Chapter 34

76 2 0
                                    

"Used"

...

"Gusto mo samahan kita?"

Kasalukuyan kong itinatali ang mahaba kong buhok upang hindi iyon sabagal mamaya sa aking pagbyahe. Saglit akong lumingon sa kanya, nakatayo at nakasandal sya sa hamba ng pintuan ng aking kwarto. Pinapanood ang bawat galaw ko.

Mukhang katulad ko ay kakaligo lang din nya. Basa pa rin kasi ang buhok nya at nakasabit pa sa kanyang leeg ang ginamit na tuwalya. Wala syang suot na pang-itaas kaya nag-iwas na akong ng tingin.

"Wag na, saglit lang naman ako," sagot ko at sinuklay pa ng mabuti ang buhok ko. Kakatapos ko lang tuyuin iyon kaya medyo basa-basa pa ng kaunti.

Naramdaman ko ang paglapit nya kaya pasimple na akong bumuntong hininga. Sumusikip na naman ang dibdib ko dahil sa paglapit nya.

I smiled when I felt his gentle kiss on my neck. I closed my eyes as I smelled his simple but attractive scent. I simply bent my neck to give him more access.

"Baka indyanin mo ako ha?" nagmulat lang ako ng sabihin nya iyon.

Naramdaman ko ang paghawak ng kamay nya sa balikat ko, marahan at magaan nyang minamasahe iyon. Mas lalo tuloy sumikip ang paghinga ko. Tumawa ako at saka tumingin sa kanya gamit ang salamin sa aming harap.

"Pwede rin," pang-aasar ko.

Ngumisi naman sya at binigyan ng konting diin ang pagmamasahe sa balikat ko. Wala sa sariling napakagat ako ng labi at tumitig sa kanya.

"Wag na kaya kitang payagan?"

Bakit ba ganito sya kung maglambing? Nakakainis! Baka mamaya ay pumayag kaagad ako.

Umirap ako bago humarap sa kanya at dahil nakatayo sya ay kailangan ko pang tumingala. Hinawakan ko ang mga kamay nya at tsaka nakipagtitigan sa kanyang mga mata.

"Saglit nga lang ako, hindi naman kita iindyanin e," sabi ko. Tumawa pa ako ng kaunti dahil nakanguso na sya.

"Okay, basta bilisan mo ha," paglalambing nya pa.

Pumikit ako ng yumuko sya sa akin, mabilis nya akong hinalikan sa labi at saka sa noo. Tuloy ay hindi ko maiwasang mapatawa na naman.

"Akala mo naman hindi na ako babalik," pang-aasar ko.

Nagulat ako ng bigla nya akong hinila patayo pagkatapos ay mahigpit nya akong ibinalot sa kanyang hubad na bisig. Napahalakhak nalang ako bago bumawi ng pagyakap sa kanya.

At dahil walang manggas ang suot kong pang-itaas ay ramdam na ramdam ko ang pagdidikit ng aming katawan. Hinalikan nya pa ang gilid ng noo ko bago humiwalay sa aming yakap.

"Wala naman akong gagawin dito 'e," pamimilit nya pa ulit.

Inirapan ko sya bago muling naupo at pinagpatuloy ang pag-aayos ng buhok ko.

Simpleng black backless at mom's jeans lang ang suot ko. May nakahanda rin akong jacket para sa pag-alis ko. Kung sa kaling lumamig ng sobra ay susuotin ko  iyon mamaya sa byahe.

"Hatid nalang kaya kita?" mapipilit nya pa pero dinedma ko na.

Palibhasa ay may sasakyan na sya kaya malakas na ang loob na manghatid. Regalo sa kanya ng parents nya last year kasabay ng pagtira nya rito sa apartment ko. Okay din naman kung magpapahatid ako, less hassle. Ang kaso ay ayoko naman siyang isama sa pagpunta kina Mommy.

I do not want him to know.

Nag-apply lang ako ng natural make-up look, sigurado naman kasi akong maalis din iyon mamaya sa byahe. Naka-messy bun narin ang buhok ko, kaya kampante na ako. Atleast, hindi 'to lilipad-lipad sa jeep mamaya.

No One Care (No One Series #II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon