Chapter 17- Maarte

20 0 0
                                    

Chapter 17- Maarte

(Gab's POV)

Nakasunod nanaman si kulit >__<

"Gabby!! Wait!"

Araw-araw kaming naghahabulan papasok ng campus, wala ba syang ibang friends? Sabagay, sa gaspang ng ugali nya hindi na ko nagtataka kung bakit walang tumatagal sa kanya.

Eh bakit ikaw?

Huh? Sinong ako? Wait.. Sinasagot ba ako ng utak ko? Nababaliw na yata ako! >___<

Eh bakit nga ba ako? Bakit ako tumatagal? Bakit, may choice ba 'ko? Bakit sya ganito sa'kin? Bakit ako? Ano ba kami? Ano bang meron samin? Anong nangyayari?

I shook my head. Ughhhh! Mababaliw ako sa dami ng tanong sa isip ko. Tss.

"Heyy.." Bigla nyang hinawakan yung kamay ko.

See? Eto nanaman sya! Holding hands nanaman kami! Nasanay nalang siguro ako ng ganito kami. Nakakasawa naman kasing makipagtalo dito eh. Lagi naman syang nananalo.

"Oh?"

"Anong oras uwi mo mamaya?"

"Bakit?"

"Date tayo."

Date? Kami? No freaking way! Baka mamaya kung saan pang lupalop ako dalhin ng manyakis na'to. Date? Ano ba yun? Wala nga akong alam sa mga ganung bagay eh! Date? Mehhh..

"Ayoko nga.."

"HI GAB AND YOUR HOT BOYFRIEND!" wtf! Nakakahiya talaga 'tong si Sam! Nakakainis!

"Hi Sam!" Wow! at nagkasundo ang dalawang abnormal.

"Hindi ko sya boyfriend! Wag ka ngang maingay!"

"Talaga lang ha? Eh ano yan? Friends na magkaholding hands??"

Sht! Oo nga pala! Nakakahiya! Nahuli nya pa kaming magkahawak! Hinablot ko agad yung kamay ko. Tssss... Pahiya ako. Oo na pahiya na. Pahiyang pahiya.

I just rolled my eyes. Oh, kasama nya pala si Sky. May iba nanaman kay Sky. Yung smile talaga nya eh.

"San kayo pupunta?" I asked.

"Sa library, ibabalik namin 'tong books saka yung old projects." -Sky

"Ahh.."

"Uy Gab! Bukas na daw yung perya malapit dito ah, may ferris wheel dun. Tara punta tayo! -Sam

Waaaaah! Peryaaaaaa! Never pa 'kong nakapunta sa peryaan. Nakwento ko kasi kay Sam na gustong gusto kong makasakay sa ferris wheel.

"Wow talaga? Sige! Kailan ba?"

"Mamaya pupunta yung club dun, I informed them last night sa group chat kaso wala ka namang facebook." -Sky

"Ah hehe oo nga eh. Sige sige mamaya!"

"Yeheyyy!!! Uy hot James sumama ka na din!"

WHAAAAAT?! NAKAKAINIS TALAGA SI SAM! BAKIT INAYA PA NYA?!?!?!

"Hindi kami pupunta ni Gabby dun.." Bigla nalang nya akong hinatak palayo kila Sam at Sky..

Bakit ba ganito 'tong lalaki na'to?! Nilayo nanaman nya ako! Kay Sky ba? Bakit kaya? Bakit ganun sya kay Sky? Magkakilala ba sila?!

"H-hoy Alex teka nga!" Huminto kami sa paglakad.. Pa'no ko ba sisimulan? Ano bang sasabihin ko?

"Diba magdedate tayo?" Nagpout sya ng lips tapos tinaas taas nya yung kilay nya.

Nag-iba nanaman sya. Kanina nagsungit dun ngayon iba nanaman. Ang gulo nitong lalaking 'to!

"H-ha? Hindi! Saka bakit mo ba ko hinatak palayo?"

UngentlemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon