Chapter 14- Live in
(Gab's POV)
Haaaay. Natapos din ang malagim na prelims.. Okay naman lahat ng exams ko. Yun nga lang, hindi ko pa nakakausap yung terror kong prof kung pa'no yung gagawin ko sa subject nya. Ang laking aberya sa grade. Nadedepress lang ako pag iniisip ko. Nakakainis kasi yang si Alex e.
Si Alex..
Si Alex..
Na.. First kiss ko..
Jeeeeez. Kinikilabutan ako! Ughhhh.. Hindi ako makapaniwalang may first kiss na ko! At take note, not once, not twice, but three times in a row! What the hell!!!!
At lalong hindi ako makapaniwala sa sarili ko! Bakit ako ganito? I mean, bakit hindi ako galit? Galit ba 'ko? Naiinis? Oo nakakainis! Pero bakit wala akong ginawa? Bakit ganito yung nararamdaman ko? Bakit kakaiba? Ano ba namaaaaan!!!
Halos mag iisang oras din kaming nakulong ng Jerk na yun sa cr. Pero pakiramdam ko naubos ang lifetime ko dun! Ayoko na talagang alalahanin! It's hunting meeeee! Kasi naman may sinabi nanaman sya, may sinabi nanaman syang lalong nagpagulo sakin.. Bakit ba kasi sya ganun? Kung ano-anong pinagsasasabi nya. Tss. Masisiraan ako ng bait sa lalaking yun. Bipolar! Sobrang bipolar! Nung umaga sinigawan ako, tapos nagmukhang kaawa-awa tapos naging manyak! Pinagti-tripan ba nya ako? Seryoso ba sya? Totoo ba yun? Kainissss!
I like you.. I really like you
Waaaaaaah! Shut up!!! Tumahimik ka!!!
I like you.. I really like you
Hinde hinde hinde!!!!!
Huhuhuhuhuhu T____T
"Gaaaaaaab!!!!"
Juskooo. Ano nanaman kayang sinisigaw ni Samantha? Nase-stress na nga ako dito eh! May araw kayang tatahimik dito sa apartment? -___-
Lumabas ako ng kwarto tapos bumaba ng hagdan. Ang sarap ng higa ko nagsisisigaw 'tong babaeng 'to.
"Oh bakit ba-AAAAAAHHH! A-anong ginagawa mo dito?!!"
"Hi Gabby! Miss me? ^_____^"
That.. That freak! Anong ginagawa nya dito?! Bakit may manyak sa apartment?!! A-at bakit may dala syang maleta?!! Wag nya sabihing dito sya titira?!!!! Ahhhhhhhhh!!!
"So may live in na palang magaganap hindi ako informed?"
"Shut up Sam.." -_____-
Ano bang naging kasalanan ko at pinaparusahan ako ng ganito!! Huhuhuhu
"Saan ba kwarto ni Gabby?"
What?! Anong kwarto ko? Siraulo ba sya?! Oo tama siraulo talaga!!!
"Hoy anong kwarto ko? Hindi ka pwede sa kwarto ko!"
"Ah gusto mo palang dun ako sa kwarto mo?" Tinaas taas nya yung kilay nya. Dafuq?
"Ang kapal mo naman." Napa-face palm ako sa sobrang kakapalan nya.
"1 point Gabby! Ipunin ko muna saka ako maniningil." Ha? Anong pinagsasabi nito?
"Ano yuuuun Gab?? Ano yung point point?!" Kumapit sakin si Sam na parang fetus. Jeez. Nakakastress na 'to. May kasama akong walking megaphone tapos madadagdagan pa ng isang abnormal. Now my life is perfect!
"I don't know Sam."
"Hatid nyo ko sa room ko. Dun katabi sa room ni Gabby ko."
GABBY KO?!!!
Gabby ko?! Gabby ko?!!! Nakakairitaaaaa!!!!
"Ayieeeee!!! Kilig to the bones hanggang sa souuuul!!! >____<"
BINABASA MO ANG
Ungentleman
RomanceRollercoaster ride. Yan ang description ko sa kanya. Nakakahilo, nakakalula, nakakatuwa, nakakaexcite, nakakakilabot, nakakabaliw. Yan ang mararamdaman mo, pag nagmahal ka ng kagaya nya.. ng isang Ungentleman. Pero ang tanong ay nasa huli, pagkatapo...