Chapter 10- I hate him!
(Gab's POV)
Wednesday
Prelims
Nakasakay na 'ko ng jeep papuntang campus. Sht! Naiwan ko yung wristwatch ko! Anong oras na kaya? "Ate, anong oras na po?" Tinanong ko yung katabi ko. "8:29am iha."
Ayun. May 30 mins pa ko. Aabot ako sa first subject. "Thank you po."
*tootooot* may nagtext. Asan na ba yung nokia nayun.. *kapa kapa*
One message received
Jerk Guy:
Punta ka sa field now na.
What the?! Tinanong ko sya kung magrereview kami sabi nya hindi tapos kung kailan araw ng prelims saka nya ko kakailanganin?! Anak ng palaka ka.
Binago ko yung nakakairitang 'baby' at pinalitan ko ng pangalang nababagay sa kanya. Jeeez. Babyhin nya mukha nya.
Me:
Mamayang hapon nalang may exam ako ngayong umaga e.
*sent*
Jerk guy:
Lalong hindi ka makakapag exam pag hindi ka pumunta.
Hindi ko na sya nireplyan dahil bababa na 'ko ng jeep. Sayang pa yung load ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ako dinadala ng mga paa ko papunta sa field. Maaga pa naman siguro? Saglit lang naman yung naging byahe ko kanina so madami pa kong oras. Ano ba kasing kailangan nitong baliw na 'to. Kainis. Magpapakita lang ako sa mokong nayun saka ako sisibat. Baka isumbong pa ko ni mama's boy.
'What do you feel towards him?'
I remember what Sam asked me. Wait, bakit ko ba iniisip yun? Yaaaak. Nakakakilabot.
Bura bura bura...
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, tatlong bundok ng libro. May lima hanggang anim kada bundok. What the hell. Ano kayang gagawin namin sa mga 'to.
Nakaupo sya sa bench habang nakatitig sa'kin..
Ng masama.
What? Anong problema nito?
"May exam ako ngayon, mama-"
"Sit here." He said in a serious tone. Mukhang may hindi maganda ang gising ah. "Pero kasi magsisimu-"
"I SAID SIT HERE!" He shouted.
Halos mapatalon ako sa gulat. Nakakatakot. Bakit ba sya nagagalit? Nanigas ang buong katawan ko pero pinilit kong pumunta kung san nya tinuro. Ngayon ko lang sya nakitang magalit. I admit, natatakot na talaga ako.
Biglang nanlamig ang mga kamay ko..
"Now, summarize those chapters." Hinulog syang yellow paper. Grabe. Napakagaling! Hindi talaga inabot? Tss.
Pinulot ko yun at binuklat. May nakasulat na pages at title ng libro. Seryoso? Pinagti-tripan nya ba 'ko? May exams ako ngayon, malelate na ko!
"Male-late na kasi ako eh." I said in a nervous tone.
"I don't care. Tapusin mo yan."
Seriously?! Hindi ako papayag dito. Naglakas loob ako. Huminga ng malalim. Tumayo ako at kinuha yung bag ko. "Sorry Alex pero mamaya ko-"
"Gusto mong mawala dito?" Bakit ba hindi nya ko pinapatapos magsalita?!
What the hell is happening. Bakit parang ang laki ng galit nya sakin ngayon. Letse.
BINABASA MO ANG
Ungentleman
RomanceRollercoaster ride. Yan ang description ko sa kanya. Nakakahilo, nakakalula, nakakatuwa, nakakaexcite, nakakakilabot, nakakabaliw. Yan ang mararamdaman mo, pag nagmahal ka ng kagaya nya.. ng isang Ungentleman. Pero ang tanong ay nasa huli, pagkatapo...