Chapter 23- All about love
August 8
(Gab's POV)
Ghaaad. Hell week na next week. Duduguin nanaman ang utak ko sa pagrereview. Huhuhu. Go! Go! Aja! Kaya ko 'to!
"Bestieee!" Bigla nalang sumulpot si Sam sa harapan ko pagkatapos niyakap nya ko.
Alululuh. Napapansin ko lang lately na ang sipag sipag ni Sam dito sa apartment, laging kanta ng kanta, laging nakatawa mula nung ehemm.. nagkaboyfriend sya! Ghad. Ganun ba talaga ang epekto kapag inlove? Jeez. Bakit parang hindi naman ako ganun, lagi padin akong stress. HMP. Tae. Hindi nga pala ako inlove. No, no, no. NO. I'm happy for my bestfriend.
"Parang hindi tayo nagkita kanina ah?" I joked.
"Namiss lang kita!"
"Ako ba talaga?" I smiled. Nakakatuwa din palang mang-asar paminsan minsan. Dalasan ko nga. Haha
"Naman ehh!" Hinampas nya ko. Pikooon. Hahaha ang arte arte nito!
"Halalala! Nag-iinarte oh?" Hahaha
"Hahaha kainis to. Uy Gab.." Lumawak yung ngiti nya. "..pupunta daw sya dito mamaya." Mas lalo pang lumawak yung ngiti nya at parang makita ko pang nagtwinkle yung mata nya. Wth.
"Bakit daw?" Pumunta ako sa sala at bumagsak sa sofa.
"Hmm..inaya ko kasi syang maggroup study. Sama ka na din!"
Dumapa ako. Hayy. Karelax. "Dinahilan mo pa yang group study ha? Hahaha bad girl."
"H-hindi ah! Syempre para makapagreview kami."
Naku Samantha. Alam ko nayang karakas mo. "Okay fine.." I murmured. Inantok ako bigla. Pumikit muna ko.
-
"Gab, I like you.."
Someone whispered and brushed my hair..
Nananaginip ba 'ko? Sino yun? Dinilat ko yung mata ko pero palakad na palayo yung taong nakita 'ko. Umupo ako at nagkusot ng mata. Tinignan ko yung wristwatch ko.. 7:15pm
2 hours din pala akong nakatulog. Tumayo ako at pumunta sa kusina. Si Sky at Sam.
"Good morning sleeping beauty!"
"Bakit di mo ko ginising?"
"Ang sarap sarap ng tulog mo eh, nakakahiya naman sayo. Haha"
"Haha tse. Magrereview din ako ha, magbibihis lang ako sa kwarto." Kumuha ako ng tubig sa ref saka uminom.
"Hi Sky, andyan ka pala."
"Hello.." He smiled saka bumalik sa pagsusulat.
Umakyat ako sa kwarto ko saka nagpalit ng damit. Nagsuot ako ng pajama saka t-shirt. Pinusod ko din yung buhok ko para hindi hassle sa pagbabasa mamaya.
"Wala ka bang kwarto? Bakit sa sala ka natutulog..may lumapit na sayo di mo pa alam.."
Biglang sumulpot si Jerk nung palabas na 'ko ng pinto. Tapos pumasok din sya sa kwarto nya.
Teka, sya ba yung kanina? Eh bakit parang wala sya sa mood? Tss. Tinotopak nanaman 'to. Sino ba yung tinutukoy nya? Sya ba yun? Malabo namang si Sky. Aynako.
Bumaba na ko at kinuha yung bag ko. Naabutan ko namang nagtatanungan sila Sky at Sam. Nuks! Talagang inspired ang bestfriend ko ah.
"Uy sali ako." I said. "Sige, tara dito." Sabi ni Sam.
BINABASA MO ANG
Ungentleman
RomantikRollercoaster ride. Yan ang description ko sa kanya. Nakakahilo, nakakalula, nakakatuwa, nakakaexcite, nakakakilabot, nakakabaliw. Yan ang mararamdaman mo, pag nagmahal ka ng kagaya nya.. ng isang Ungentleman. Pero ang tanong ay nasa huli, pagkatapo...