Chapter 37

81 1 0
                                    

"Cold"

...

"Nine thirthy . . ." pang ilang beses ko ng pagtingin sa wall clock na nakasabit dito sa kusina. Bakit wala pa sya?

Halos malamig na rin ang pagkain na pilit kong niluto sa pamamagitan ng panonood sa YouTube. Mukhang okay naman ang lasa 'non kanina ng tinikman ko. Nakaayos pa ang lamesa at may nakahanda ring inumin para sa kanya, hindi ko kasi alam kung pwede pa ba ako uminom ng mga gano'n?

Tulala akong nakatingin sa pinto mula sa sala, inaabangan ang pagdating ni Marco. Bakit ang tagal nya? Hindi ko naman sya matawagan dahil mukhang nakapatay ang cellphone nya. Siguro ay na-lowbat na.

He also did not say that he would be late coming home today. Ayoko namang magtanong kina Abby at Erika, dahil siguradong mang-aasar lang ang dalawang iyon.

Kahit nasa apartment lang naman ay isinuot ko parin ang isang dress kong bigay ni Marco. Ngayon ko sana balak sabihin sa kanya na buntis ako . . . .Ang kaso ay mukhang wala naman syang balak umuwi. Lalo't mag-aalas diyes na ay wala pa rin sya. Ang alam ko ay bawal daw akong magpuyat?

Halos manigas ako kanina ng makita ang resulta, pero kasabay rin 'non ang labis na sayang naramdaman ko. Natatakot lang ako na baka kapag nalaman nina Daddy ay maging sanhi pa ito ng kung ano-anong plano nila.

Bumuntong hininga nalang ako at saka isa-isang tinakpan ang mga nakahaing pagkain sa lamesa. Nawalan na rin ako ng ganang kumain pa. Bakit kasi ang tagal nya? May biglaang problema ba?

Dumiretso ako sa sariling kwarto at saka nagbihis ng pangtulog na damit. Iniwasan ko ang mag-isip ng mahiga ako sa kama. Hangga't maari ay ayokong mag-isip ng kahit na ano na maari pang maging sanhi para ma-stress ako.

Wala sa sariling ipinatong ko ang kamay sa aking tiyan, hindi pa man ako sigurado ngunit alam kong totoo na nga ito. Hindi naman malabo na mabuntis ako dahil ilang ulit din naman naming nagawa iyon'. Saglit pa lang akong nakahiga sa kama ay agad na rin akong nakatulog.

"Love . . ."

I just woke up, when I hear his soft voice. Kasabay pa ng marahan at magaan nyang paghaplos sa pisngi ko. Ngumiti ako bago mag-mulat, naabutan kong nakaupo si Marco sa aking kama at pinagmamasdan ang pagtulog ko.

"Kanina ka pa?" tanong ko.

Instead of answering, he brought his face closer to me so that he could look at me closely. Seryoso ang mukha nya at tila kinakabisado ang bawal anggulo ng mukha ko.

Nahiya naman ako kaya nagtulakbong ako ng kumot. I heard him laugh and gently pulled the blanket out of my face.

"Bakit hindi ka pa kumain?" tanong nito habang patuloy pa rin ang paghila sa kumot ko.

Sumimangot ako ng tuluyan na nyang natanggal ang kumot na nakatakip sa mukha ko. Tumawa sya at hinila ang dalawa kong braso upang mapaupo ako.

"Bakit hindi ka pa kumain?" tanong ulit nya.

"Bakit ngayon ka lang?" natigilan naman sya sa tanong ko.

Halos ilang segundo kaming nagkatitigan bago sya naunang umiwas at hinila na ako patayo sa kama. Lumuhod pa sya sa harap ko para isuot sa akin ang tsinelas, na nakalagay lang sa ilalim ng kama.

I noticed a sudden change in his expression but I just ignored it. Maybe he's just tired.

"Kumain na tayo," sabi nya at tuluyan na akong hinila palabas ng kwarto.

Nang makarating kami sa kusina ay diretso akong naupo sa aking pwesto, sya naman ay kumuha pa ng mga pinggan. Sumulyap ako saglit sa wall clock, alas onse na pala. . .Halos isang oras din akong nakatulog. San kaya naman sya galing?

No One Care (No One Series #II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon