00

173 2 0
                                    

"Finally

...

"Brad baka matunaw yan!"

Masamang tingin ang ibinigay ko kay kenneth dahil sa pang-aasar nya sa akin nang mahuli nya ang pagkakatitig ko sa isang babae dito sa classroom. Andito kasi kami kung saan magsasagot ng entrance exam para sa college.

Hindi naman ako nakatitig, sadyang medyo natigilan lang ako ng makita ang maganda at matapang na mukha nito. Medyo payat ang kanyang katawan at morena ang kulay. Matangkad din sya ng makita kong pumasok sya dito kanina sa classroom, hindi ko na kasi naalis ang pagsulyap-sulyap sa kanya ng maupo sya sa kanyang upuan. Parang naakit ako sa klase ng pagtingin nya! O siguro ay ako lang ang nag-iimagine na ganoon syang tumingin.

Ewan ko ba! Ngayon lang 'ata ako tumitig ng ganito sa isang babae!

"Hindi ah!" pagtanggi ko.

"Sows, halatang-halata ka! Kanina ka pa nakatitig doon sa maputing babae sa unahan!" pamimilit pa nito.

Eh! Hindi naman iyong maputi ang tinititigan ko kung hindi yung katabi nito. Napailing na lang ako at hindi na pinansin pa ang mga sinasabi ni Kenneth. Iniwasan ko na lang din ang pagtingin sa unahan, inabala ko nalang ang sarili sa pagce-cellphone.

"Kingina!" narinig kong pagmumura ng babaeng nabangga ko dahil sa pagtulak ni Kenneth.

Tapos na ang entrance exam kaya sikip at puno ng mga estudyante ang hallway.

Kaagad ako lumingon dito at nakitang ito yung babae kanina na akala ni Kenneth ay tinititigan ko. Namumula ang mukha nito at masama ang pagkakatingin sa akin, imbis na matakot ay parang mas gusto kong tumawa dahil sa itsura nya. Mukha syang bata na inaway ng isang kaaway, ang sarap pisilin ng pisngi nya.

Ewan ko ba, basta iyon ang una kong naisip ng makita ko sya ngayon ng malapitan. Mabuti at mabilis syang nahila ng kasama nya upang hindi tuluyang sumubsob sa hallway, kung hindi ay siguradong mapapatay na nya ako dahil sa sobrang sama ng pagkakatingin nya.

"Excuse me please!" malakas na sigaw ng kung sino.

Wala sa sariling napakagat ako ng labi.

"Sorry miss. . ." mahinang sabi ko. Kahit na ang ang totoo ay gusto ko na syang tawanan dahil sa naiinis nyang mukha. Para syang bunsong kapatid na hindi nasunod ang gusto kung makatingin.

Muli syang lumingon sa akin kaya mas pinigilan ko ang pagtawa, tahimik naman na tumatawa sina Kenneth at Allian sa likod ko. Natutuwa na napansin ako nitong babae.

"Sorry talaga, hindi ko sinasadya,"

"Okay lang."

Ang lamig ng boses nya. Medyo nakonsensya tuloy ako dahil mukhang nabadtrip sya ng sobra. Hindi ko naman kasalanan na tinulak ako ni Kenneth! Mas matutuwa sana ako kung doon sa babaeng tinititigan ko talaga nya ako itinulak.

"Hey! Escuse me please?!" napalingon ako sa boses na iyon.

Agad kong inayos ang pagkakatayo at tumabi, sya yung babaeng tinititigan ko kanina! Mukhang may kausap ito sa cellphone kaya nagmamadali. Binatukan ko kaagad si Kenneth ng makalampas yung babae.

"Aray!"

"Siraulo ka!"

Tumawa lang ito at mas lalo pang nang-asar. Hanggang sa makarating ako ng bahay at dumiretso sa aking kama ay ang babaeng morena na iyon parin ang nasa isip ko. Hindi ko alam pero mukhang tinamaan ata ako dahil sa kanyang pagtitig!

"Gago, nakapasa ka din!" si Allian ng makita ang pangalan ko sa mga nakapasa ng computer engineering sa entrance exam.

"Akala ko ba sa Maynila ka, brad?" tanong ni Kenneth.

No One Care (No One Series #II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon