Chapter 25- Slow

16 0 0
                                    

Chapter 25- Slow

(Gab's POV)

Hindi ko naman inaasahang may ganito palang ginagawa after exams. Nakakahiya! Absent ako the day after ng exams nung prelims kaya bago sakin 'to.

Pinapaakyat sa stage ng gym yung mga students na may matataas na nakuha sa mga exams nila, every year kada course top 3 yung pinapaakyat. Para daw maging model at inspirasyon sa mga students na pagbutihin pa ang pag-aaral. Sayang sa oras. Hindi ko alam kung matutuwa ako at nandito ako sa taas ngayon o maiinis dahil sobrang nahihiya ako. Kanina nung tinawag ako halos magpakain na ko sa lupa sa sobrang kaba, lahat ng mata nakatingin sakin at pakiramdam ko hinihintay nila akong magkamali ng hakbang at masubsob. Jeez.

Kasama din si Sky at Sam sa top 3. Inspired talaga ang bestfriend ko. Pero si Sky.. ughh! I shook my head.

"2nd year engineering."

Malapit na sya. Top 3 kaya sya? Ghad. Kinakabahan ako. Pinilit ko syang tanawin pero hindi ko sya makita, ang dami kasing tao. Lagot ako pag hindi sya nakasama.

"3rd year engineering."

Nilagay ko sa likod ko yung mga kamay ko at nagcross fingers. Tinignan ko si Sam pero nakatingin sya kay Sky, si Sky naman nakayuko.

Dalawa na yung natatawag. Ghad. Lagot sya sakin pag hindi sya nakasama.

"James Alexander de Guzman."

"KYAAAAAAAAAHHHH!!!!" Dumagundong sa gym yung tilian ng mga babae. Grabe. Mr. Famous. Madami namang tinilian yung mga babae dito, kahit si Sky ang lakas din ng sigawan nila, pero ewan ko ba, bakit yung kay Alex lang yung napansin ko. Tss.

Parang hinahawi yung mga tao habang lumalakad sya paakyat sa stage. Napakalakas talaga ng dating nya. Nakapamulsa yung dalawang kamay nya. Kahit anong damit yata ang suotin nya babagay sa kanya. Kainis.

Sumulyap sya sakin. Pero umiwas ako ng tingin. Teka, sakin nga ba? O sa katabi ko? Ay ewan.

Pero imbis na humilera kasama ng namin dumeretso sya sa emcee at may binulong. Ano nanaman ang topak nya ngayon?

Binigay sa kanya yung mic kasabay naman nun ang malakas pang tilian ng mga babae. So may song number, ganun? Weirdo talaga ng eskwelahan na to.

"Ehem.." Binrush nya yung bangs nya. Kita ko naman ang pag twinkle twinkle ng mga mata nung mga babae sa harapan. Grabe lang ah.

"Gusto ko lang sabihin sa inyo na mahal ko ang babaeng yon.."

Napakabilis ng mga pangyayari. Halos hindi ako nakakibo nung unti-unting nahawi yung mga tao sa harap ko at ang tanging natira ay si Alex at ang nakaturo nyang daliri..sakin. Sakin?

"..sa sobrang slow nya kasi kailangan ko pang sabihin sa inyong lahat na mahal ko sya.."

A-ano daw? Tumingin ako sa likod ko pero bigo akong makakita ng tao. Genius mo talaga gab. Halos mabingi naman ako ng biglang nagsipagtilian ang lahat sa loob ng gym.

O__O <-- me.

"..at sa kasobrahan ng kaslow-an nya, hindi nya kayang i-distinguish ang biro at hindi."

Hindi ko kayang idescribe kung ano ang nararamdaman ko, o kung ano ang dapat kong maramdaman. Maiinis ba ako dahil nilalait nya ko sa harap ng buong school o matutuwa dahil sinabi nyang mahal nya ko? Nanlalambot ang tuhod ko. Para akong lumulutang sa kawalan.

"..kaya sana tulungan nyo kong ipaalala sa kanya araw-araw na mahal ko sya."

May babae namang kumuha ng mic kay Alex at tinapik tapik sya sa balikat. Thank you, ma'am. Humarap naman si Alex sakin at kinindatan ako saka sya humilera sa dulo. Tae.

"Thank you Mr. de Guzman for that sweet yet disturbing speech..let's continue.."

Wala na kong narinig sa mga susunod pang tinawag nila. Parang hinahalukay ng todo ang utak ko. Ano bang nangyari kanina?

Mahal nya ko?

Mahal ako ni Alex..

-

"Gab, nandyan na si lover boy!" Tinawag ako nung kaklase ko galing sa may pinto. Sabay sabay namang nagtayuan yung iba ko pang kaklase tapos nagpunta din sa pinto.

Nagbubulungan yung iba pero hindi ko maintindihan at ayoko ding intindihin. Sa kabilang pintuan ako dumaan imbis dun sa dati kong nilalabasan, ang dami kasing tao dun. At umaasa ako na matatakasan ko ang kahihiyan.

"San punta mo gabby?" FAIL.

Kinuha nya agad yung mga librong dala ko, pati yung bag ko. De javu ba ito?

"Kumain ka na ba?" hindi ako mapakali. Hindi ako makabuo ng thought sa utak ko. Umuurong ang dila ko. Ghad! Nababaliw na yata ako.

"O-oo.." Hindi ako makatingin sa kanya. Naiilang ako, bigtime!

"Good." Tinap nya yung ulo ko. Bakit sya ganito? Bakit ang sweet?

Nakarating kami sa next class ko ng matiwasay, regardless lahat ng titig at bulungan ng mga taong nakakasalubong samin. Magiging immune din ako dyan someday. Hawak nya yung kamay ko, nagke-kwento sya tungkol sa klase niya kanina. Weird. Sobrang weird. Ako naman, puro tango at 'ahh' lang ang ginawa ko kahit halos wala naman ako naintindihan sa sinasabi nya dahil lumilipad ang utak ko. Hindi kami ganito eh. Naghihintay ako ng pang-aasar at pambwibiwset pero bakit wala?

"Gabby.." Napatigil ako sa paglalakad tapos tumingin sa likod. Tae. Lumagpas pala ako ng room ko. Hustler talaga ako sa pagpapahiya sa sarili.

"Hehe.." Isa isa kong kinukuha sa kanya yung mga gamit ko pero hindi padin ako makatingin sa kanya, pero feeling ko, feeling ko lang naman, nakatingin sya sakin. Feelingera.

"Alis na ko, sunduin nalang kita mamaya." Hinawakan nya yung baba ko saka hinalikan yung pisngi ko. Ghad. Oh ghad. Ghad!!

"I love you." Ngumiti sya

At naiwan akong nakatanga..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UngentlemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon