Chapter 14

74 4 0
                                    

"Hurt"

...

I was still shock of what just I knew, Kuya Zack and Ate Sainah is...


I don't know...


I'm not sure lang kung anong reason kung ano ba talagang nangyari sa kanila. Kuya Zack is very mad at Ate, I don't know naaawa ako sa kanila pareho. Hindi rin naman masisisi si Kuya Zack kung galit talaga sya kay Ate. What just my parents did is so inhumane! Ang kaso pumayag si Ate, siguro naman kung hindi sya pumayag hindi mangyayari lahat ng 'to.


But I don't know her side... no one know.


Kahit na nasa hospital pa si Ate, ay kailangan ko nang bumalik kaagad sa apartment. Hindi na rin ako dumaan sa Mansyon pagkatapos ng nagyari. Alam kong galit sina Dad at Mom sa ginawa ko. Dumiretso agad ako sa dorm at natulog. Hindi maalis lahat ng nangyari sa utak ko. Hanggang ngayon pakiramdam ko ay nasa harapan ko parin si Ate at duguan.


Pumasok parin ako kinabukasan, baka kasi magtampo sila kapag hindi ako nagpakita. I just set aside all of my problems, mag-eenjoy nalang ako sa e-week na ito kaysa isipin lahat ng 'yon.


"Lapit tayo dun bilis!" Hinila ko si May' papunta sa unahan at nakisiksik sa ibang estudyante para lang makita ang pag-sayaw ni Dan. Dancer kasi sya kaya ang sabi nya panoorin ko daw ang pag-sayaw nila.


"Ay wow supportive naman siz!" pang-aasar pa sakin ni Abby, sumunod din pala silang dalawa ni Erika sa amin ni May.


"Supportive sa kalandian," tumawa pa si Erika kaya naghagikgikan kaming apat.


Okay, supportive na kung supportive. Gusto ko lang naman maging masaya ngayon.


"Syempre, sabi nya kasi panoorin ko sya. Ka-chat ko nga oh!" Pinakita ko pa sa kanila ang cellphone ko. Kung hindi naman kasi nag-chat sakin si Dan ay hindi ako mag-aabala na pumunta pa dito sa mas malapit na pwesto. "Teka hinahanap ata ako." Itinaas ko ang aking kamay, nang makita kong mukhang naghahanap si Dan doon sa unahan. Ngumiti pa ito ng makita na ako.


Tuloy ay panay ang pang-aasar nila sa akin.


"Go Ee!" nakisabay ako sa sigaw ng mga nanonood.


"Traydor!" pang-aasar pa sa akin nung tatlo. Inirapan ko nalang sila at nagpatuloy sa panonood.


Agad kaming bumilib sa kanila ng magsimula na silang sumayaw, miski sina Abby at Erika ay bumilib din. Talaga naman kasing napaka-astig ng mga galaw nila.


"Shit!" hindi ko maiwasang magmura dahil sa galing nila!


"Galing!" pati si May' ay natulala pa habang nanonood.


"Galing gumiling," napangisi naman ako ng ibulong iyon ni Abby.


"Wow!" sabay pa kaming napasigaw ni May' ng gumiling sila.


No One Care (No One Series #II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon