Chapter 21- Ferris wheel

16 0 0
                                    

Chapter 21- Ferris wheel

(Gab's POV)

Gabi na ah, bakit wala pa si Sam..

Three days na mula nung nangyari yung sa laboratory. Hindi muna ako pinapasok ng admin dahil pinagpapahinga muna ako, okay naman na talaga yung pakiramdam ko, kaya gumawa nalang ako ng paper works at projects. Ang sabi ni Sam napatalsik daw yung tourism student na may pakana nun, tapos yung mga kasamahan nya suspended. Hindi daw nya kilala kung sino yung nagsumbong o kung may nakahuli sa kanila. Sa totoo lang, gusto ko sanang makausap yung babaeng nakaaway ko, gusto ko ding magsorry sa kanya, hindi kasi maganda sa pakiramdam na may estudyanteng naalis dahil sa'kin. Nakokonsensya ako lalo na't nobody lang naman ako sa school.

Three days nadin ang nakaraan pero hindi ko padin nakikita kahit anino ni Alexander. Ano kayang nangyari dun? Sa totoo lang mula nung lumabas ako sa clinic hindi ko maiwasang hanapin sya, kahit hindi ako nagtatanong kahit kanino, sinasabi nila sa'kin na nasa practice daw sya. Hindi nya kaya alam yung nangyari? O wala lang talaga syang pakialam? Bakit hindi sya umuuwi dito? Para akong mababaliw kakaisip dito, sya kaya? Iniisip din kaya nya kung kamusta na'ko?

Ang tahimik lagi dito. Walang nangungulit. Walang maingay. Walang nanggugulo. Pero hindi ako mapakali, pakiramdam ko hinahanap hanap ko yun, hinahanap hanap ko sya.. Parang may kulang.. Ughh! Na-mimiss ko ba sya? Ano bang nangyayari sa'kin?! I shook my head. Nakakafrustrate.

*phone ringing*

Sam calling...

"Hello, Sam?"

(Gab! Magbihis ka ah, susunduin kita dyan. 15 mins.)

Parang madaling madali si Sam ah.. "E-eh teka, bakit? Saan tayo pupunta?"

(Basta! Sige na please. Labas ka na sa gate ha? Byee!)

Biglang nag end yung call..

Anong meron? Ilalabas nya ba ako? Hayy tatlong araw nadin akong bored na bored dito. Better na lumabas nga ako.

Naligo ako at nagsuot ng white na dress. Hindi ko alam kung bakit ako nagdress. Ewan. Basta gusto ko lang. Nagdoll shoes na white ako, yung nabili ko ng 150 sa tapat ng school namin. Nagpolbo ako at pinusod yung buhok ko.

Lumabas ako ng bahay at nakitang nandun na si Sam..

"Huy! San tayo pupunta?"

"Wow! Ang ganda ganda talaga ng bestfriend ko! Hmm.. Basta! Matutuwa ka." She smiled. Mukhang excited na si Sam, baka nga happy place yung pupuntahan namin.

Tahimik lang kami sa byahe, lagi lang nakangiti si Sam. Ano kayang meron? Weird ah.

Binaba kami ng tricycle sa may peryaan. Sakto, sa mismong pinagbabaan namin, dun din nagpark yung motor ni Alex. Parang nagflashback sa'kin yung nangyari dito. Nung.. Niyakap nya ko. Pakiramdam ko nanggigilid yung luha ko. Kinusot ko naman agad ang mata ko para pigilan yun. Epekto siguro ng mga nangyari, nagiging manipis ako.

Haaaay..

Humawak ako sa kamay ni Sam. Medyo nakakatrauma kasi eh, ayoko ng humiwalay sa kasama ko.

"Gab, pila ka lang muna dyan ha. May bibilin lang ako."

"H-ha? Wag kang umalis Sam.."

"Saglit lang ako. You'll be fine." Nginitian ako ni Sam saka umalis. Nagtataka ako pero hindi ako nakapagreact, hindi ko na sya napigilan. I'll be fine? Oo naman, I'll be fine..

Nakapila ako ngayon sa ferris wheel. Tingin ko next na 'ko dito. Nasan na ba si Sam? Unti-unti ng bumabagal yung pag-ikot ng ferris wheel. Ako naman, pilit kong dinudungaw kung nasaan na si Sam. Ang saya naman, sasakay ako ng ako lang mag-isa. Tss.. Nawala na 'ko ng tuluyan sa mood.

"Miss, mauna ka na.."

"Oo nga.."

Nagtaka ako dahil pinauna ako ng mga tao sa harap ko. Bakit? Dahil mag-isa lang akong sasakay? Dahil mukha akong kawawa? Nice.

Sumunod nalang ako hanggang sa makarating ako sa tapat ng ride. Ang laki laki pala talaga ng ferris wheel. Ang ganda. Makulay. Mailaw. Dati ko pa gustong malaman kung anong pakiramdam makasakay dito. Ngayon alam ko na. Kahit gaano pala kaganda ang isang bagay sa harap ko, kung wala naman akong kasama para makasalo sa pagkakataon nayun, walang kwenta. Malungkot..

Inalalayan ako na makasakay sa ride tapos nilock nung lalaki. Sumandal ako at humawak sa bakal sa harap ko. Ang lamig. Lalo pang lumamig ng dahan-dahang tumaas yung ferris wheel. Pero nagtaka ako kung bakit hindi huminto yun para magsakay. Nasa tuktok na 'ko at sinilip ko sa baba pero hindi padin sila sumasakay, sa halip nakatingin lang sila sa'kin. Wag nyo sabihing nasira 'tong sinasakyan ko? Grabe. Nagulat ako ng biglang bumaba yung ride ko, tapos na ba?

Unti-unti..

Dahan- dahan..

Pababa yung sinasakyan ko..

Nakita ko ang isang pamilyar na mukha na nakatayo sa harap ko.

Nakangiti sya sa'kin. Yung ngiti na ilang araw kong hindi nakita..

"Hi Gabby.." Nagsalita sya. Sinabi nya ulit yung pangalan ko. Malumanay.. Malambing..

Hindi ko mapigilan ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit gusto nilang pumatak. Pero hahayaan ko nalang sila.. "Mukha kang anghel."

Ako? Mukhang anghel?

Lumapit at sumakay sya sa sinasakyan ko. Nakatitig ako sa kanya. Pakiramdam ko ilang taon ko syang hindi nakita. Bakit ganito? Bakit pakiramdam ko ang saya saya ko? Parang sasabog ang dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag, hindi ko maintindihan.. Pero.. Masaya talaga ako.

"A-alex.." Kasabay ng pagtaas ulit ng ferris wheel niyakap ko sya. Niyakap ko sya ng mahigpit. Bahala na. Basta, gusto ko syang yakapin.

"Na-miss mo ba ako?" He whispered.

Tumango ako.. Na-miss ko sya. Na-miss ko sya talaga.

"Mas na-miss kita.. sobra sobra." Humigpit lalo yung yakap nya.. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Sabi nya na-miss din nya ko, ibig sabihin pareho pala kami.

Bumitiw ako sa pagyakap at tinignan sya. Pinunasan naman nya ng kamay nya yung luha ko. "Bakit ka umiiyak? Ang pangit pangit mo nanaman.." Pinalo ko sya sa braso. "Baliw." He chuckled.

"Alam mo bang takot ako sa heights, pero nandito ako sa tabi mo." Nginitian ko lang sya. Baliw talaga. So kasalanan ko pa? Sumandal ako sa balikat nya. Ang saya, parang ang saya ng puso ko.. Nakakatuwa, may kasama ako sa ferris wheel.

"Gabby.." He looked at me in the eyes.. deeply.

Parang nasusunog ang pisngi ko. Hindi nanaman ako makagalaw. Sya lang ang nakikita ko. Parang walang tao sa paligid kundi kami lang. Parang lumulutang yung ferris wheel sa kawalan..

"I think I'm ready for the sweetest kiss.."

Omg.

Bago pa 'ko makapagreact. Hinawakan na nya yung bewang ko at nilapit sa kanya. Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko parang hindi na 'to tumitibok..

He leaned closer..

and closer..

Hinawi nya yung ilang buhok na nasa pisngi ko..

A-anong gagawin ko? Nakatitig ako sa mga mata nya. Tapos para akong na-hypnotize at unti-unti kong pinikit ang mga mata ko..

Dahan-dahan..

I felt a soft thing touched my lips. Sobrang lambot talaga..

And then it hit me.

He's kissing me and I'm kissing him..

It feels like the first time..

Nevermind nalang yung romantic dinner sa isang romantic beach..

It was the sweetest kiss ever..

UngentlemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon