kong umuusok at umaapaw na yung test tube.

"Sht!" Nagtatakbo ako papunta sa pintuan at pilit na binubuksan pero nakalock yun sa labas.

Ghaad. Sinong gagawa sa'kin nito? Sinadya ba 'to? Natataranta na 'ko pero pinilit kong kumalma. Sinubukan kong buksan yung bintana pero parang may nakakalso sa labas. Sht talaga!

May naaninag akong mga tao sa labas.. "Tulooong! Buksan nyo 'to! Nakulong akooo!!!" Bigla namang nagtatakbo yung mga naaninag ko. Ngayon malinaw na sa'kin na sinadya talaga 'to. Pero sino?

Unti-unti ng tumatapang yung amoy dito. Sht! Pumunta ako sa cr, pero nakalock din. Bakit ba nangyayari sa'kin 'to? Ghaaaad!

Binuklat ko ang bag ko at kinuha yung phone ko.. "Hala!" Ano ba namang klaseng lugar 'to?! Walang signal?!! Tinuktok ko yung phone ko. Tss. Bwiset! Kung kailan kailangan!

"Ayun ayun!" May one bar. Dinial ko agad yung number ni Sam, yun lang kasi yung kabisado ko. Pero pagkatapos ng ilang ring hindi nya sinagot. Pumunta ulit ako sa may pintuan baka sakaling may tao dun.

Sobrang baho na! Amoy fomalin? Formalin nga! Nagtakip ako ng panyo sa ilong. Humahapdi nadin yung mga mata ko. Hindi na nagkasignal ulit..

*boog boog booog!*

"TULOOONG! TULOOOOOONG!!! BUKSAN NYO PO TULONG!"

*booog boog boooog!!!*

Ang hapdi hapdi na ng mata ko. Nagluluha na. Anong gagawin ko? Diyos ko, wag nyo po akong pababayaan..

Tumakbo ako sa ilalim ng lamesa. Hindi ko alam pero hindi ako masyadong nakakaramdam ng takot, alam ko, may darating para iligtas ako. Alam ko, darating sya.. Nararamdaman kong darating sya..Ang kailangan ko lang gawin ay umiwas sa amoy ng formalin. Naupo ako at tinakpan ng panyo ang bibig at ilong ko. Pumikit ako at nagdasal..

Papuntahin nyo na po sya dito.. Alex, please..

-

(Alex's POV)

"Alex! Si Hernandez!"

"Ano?"

"Nakulong sa laboratory! Walang malay dahil sa formalin!"

"Tangina!" Halos iluwa ko yung kinakain ko pagkarinig ko sa sinabi nung isa kong kaklase.

Tumatakbo ako papuntang lab. Tanaw na tanaw ko ang dami ng mga tao sa taas. Shit shit shit! Ano ba nanamang nangyari sa kanya?! Fck!

Parang malalaglag ang puso ko sa kaba at takot. Halos hindi ko na makita o marinig ang mga nakakasalubong ko. Alam ko, sinasabi nila na andun sya sa taas. Kaya nga papunta ako don diba?!

"Do you think she's dead?"

Bigla akong huminto sa pagtakbo ng marinig kong may babaeng nagsalita sa likod ng hagdan. Dahan-dahan akong bumaba para makinig..

"I don't care! Hindi naman sya kawalan dito eh.."

"Girl! Pa'ano kung mahuli tayo?"

"Gaga! Kapag walang nagsalita sa inyo, hindi tayo mahuhuli! Lalabas na aksidente ang lahat!"

Hindi ko na natiis. Lumabas na'ko. Gusto kong baliin ang leeg ng babaeng nasa harap ko.

"Oh..my..gosh..." Hinawakan ko sa kuwelyo yung babae.

"ANONG GINAWA NYO KAY GAB?"

"James bitawan mo sya.."

"SAGUTIN KO KO!!!" Akmang susuntukin ko na sya habang yung dalawa pinipigilan ako..

"J-james.. P-pleasee.." Pumikit yung babae. Nanggigigil ako. Gusto ko syang saktan. Gusto ko na syang patayin.

"Halika dito.." Kinaladkad ko sya. Wala akong pakealam kahit ano pang isipin ng iba. Hindi ko palalagpasin ang ginawa nya kay Gabrielle. Hindi ko matatanggap na hindi sya magbabayad dito.

Binitbit ko sya hanggang sa dean's office nila. "P-please James, nagmamakaawa ako.." Iyak sya ng iyak. Wala akong pakealam kahit umiyak pa sya ng dugo. I want her out of here. Out of Gab's life.

"Dean.."

"Oh, yes Mr. De Guzman.."

"I want her out. Palalayasin nyo sya dito o kakasuhan ko sya.." Binitawan ko sya sa harap ng dean saka ako umalis.

Si Gab.

Nagtatakbo ulit ako paakyat, papuntang laboratory. Konti nalang yung tao. Nabuksan nadin yung pinto. Asan na si Gab?

"Nasan sya?"

"Nasa clinic.. Binabantayan ni Skylar Kwon. Buti nalang nakita nya agad yung palakol para sa fire emergencies. Pinalakol yung padlock. Ayun, nilabas agad yung babae, buti nga hindi masyadong nababad sa formalin, tyak maluluto ang balat nun kung nagkataon. Palagay ko sinadya yun."

S-si Sky..

-

(Gab's POV)

Nagising ako ng sobrang sakit ng ulo ko. Wait, nagising ako? NAGISING AKO! NILIGTAS AKO NI ALEX! Sinasabi ko na nga ba ililigtas nya ko.

"Gab? Okay ka na ba? Kamusta na pakiramdam mo?"

"S-sky?"

"Nakulong ka sa lab. Buti nalang nakarating agad sa'min ang balita. Nailabas kita agad." Hinaplos nya yung buhok ko.

Teka, si Sky? Sya yung nagligtas sa'kin? Asan si Alex? Hindi ba dapat- Gab ano bang iniisip mo? Dapat magpasalamat ka nalang at nailabas ka pa sa lab.

"Thank you Sky ha?" I smiled. Hinawakan nya yung kamay ko. Bakit ganito? Bakit parang may kumukurot sa puso ko? Nasasaktan ako ng hindi ko alam kung bakit. Bakit wala sya dito? Nasan ba sya?

UngentlemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon