Chapter 11- Regret

31 1 0
                                    

Chapter 11- Regret

(Alex's POV)

(Flashback)

Monday

"Yow, James nakita mo na ba yung 'girl' mo? Haha"

"Tss. Shut up Drey." Busy ako. Ayoko ng may umiistorbo sa'kin kapag naglalaro ako ng basketball.

Hinablot nya yung phone ko. Tangina. Gusto na atang mamatay nito. Tumayo ako at akmang hahablutin ang leeg nya. "Dude! Dude! Wait! Sumilip ka muna sa bintana!"

"Akin na phone ko gago." Ano ba nanamang sinasabi nito. Inabot nya sa'kin yung hinihingi ko tapos tinulak tulak nya ko sa may bintana ng room.

"Gago ka pag wala akong napala dito papatayin kita."

"Tignan mo si Hernandez dali! Ayun sa bandang kaliwa sa dulo." Inakbayan nya ko saka tumuro.

So.. Nagpalit ng hairstyle si Amazona girl. Tss. Di naman bagay. "James, kayo ba? Ligawan ko yan pag ayaw mo na." Tukso ni Delo.

Bakit ba sya nag-iba? Nakakabwiset. Pinagtitinginan lang sya ng mga lalaki eh. Di naman sya gumanda. Tae.

Tumalikod na 'ko saka bumalik sa upuan ko. Ano bang pumasok sa isip ng babae nayun at nagpaganda? Hindi pala, hindi sya maganda. Tss.

"Wiwiiiiit!"

"Tol, ganda pala nung Hernandez no?"

Naririnig kong nagpe-pyesta yung mga hinayupak kong kaklase. Mga gago na'to walang magawa sa buhay.

Nagdabog ako patayo na nakapukaw naman ng pansin ng lahat.

"Oh bakit James?"

"Ayoko ng marinig na pinag-uusapan nyo si Hernandez."

"At ikaw, hoy mukhang kabayo.." Tinuro ko si Delo na mukhang kabayo. "..hindi ka pwedeng manligaw sa kanya hanggang ganyan ang mukha mo. Hindi ngayon, hindi kahit kelan. Naiintindihan mo?" Halata namang nagulat sya saka tumango. Buti naman. Ayokong madumihan ang kamao ko ng pangit na mukha.

Lumabas ako ng room. Di ko maintindihan pero badtrip na badtrip ako. Naiinis ako. Bakit ba ko naiinis? Tss.

Nagpunta ako sa court sa likod ng field. Gusto ko maglaro. Pag di ako gumalaw baka makapatay ako sa sobrang inis ko.

Pinatalbog ko ang bola saka binato sa ring. Tss. Hindi pumasok. Bakit ba kasi sya nagpapaganda? Nagpakulay pa! Lalo tuloy napansin. Baliw na babae yon. Binato ko ulit sa ring. Hindi nanaman. Tanginang yan. Nung isang linggo lang mukhang nanay na may isang dosenang anak. Tapos ngayon ganyan na!

Nagpaganda ba sya para sa'kin? Bakit may iba pa ba? Bago lang sya dito ah. Edi sakin nga? Nagpaganda sya para sa'kin?

"Nagpaganda sya para sa'kin?"

Binato ko ulit sa ring..

*shoot*

Damn.

-

Gabby..

Gabby..

Gabby..

Ilang minuto na 'kong nakatingin sa pangalan ng amazona na yun. Tatawagan ko ba sya? Anong sasabihin ko? Tss.

*Gabby calling*

Shit shit shit. Napindot ko tangina. Bigla akong napatayo sa pagkakahiga ko. Tae. Ano bang nangyayari sa'kin?

(Hello?)

UngentlemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon