Chapter 36

81 2 0
                                    

"Symptoms"

...

"I'm so kinakabahan na sa thesis na 'to!" reklamo ni Abby.

"Lagot ka kapag na-reject 'yan," pananakot pa ni Erika.

Sinimulan ko namang ligpitin ang mga gamit ko, inayos ko na rin ang ilang libro bago ito ilagay sa laptop bag kasama ang aking mismong laptop.

It's been seven months simula ng magsimula na ang klase namin. Second sem narin ng fourth year namin, konting-konti nalang talaga ay makaka-graduate na. And I can say na mas lalo pang umayos ang relasyon namin dalawa ni Marco, that' why I'am always happy. Ang kaso ay palagi naman ang pang-aasar nila Abby at Erika, kaya palagi rin ang pagkakapikon ko sa kanila.

Hindi ko alam, medyo naging pikunin ako nitong mga nakaraang araw. Siguro ay mas lalo lang talagang lumalala ang mga trip nilang dalawa. Lalo't wala na ring jowa si Erika, wala kaming ideya ni Abby kung ano ba talaga ang nangyari, basta ang alam ko lang ay single na rin ngayon si Erika.

Hindi ko alam kung may balak pa bang mag-jowa ang dalawang 'to, mukhang mas nag-eenjoy kasi silang sirain ang mood ko araw-araw. Ang sana nga ay magka-boyfriend narin sila, para naman kahit papaano ay maging tahimik ang buhay ko sa mga natitirang buwan namin dito sa engineering.

"Kayo tapos na?" tanong ni Abby sa akin.

Umiling ako bago tumayo para pumunta ng cr. Nakaramdam kasi ako ng pagsakit ng puson ko, baka may dalaw na ako. I feel that there is something wrong in me, I'm not sure yet.

"San ka?" Erika asked.

"Cr lang,"

"Sige, sunod kami kapag tapos nito," si Abby.

Hindi na ako sumagot at tumalikod na dala ang mga gamit ko. Mas lalong sumasakit ang puson ko habang naglalakad, kaya naman mas lalo kong binilisan ang paglalakad papunta ng cr.

Nang makarating ng cr ay saglit pa akong natigilan ng maalala ang nakita naming tatlo nina Abby noong isang linggo. . . .Si May' na galing sa cr ng mga lalaki, kasunod si Allian na mukhang wala sa sarili.

Halos manlaki ang mga mata ni Abby ng makita sila, pagkatapos ay nagwalk-out pa ito, hindi ko alam kung bakit. Nagmamadali namang sumunod si Allian sa kanya. Naiwan kaming tatlo nina Erika at May', si Erika ay hindi rin makapagsalita dahil sa gulat.

Malay ba namin kung anong ginawa nilang dalawa sa cr? Hindi ko alam na umabot na sa ganito ang pagbabago ni May'. Ewan ko, nasasaktan ako para sa kanya.

Kahit na hindi naman ito ang unang beses na nakita ko syang galing sa isang kwarto kasama ang isang lalaki. Noong isang buwan lang ay nakita ko rin sya galing sa faculty, ala-sais na 'non galing ako sa library para kumuha ng ilang libro para sa thesis namin.

Magkasama kami ni Marco dahil sinundo nya ako, mabuti at mukhang hindi nya napapansin ang nakikita ko. Madilim na sa faculty pero kalalabas lang ni May' doon. Mukha syang malungkot at wala sa sarili, saglit pa syang natigilan ng makita kami pero ngumisi at tumitig rin ng makabawi. Agad ko namang hinila si Marco para makalayo na roon.

Hindi ko alam kung alam na ba nyang nakabalik na si May', pero sana ay hindi nalang. Sana ay hindi na muli silang magkita pa, konting pagtitiis nalang. Makakaalis na kami sa University na ito.

Saglit pa kaming natulala ni Erika ng parang baliwala lang na nilampasan kami ni May', parang wala syang pakialam sa iisipin ng mga nakakakita sa ginagawa nya. Nakangisi pa ito hanggang sa mawala na sya sa paningin namin.

"Grabe!" si Erika ng makabawi.

Umiling nalang ako bago kami nagpatuloy sa paglalakad papasok ng cr. Ganoon din ang ginawa ko ngayong natulala na naman ako dahil sa mga naalala.

No One Care (No One Series #II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon