Chapter 24- Match
(Gab's POV)
"S-sky.." Nakita ko si Sky sa tapat ng pintuan ng apartment namin.
"Gab." He smiled. Smiling machine. Anong nangyari?
Kinapa ko yung susi sa bag ko. I tried to act normal. "Hinihintay mo ba si Sam? Balik ka nalang maya-maya."
"No, actually ikaw ang sinadya ko." What the hell. I hate moments like this. Sana kainin na 'ko ng lupa.
"Sky I'm not interested if that's about your.. your.. feelings." Nakuha ko yung susi sa bag, lumakad ako papunta sa pinto.
"I was drunk..Gab. I didn't mean to kiss her." Yumuko sya.
"Wag sakin. Wag ka sa'kin mag-explain.." Naiinis na 'ko. Bakit ba sya nag eexplain sa'kin? As if I care? Dapat kay Sam sya mag explain!
"But Gab.. give me a chance. Please." Bigla nyang hinawakan yung braso ko. Ghad. Bakit ganito si Sky?
"Chance for what?" I asked.
"Chance na..na..mapatunayan yung nararamdaman ko sayo." WTH.
"W-what?"
"Seryoso ako, Gab. Gusto kita. Gustong gusto kita." Pinagdiinan nya yung salitang 'gusto'. Biglang bumagsak ang balikat ni Sky.
"Sky.." Hinawakan ko sya sa balikat "sorry.. pero.. wala akong nararamdaman sayo."
"Guys! Andyan na pala kayo!" Halos mapatalon ako nung nakita ko si Sam sa gate. Wth. Narinig nya ba?
"S-sam.." Utal na sabi ni Sky.
"What?" She arched her eyebrowse habang papalapit samin.
"Kain na tayo, nagugutom na 'ko eh." Singit ko. Ghad. Sana wala syang narinig. Hindi pa 'ko handa.
"Good idea!" Ngiting ngiting sabi ni Sam. Nauna syang pumasok sa'min ni Sky at dumeretso paakyat ng hagdan.
Napatingin ako kay Sky at nagulat ako nung nakatingin sya sakin.
"I'll show you.. and I will change your mind." Pinisil nya yung pisngi ko saka pumasok sa loob.
Show me what?
-
*toktoktok*
Binuksan ko yung pinto. "Oh?"
"Review tayo." Nakangiti sya. Tss. Kainis.
"Notes mo?" Tinaas nya yung mga notebooks nya.
Dumiretso sya sa kama ko saka tumalon. "Ang tigas ng kama mo Gabby.." He murmured.
"Edi umalis ka dyan." I rolled my eyes. Naiinis talaga ko sa kanya.
Sa totoo lang, ekek lang naman yung pagiging tutor ko kay Alex eh, hindi ko naman sya natuturuan, nagrereview lang kami. Literal. Kinausap ko na si dean dati at sinabi kong hindi ko magagawa yung pagiging tutor sa kanya, syempre mas matalino sya sakin, at higher year. Ang sabi naman siguraduhin ko lang daw na nag-aaral sya at hindi bumababa ang grades.
"Gabby.." I snapped. "Oh?"
"Wala lang."
Tss. Wala akong panahon. Bahala sya sa buhay nya. Hindi ko sya pinansin at pumunta sa study table.
"Gabby.." Hindi ko sya pinapansin.
"Huy, Gabby!" tinignan ko sya ng masama. Nakapangulmbaba sya sa kama habang nakatingin sa'kin.
"Magreview ka nga dyan." Inirapan ko sya. Mukha talagang ewan, nakakainis.
"Yes Ms. Sungit." narinig kong natawa sya ng mahina.
Nagpatuloy ako sa pagbabasa. Marami-rami nadin ang narereview ko. Ayos. Kahit papano handa ako sa exams bukas. Tumingin ako sa likod ko para tignan kung anong ginagawa nya pero nagulat ako nung makita ko syang natutulog.
Nilapitan ko sya. Jeez. Nagreview ba 'to? "Alex.." Kinalabit ko sya. "Alex gising na, pumunta ka na sa kwarto mo." Inalog ko yung balikat nya.
"Huy Alex ano b-AAAAAH!" WTH! Bigla nya kong hinatak sa kama. At..at.. nakapatong ako sa kanya!
"Huli ka!" Siraulong lalaking 'to. Bigla syang dumilat at ngumiti sa'kin.
"Ano ba!" Pilit akong tumayo pero nakayakap sya sa likod ko. Tae. Manyakis na lalaki!
"Bakit ba ang sungit mo, ha?" ah so uso na pala ang tanga-tangahan Alex? Jeez.
"Pwede bang bitawan mo na ko!" Nagpout sya saka unti-unting lumuwag yung pagkakayakap nya sakin. Tumayo naman ako agad. Ugh.
Kinuha ko isa-isa yung mga notebooks nya. Kinilabutan ako nung bigla nya kong kalabitin. "Psst.. ganda." anong lason naman kaya ang nakain nito at nakuhang mambola?
"Maganda ka, gwapo ako, perfect match tayo, Gabby."
Perfect match?
Umupo sya sa kama. Habang ako lumuhod sa sahig para pulutin yung mga nahulog na notebooks. "Pa'no kapag nawala na tayo, wala ng matitirang gwapo at maganda. Kawawa naman ang Earth." Tinignan ko sya. Nagpout sya bigla. Ano nanamang topak nito?
"Ano?" I arched my eyebrowse. Sa totoo lang ayoko talaga syang kausapin kasi naiinis talaga ako sa kanya. Ewan ko ba kung bakit lumabas sa bibig ko yun.
"We have to do something." Naging seryoso yung mukha nya na parang nag-iisip ng malalim. The hell is he talking about?
"Kailangan nating magparami." Biglang lumawak ang ngiti sa mukha nya. NASISIRAAN NA TALAGA NG ULO ANG LALAKING 'TO!
Hindi ko ma-explain kung anong naging reaksyon ko sa sinabi nya pero sigurado ako na nakataas ang kilay ko nun. Bwiset talaga!
"Labas.." Tumayo ako at hinatak sya patayo ng kama ko. Tinulak tulak ko sya papunta sa pinto.
"Pero Gabby, kailangan tayo ng Earth." Natatawa nyang sabi. I bit my lower lip para magpigil ng tawa. Sobrang maluwag na ang turnilyo nya sa utak.
"Labas sinabi eh!" Tinulak ko sya palabas ng pinto. Isasarado ko na sana pero inipit nya yung paa nya. Hihirit pa eh!
"Wag mong talikuran ang responsibilidad mo sa Earth..gabby." Seryoso nyang sinabi. BALIW! BALIW! BALIW!
"Good night Alex. Itulog mo na yan." I tried to sound calm. Saka ko sinarado yung pinto.
Siraulong yon.
BINABASA MO ANG
Ungentleman
RomanceRollercoaster ride. Yan ang description ko sa kanya. Nakakahilo, nakakalula, nakakatuwa, nakakaexcite, nakakakilabot, nakakabaliw. Yan ang mararamdaman mo, pag nagmahal ka ng kagaya nya.. ng isang Ungentleman. Pero ang tanong ay nasa huli, pagkatapo...