Chapter 18- Savior
(Gab's POV)
5:30 na nung makarating kami ni Alex sa peryaan. Tahimik lang kami pareho buong byahe. Sa balikat nya ako humawak. No explanations needed. Lol.
Ang daming makukulay na ilaw. Ang gandaaa! Ang sayaaa! Ang kulay kulay talaga! "Alex ang ganda no?"
"Sobra.." Napatingin ako sa kanya, nagulat naman ako nang makitang nakatingin sya sa'kin. AWKWARD!
"Tara na nga!" Hinatak ko sya sa braso papasok. "Ay wait! Tatawagan ko si Sam.."
"Okay." Medyo lumakad ako palayo kay Alex. Nakita ko naman syang bumili ng cotton candy sa mga hilera ng stands.
*BFF Sam calling..*
(Hello Gab, bakit?)
"Sam wag nyo na kong sunduin ha? Nandito na ako eh."
(Ha? Pano? Sinong kasama mo?)
"Si ano, si Alex"
(Ayieeeee osige na! Papunta na kami dyan! Byeee!)
"Bye Sam." I rolled my eyes. Mapang-asar talaga 'tong bestfriend ko.
Teka, asan na ba yun? Nawala si Alex sa hilera ng mga stand. Hala. Baka naligaw nayun, o nahold-up?
Nagpalakad lakad ako sa palibot ng entrance ng peryaan para hanapin si Alex. Hassle talaga yung tao nayun! Tss..
"Hi miss wala ka bang kasama?" May tatlong lalaking humarang sa nilalakaran ko. Fudge.
"M-meron." Umiwas ako ng daan at nagsimula ulit lumakad pero hinatak nung isang lalaki yung braso ko.
"Ano ba bitawan mo nga ako!!"
"Wala ka namang kasama miss eh!"
"Oo nga, ang ganda ganda mo wala kang kasama?"
"Sinabi ng meron eh!" Nagpumiglas ako pero pumunta sa gilid ko yung isang lalaki. Nabitawan ko yung bag ko!
Hala anong gagawin ko. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako. Nasan na ba si Alex? Takot na takot ako, hindi ko alam ang gagawin. Patuloy akong nagpupumiglas.
"Halika na! Kami nalang ang sasama sayo!" Hinahatak nila ako papunta sa parte ng perya na walang tao.
"Alex!!! Tuloooong!!! Aleeex!" Nanggigilid na yung luha ko. Takot na takot na talaga ako. Masyado silang malakas at hindi ako makapalag. Alex nasan ka na, kailangan kita..
*BOOGS*
Bumitaw yung isang lalaki sa braso ko.
*BOOGS BOOGS*
Bumitaw ulit yung isang lalaki..
Umupo ako sa damuhan at pumikit. Hindi ko mapigilan ang luha ko, please wag kang tutulo.. Tatagan mo ang loob mo. Traydor ang mga mata ko. Sunod sunod ng tumulo ang luha ko, dala ng gulat, kaba, takot at iba pang masamang pakiramdam. Wala na 'kong ibang narinig at nakita sa nangyayari. Nakaupo lang ako at tinago ang ulo ko sa tuhod ko. Natatakot ako. Sobra.
Biglang may humawak sa braso ko..
"Wag po! Wag po!" Nagpumiglas ako
"Gabby ako 'to, wag ka ng umiyak." Lumuhod sya sa harapan ko. Hinawakan nya yung dalawang pisngi ko tapos hinarap nya sa kanya. Naiiyak nanaman ako. Pinunasan nya yung luha ko..
"A-alex.." I hugged him. Lalo ko pang naramdaman ang pag agos ng luha ko. "Shhh.. I'm sorry. Sorry Gabby.." Tinayo ako ni Alex at niyakap. Ang higpit ng yakap nya. Mahigpit pero hindi nakakasakal. Pakiramdam ko ligtas ako. Ligtas ako sa yakap nya.
"..promise hindi na kita iiwan mag-isa." He whispered. Tumango ako. Pakiramdam ko kami lang ang tao dito. Siya lang ang nakikita ko. Siya lang ang gusto kong makasama.
Nagpunta na kami kung nasaan yung motor ni Alex. Pagkatapos ng nangyari wala na sa amin ang nasa mood para magperya pa. Dinampot ng mga barangay tanod yung tatlong lalaki kanina, lasing daw kaya wala sa sarili.
"Bili lang ako ng mineral water ha?" Wait, aalis ba sya? Ayoko mag isa dito.. "A-alex sandali.." Nahawakan ko yung dulo ng jacket nya. "..uwi na tayo." He just smiled saka tumango.
"Gaaaab! Jameees!" Si Sam. Sinabi ko kay Alex na wag na namin sabihin sa kanila yung nangyari para hindi na sila mag-alala, pumayag naman sya.
"Ano tara na?" Aya ni Sam. Alam kong magbabago ang good mood ni Sam pag nalaman pa nya.
"A-ano Sam, uuwi na kami. Sumama kasi yung pakiramdam ko eh."
"Hala okay ka lang ba bestie?" Hinipo ni Sam yung noo ko. "Okay lang ako, medyo sumakit lang yung ulo ko."
"Sige na Gab, magpahinga ka na. Gusto mo ba ihatid ka namin?" Sabi ni Sky.
"Ako na. Pareho lang naman kami ng uuwian." Singit naman ni Alex.
"Okay na Sky. Thank you nalang. Enjoy kayong dalawa ha."
"Sige na bestie, text mo nalang ako pag may kailangan ka. Ingat kayo. Hey hot James! Keep your hands off my bestfriend okay?" Wth Sam!
"Saaam!" Natawa lang ng mahina si Alex. Si Sky naman walang reaksyon.
"Hahahaha! Kidding. Sige na, bye guys! Ingat kayo." Sam hugged me tapos inakay na 'ko ni Alex pasakay ng motor nya.
Sinuot ulit sa'kin ni Alex yung helmet tapos pinahiram din nya sa'kin yung leather jacket nya. Malamig na daw at baka sipunin ako. Tahimik lang ulit kaming dalawa sa byahe. Pero nakayakap ako sa bewang nya. Naidlip ako. Explanations? Tinatamad ako..
BINABASA MO ANG
Ungentleman
RomanceRollercoaster ride. Yan ang description ko sa kanya. Nakakahilo, nakakalula, nakakatuwa, nakakaexcite, nakakakilabot, nakakabaliw. Yan ang mararamdaman mo, pag nagmahal ka ng kagaya nya.. ng isang Ungentleman. Pero ang tanong ay nasa huli, pagkatapo...