CHAPTER 2- Run, Gab!
Monday
Hingal na hingal akong tumatakbo paakyat ng hagdan. Grabe. Kalbaryo naman ang first subject ko, 4th floor. Puno pa lagi yung elevator. Bakit naman ba kasi ngayon pa ko nalate ng gising? At bakit ngayon pa sobrang traffic? Malamang start na ng classes ng karamihan ng schools. Great. Now Binabara na ko ng sarili kong utak. Anti-social + baliw. I am the worst.
"A-ack!" Sht! Napahawak ako sa ulo ko. Nauntog ako sa matigas na bagay. Galit ba ang mundo sakin ngayon?
"Bulag ka ba?!"
Woaw! Hambog na 'to. I admit, ako yung nakabangga sakanya pero dahil ang sama ng ugali nya hindi ako magso-sorry. Saka bakit ba sya nakaharang sa hagdan?! Wala ba syang klase?
Inirapan ko sya saka pumunta sa kabilang side "Laking harang" bulong ko sa sarili ko habang paakyat.
"What the.. Hindi ka ba naturuan magsorry?!" Aba't hindi talaga ako tinantanan?!!
"Hinde!!" Saka ako kumaripas ng takbo. Baka mapatay ako ng wala sa oras, ayoko lang talaga magsorry dahil sa kayabangan nya. Hindi na talaga uso ang pagiging gentleman nowadays. Tss.
Wait..
Sumilip ako sa baba..
Nakita ko sya habang pababa na ng hagdan. His hands in his pockets.
Gwapo..
What?! Ano?! Ano ba, Gab? Para kang sira! Ugh. Napa-face palm nalang ako saka tumakbo. What am I thinking?
-
Natapos na yung first three subjects ko. Orientation lang lahat. Petiks mode lang. Ang lamig at nakakarelax dito sa field. Medyo cloudy ngayong hapon. Nakaupo ako sa isa mga bench habang inaarrange yung ginagawa kong mix sa laptop. Music is my passion. I slowly close my eyes habang dinadama ko yung pinapakinggan ko. Hayy.. Feeling ko lilipad na ko.
Maya maya..
"Ano yun?" I heard a noise from the basketball court. May maliit na basketball court sa likod nitong field. Isang malaking pader lang yung nakaharang tapos may puno then yung court. Nalibot ko na to kanina kaya alam ko ng may court dun.
Hindi ko alam kung bakit tumayo ako sa kinauupuan ko, leaving my stuff there. Habang papalapit lumilinaw na sakin yung tunog na naririnig ko. May nagbabasketball pala.
"What the.." Ughh.. Out of all the people dito sa University, sya nanaman?
Si Mr. Jerk na nabangga ko kanina. He's playing by his self. Anti-social din ata. Nakaplain white v-neck shirt sya tapos fit na pants. Wew. Shoot lahat ng tira. Magva-varsity siguro sya. He's really good. And why the hell am I still standing here? Hindi ako interesado.
Tumalikod na ko para bumalik sa pwesto ko when a hard thing hit my behind! "Aahouch!" Where'd that word came from? Ah wala akong pakielam. Napaluhod ako sa damuhan dahil nanghina yung tuhod ko. In short, nadapa ako.
Tumingin ako sa likod ko. Tumingin ako ng masama sa tao sa likod ko. I can't believe what I'm seeing! Nakangiti sya habang papalapit sakin. He did that on purpose! He effin did that on purpose! Argh!
"Anong hinuhuli mo dyan?" He blurted out sabay tawa. So, hindi sya magsosorry? Who am I kidding? Sinadya nga nya diba? So what am I expecting? Nakakainis! Gumanti sya!
"Hahahaha! that was hilarious!" Nakahawak sya sa tyan nya at sobrang tawang tawa. May problema sya sa utak.. Sigurado.
I didn't wait na makapagsalita sya ulit. Tumayo na ko. I don't have time for this. "Y-you should have seen yourself! Hahahaha" Evil laughter, that's what I'm currently hearing. Nakakainis! Pinagpag at inayos ko ang sarili ko tapos kinuha ko yung bola na gumulong malapit sakin. Nakakapikon dahil tawa padin ng tawa si Mr. Jerk na parang ngayon lang nakakita ng nadapa. Buti nalang walang ibang tao dito.
*Boogs*
"Argh!" Napahawak sya sa noo nya habang nakabend forward. Nagdilim ang paningin ko dahil sa walangyang to, pakiramdam ko sinaniban ako ng masamang espiritu.
Binato ko sya. Sa mukha.. Omg. What the, Gab?! Anong ginawa mo?!!
Kasalukuyan akong tumatakbo at binitbit lahat ng gamit ko. Hindi ko alam kung pumutok yung noo nya. The hell I care? At hindi ko din alam kung pa'nong ganung kabilis ako nakalabas ng field. Wew!
"Hey! You! Heyy!"
Omg. Sumusunod ba sya? Run, Gab! Ruuuuun!!! Tumakbo ka para sa buhay mo!
"Ah sht!" Nabitawan ko ang bag ko sabay labas naman ng mga notebooks ko. Ughh! How on earth did my notebooks do that? Kailan pa sila nagkapaa?? Ngayon pa na nasa bingit ako ng kamatayan! >____<
Pinulot ko ang mga notebooks kong may paa habang nakatingin sa likod. Oh no, oh no no no. Malapit na sya! I can feel his evil aura! Mapapatay ako!
Takbo Gab!
-
Pagod na pagod at pawis na pawis akong nakarating sa room ko. What an amazing way to start my school year! Hah! Jeez. Napayuko nalang ako sa desk ko sabay pikit..
May masama akong nararamdaman sa taon na to..
-
(His Point Of View)
F*ck! Pakiramdam ko nahulog ang utak ko sa pagkakabato nya sakin. At bakit ganun kalakas bumato ang babaeng yun?
Teka?
Sya din ba yung bumunggo sakin sa may hagdan?
Nakaupo ako sa bench habang tinitignan ko yung blangkong notebook ni amazona girl. So.. She's Gabrielle Hernandez. BSBA-1. Napulot ko yung notebook nya nung hinabol ko sya. Too bad naiwan nya. Worse, may pangalan pa. We are far from over amazona girl, the war just officially started.
I think this year will be interesting.
*smirk*
-
"Oh, baby, why are you here?" Nandito ako ngayon sa dean's office ng bsba. The odds are in favor of me.
"Come on, stop calling me that!" Ughh. Third year college na ko, baby padin ang tawag nya sakin.
"But you're still my baby!" She kissed me on my forehead. Moms..
Yeah. My mother is the dean of the bsba department. Prof. Eleana de Guzman.
"Fine" I shrugged. Mananalo ba ko sa kanya? Lalo na ngayon na may kailangan ako.
"So, what brings you here, baby?" Emphasizing the word 'baby'
Inayos ko muna ang tayo ko saka ko pinamulsa ang kamay ko. I took a deep breath..
"I need a tutor." I placed the notebook showing her name to my mom, the dean.
----
First day of school ni Gab. spell aligaga. LOL -------->
BINABASA MO ANG
Ungentleman
RomanceRollercoaster ride. Yan ang description ko sa kanya. Nakakahilo, nakakalula, nakakatuwa, nakakaexcite, nakakakilabot, nakakabaliw. Yan ang mararamdaman mo, pag nagmahal ka ng kagaya nya.. ng isang Ungentleman. Pero ang tanong ay nasa huli, pagkatapo...