Chapter 5

109 12 9
                                    

"Chance"

. . .

"Ayaw ko ng umuwi sa amin! H'wag ka na umuwi next week!" pag-eemote sa akin ni May. Halos wala ako sa mood ng ilang araw dahil sa nangyari. Hindi ko na nakausap si Ate bago ako umalis sa mansion dahil hindi naman siya lumalabas ng kwarto niya.

Hindi ko tuloy alam kung desidido na ba talaga siya sa plano niya. Hindi ko masyadong kilala ang mga kaibigan niya kaya hindi ko rin alam kung kanino ba dapat ako hihingi ng tulong.

Na'ndito kaming dalawa ni May' sa shed o charging station ng engineering. Wala pa sina Abby at Erika. Palagi naman silang late sa CWTS every sunday kaya hindi na ako magtataka kung wala pa talaga sila rito. Ako rin naman, ayaw ko rin sanang pumasok ngayon pero alam kong mabo-bore lang ako kung mananatili ako sa apartment.

"Why?" walang ganang tanong ko.

I feel so bored and sad. I can't also stop thinking about Ate. Nag-aalala ako at walang magawa kahit na gusto ko siyang tulungan. Ayaw kong sundin niya ang gusto nina Mommy, pero mukhang hindi naman niya kayang suwayin ang utos nila.

"Ang ingay sa bahay!"

Kinabukasan pagkatapos ng naging usapan nila ay talagang umalis sina Ate at Daddy. I was so worried but I can't do anything! Pumayag rin naman siya na ipalaglag yu'ng bata. Matagal ko silang hinintay, gusto ko sanang kamustahin si Ate pero kahit sa text wala pa rin siyang sagot.

"Nakakainis si Mama ang ingay-ingay palagi ako'ng sinesermonan! Bakit daw madalang akong umuwi?"

Gabi na silang dumating sa bahay and Ate looks so weak! Namumutla siya at halatang masakit ang t'yan. Ang kaso baliwala lang kina Dad! Mukhang galit pa rin sila kahit na wala na iyo'ng baby kay Ate. Halos hindi na siya masiyadong pinapansin sa bahay.

"Tapos si papa palaging talo sa ML kaya todo ang pagmumura! Hays. Ayaw ko ng maingay! Gusto ko tahimik lang pero. . ."

Parang hangin na lang siya sa bahay. I wanted to take care of her, but she kept on pushing me away! I'm just concerned! Gusto kong tumulong sa kaniya pero ayaw niya akong lumapit! Hindi ko na alam kung paano ko ba siya matutulungan. 

"Hoy nakikinig ka ba? Okay ka lang?"

I don't know how to helped her. Mas lumalayo kasi siya kapag lumalapit ako. And I think sa akin napunta lahat ng atensyon nina Dad! Mas lalo tuloy ako'ng napre-preasure! Parang konting pagkakamali ko lang magagalit na agad sila.

Sinusunod nila lahat ng bagay na gusto kong makuha. Hindi ko na kailangang magbanat ng buto para magkapera. Lahat ng materyal na bagay kaya kong bilhin dahil sa kanila pero. . . I wanted to wish that 'Sana hindi na lang sila ang magulang ko.'

I know that isn't good, but I can't help it! They keep on pushing me to my limits! I'm not a robot! Anak nila ako! Nakakapagod. . .Lahat ng luho ang kapalit ay dapat kang maging sunod sunuran!

"Okay ka lang?" 

Nagtatakang napatingin ako kay May' ng batukan niya ako. Halos hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya kanina. Sa sobrang dami ng iniisip ko ay halos hindi ko naintindihan ang mga sinabi niya!

"Bakit?" inis na tanong ko kasi bakit siya nananakit?

"Duh! Tulala ka kaya d'yan," umirap pa siya at mukhang naiinis din sa akin.

Natahimik ako. Malaki talaga ang epekto sa akin ng nangyari kay Ate. What if ako siya? What if ako ang nasa sitwasyon niya? Pipiliit ko rin ba ang sundin sina Mommy? Kaya ko bang gawin iyo'n sa sarili kong baby?

"May problema ka ba?" I looked at May' when she asked that. Pwede ko bang sabihin sa kaniya?

I know that she's nice. I trust her. I don't know. Sometimes I feel si irritated with her, but I still feel and know that I can trust her. I can share my problems with her. . . she's not talkative, and I like that thing about her. 

No One Care (No One Series #II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon