Chapter 21

89 3 0
                                    

"Uncaught"

...

Naglalakad ako papunta sa unang klase namin ngayong araw, medyo madami ng estudyante ang kasabay kong nagalalakad din papunta sa kanilang unang klase. Alas-syete palang ng umaga, pero sobrang dami ng estudyante ang nasa loob ng University. Nadaanan ko pa kanina ang isang estudyante ng hinarang ng Guard sa gate dahil wala ata itong suot na I.d, kawawa naman. Sobrang taray pa namang ng Guard sa University na ito, sabagay madami rin namang pasaway dito.


Naglalakad pa lamang sana ako patawid sa engineering building ng biglang tumunog ng malakas ang ringtone ng cellphone ko na nakalagay sa bulsa ng aking bag.


"Shit!" mahinang pagmumura ko dahil mukhang nalimutan ko itong i-silent. Mabuti nalang at wala pa ako sa classroom, siguradong magagalit ang prof. kung sa oras ng klase ito tumunog. Napatingin pa ang ilang estudyante sa akin, kaya naman nagmadali akong kuhain ang cellphone ko.


Palagi ko kasing hindi sina-silent ang cellphone ko tuwing nasa dorm at para narin malakas ang pag-alarm nito sa umaga. Kadalasan kasi na mas inaagahan ko ang pag-gising sa umaga para may oras pa ako sa pagwo-work-out ko. Pakiramdam ko kasi ay tumataba ako dahil sa stress.


Nakakataba palang maging kabit...


Actually, ako naman may mas karapatan e' bakit ako matatakot? Ang kaso, medyo kabado nga rin ako kahapon sa library dahil sa mga sinasabi ni Abby. Pakiramdam ko ay may alam na sya, o siguro nga ay paranoid lang talaga ako.


Saglit akong tumabi sa gilid ng hallway ng makuha ko na ang cellphone sa aking bag.

["Meet us later dito sa dorm ko."] message galing kay Dan. Ngayon lang ata uli nagparamdam ang gagong ito? Sabagay, hindi rin naman ako nagparamdam noong bakasyon. At medyo nakakamiss rin ang lalaking ito, halos kaibigan ko na rin sya kahit na naglalandian kami. Sa kanya ko naman kasi halos binubuhos lahat ng stress ko.


["Okay, after ng class ko punta nalang ako dyan."] I replied. I send my message and then started to walk again. Baka mamaya ma-late pa ako 'e.


["Thanks."] hindi pa ako nakakadami ng paghakbang ay nag-reply agad sya. Siguro ay wala itong klase ngayong umaga, kaya ang bilis mag-reply.


"Sairah.." lumingon ako sa aking likuran ng marinig ko ang pamilyar na boses ni Marco. Agad din naman akong nag-sisi na lumingon ako dahil mukhang masisira ang buong araw ko.


"Sairah!" masiglang lumapit sa akin si May at umakbay pa. "Sino yang ka-text mo ha?" hindi ko namalayan na nakataas pa pala ang cellphone ko at agad nya iyong naagaw sa aking kamay.


Oh my god!


"May!" naiinis na sigaw ko dito. Andito parin kaming tatlo sa gitna ng hallway.


"Patingin lang!" pang-aasar pa nito at inilayo ang cellphone kong hawak nya.

Ang pakilamera!


"Wag kang mangbasa ng message! Akin na yan!" pilit kong inaagaw ang cellphone sa kanya. Pero agad syang lumayo sa akin at nagtago sa likod ni Marco. Agad namang nagtama ang mga mata namin ni Marco. Seryoso syang nakatingin sa akin, mukhang kanina pa ata.

No One Care (No One Series #II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon