Chapter 3- I'm his what?!

46 1 0
                                    

CHAPTER 3- I'm his what?!

(Gabrielle Hernandez's POV)

Nakaraos ang first two weeks ko, peacefully! Thank God hindi ko na nakita si Mr. Jerk. At sana hindi na kami pagtagpuin ng university na'to.

I took a deep breath then smiled. Nakadungaw lang ako sa bintana watching the random faces of the students here. Halos hindi na kami nagkikita ni Sam dito, ang layo naman kasi ng area nila, pag nagkikita kami hi hello nalang dahil pareho kaming busy. Wala padin akong friends, isn't that surprising? I don't know pero hindi talaga ako sanay makipag interact sa ibang tao. Ughh..

Yung mga classmates ko naman nag grupo grupo na. Nakakausap ko naman yung seatmate ko sa EN1 pero halos tanungan lang din tungkol sa subject, tapos irreg pa sya. Wth.

"Hernandez!" Huh? Kilala pala ako ng blockmate ko na to.

"Bakit?"

"Tawag ka ni Dean! Hala ka!" Sabay sabay nagsipagtinginan yung iba kong blockmates. What? Porket tawag ni Dean may kalokohan agad?

"Lagooot!" Kantyaw nung isa. Parang mga bata. I rolled my eyes habang tumatayo. Pero nakasmile ako.

"Bakit daw?" Bakit nga ba? Baka about sa scholarship ko? Hmm..

"Di ko alam eh. Punta ka nalang daw sa office." Bakit kaya? Hala, baka tanggal na yung scholarship ko? Pero teka, wala pa namang exams ah? Sht! Baka dahil dun sa binato ko ng bola? Pumutok kaya yung noo? Na-ospital ba? Namatay? Omg. Aaminin ko medyo kinabahan ako.

Basang basa ko ang 'goodluck faces' ng mga blockmates ko. The hell.

*toktok*

"Please, come in" Omg. Why? Omg. Omg.

"Uhmm.. G-good afternoon po, Dean" I sain in a nervous tone. Shocks. Halatang halatang kabado ako. Nakatayo ako sa sulok ng pinto habang magkadikit ang dalawa kong kamay sa likod ko.

"Good afternoon din, have a seat" Hmm.. Mukha namang kalmado at hindi sya galit. May kinuha syang envelope at binrowse yung mga papel dun. Feeling ko, information ko yun.

"You have an amazing numbers here, Ms. Hernandez. Huh? Is she pertaining to my grades? "P-po?"

"Matataas ang grades mo nung highschool. Impressive."

"Thank you po." Wow. Pinapunta nya ko para batiin ang grades ko? I smiled a little pero konti lang para di nya mahalata.

"I am offering you a job, Ms. Hernandez. Scholar ka right? I believe you need an extra income, hindi din naman kasi biro ang gastusin dito sa school. Projects, activities, etc. right?

Dean, hulog ka ng langit! Yes! Yes!

"O-opo dean. Hindi naman po kasi kami mayaman." Feeling ko namumula ako sa excitement at tuwa >__<

"Okay, so, that means pumapayag ka?" Teka ano nga ba yung 'job' nayun? "Uhmm.. Eh ano po ba yung job, dean?"

"You will be my son's tutor."

OMG.

"O-okay po"

May pina-fill up sya saking form. Mababawasan pa yung binabayaran kong 50% ng 10% tapos may 5,000 ako monthly. Heaven! Thank you Loooord!

Nung makalabas na ko ng office ni Dean, hindi ko alam kung bakit ako na-bother bigla..

Tutor..

Tutor..

OH MY GOD.

Saka lang nagsink in sakin yung sinabi ni Dean..

"You will be my son's tutor"

Anak ni Dean! Wth.

"Meet him at the library tomorrow. 1pm. Don't be late, okay?" OMG. Binuklat ko yung folder na binigay sakin ni dean. Schedule, schedule, Eto! Information!

James Alexander de Guzman.

3rd year Civil Engineering student.

19 yrs old.

Basketball Varsity Player.

Biglang kumabog ang dibdib ko. 3rd year student na sya, ako 1st year palang. Wala pa kong napapatunayan sa grades ko. Why me? At ang layo ng bsba sa engineering! Masama ang kutob ko. Pero sana mali ako. Please! Universe!

Halos mangatog ang kamay ko habang dinudukot ko yung 2x2 picture..

Unti-unti..

I'm praying in the back of my mind..

Please..

"OH MY.." Nabitawan ko lahat ng dala ko. My knees went weak. I feel dizzy.

Oh Ghad. This is so not happening!

That jerk. Yung binato ko ng bola sa ulo. Sya.. yung anak ni Dean.

I am doomed.

-

"You what, Gab?!" Spell OA. Kanina pa sigaw ng sigaw 'tong si Sam. Nandito lang naman ako sa harap nya. Jeez.

"I know! Hindi ko naman alam na anak ni Dean yung hambog nayun!" Tss.. Sino nga bang mag-aakala? Expected na mabait at role model ang anak ng isang dean.

"Everybody knows Gab!!" Lalong lumakas ang oa na boses ni Sam. Wait, what? Lahat alam? Including her?!

"Alam mo?" Namilog ang mga mata ko.

"Of course! Nasa bulletin board at tarpaulin sya sa gate ng school! Omg, Gab, lumalala na yang pagiging anti-social mo." Really? Ughh.. Bakit nga ba hindi ko napansin yun. At bakit hindi ako nagbabasa ng news sa bulletin board. One reason, because I don't care. Jeez.

"He is one of the most outstanding students sa university. He excels in almost everything! And he is.. haaay.." Biglang nag twinkle yung mata ni sam habang niyayakap yung sarili "..effin hot!"

I rolled my eyes. Duh? Ang sama sama ng ugali nya! Come to think of it, binato nya ko ng bola! Argh. Oo, may itsura nga sya pero isang malaking 'duh' naman yun dahil sa ugali nya!

Wait, kung 'one of the most outstanding students chuchu' sya. Why would he needed a tutor? Omg.

"Pero bakit kaya nya kailangan ng tutor?" Iisa lang kami ng nasa isip ni Sam.

Nagduet pa kami.. "REVENGE"

What the hell.

"Omg, Gab! You're in big trouble!" Hinawakan ni Sam yung dalawang braso ko with her serious face.

"I-I know?" Alam ko nga ba? Anong mangyayari? Sht. Oo, alam ko. Patay na talaga ako.

"I heard this rumor na may nagdrop na student dahil sa kanya, 2 years ago. Hindi ko lang alam yung reason. And I heard, may pagkabadboy nga daw yun at sobrang suplado. Though, madami syang fan girls dahil he has the looks, varsity pa." Ang bestfriend kong chismosa. Nabobother na ko. Nagdrop? Dahil sa kanya? Fudge.

Bumagsak ako sa kama spreading my arms. Why me? Huhuhu ano baaaa! Should I say sorry? Naiisip ko palang parang masusuka na ko. Tss.

"I am dead, Sam. Kill me now." I closed my eyes and sighed..

"Yes you are. Hahaha" luka luka talaga to, imbes na pagaanin ang loob ko talagang walang support?

Jeez. What have I done?

Tumabi sakin si Sam at niyakap ako. "Don't worry Gab, nandito lang ako for you. Rest ka na. You'll be having a big day tomorrow. Night Gab!" Nagtatakbo na sya palabas ng kwarto ko.

Sana tumigil yung oras. Haay.

UngentlemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon