Chapter 22

87 4 1
                                    

"Begin"


...

"Saan ka galing?" tanong ni Abby. Pasimple kong pinunasan ang ilang butil ng pawis na namuo sa gilid ng noo ko.


Nakakapagod palang tumakbo pababa ng hagdan. Medyo kinakabahan parin ako dahil sa nangyari kanina, siguradong ako kung hindi agad ako nakapagtago ay nahuli na kaming dalawa ni Marco.


"Akala ko ba sa cr ka lang?" tumaas pa ang kilay ni Erika. "Bakit ang tagal mo naman ata?" dagdag pa nito.


"Ah.. bigla kasi akong nagkaron, kaya medyo natagalan ako sa cr," palusot ko.


Saglit pa na tumitig sa akin si Abby bago umiwas ng tingin. Binaliwala ko na lamang iyon at dumiretso na sa upuan ko. Pasimple ko pa uling pinunasan ang pawis ko sa leeg at gilid ng noo. Pinaypayan ko pa ang aking sarili gamit ang mini-fan na nabili ko.


"Tagal naman nina Marco," inip na sumulip pa sa bintana si Abby. "Hindi ba kayo nagkita sa cr?" tanong nito sa akin.


"Nagkita kami, pero naiwan ko na siya dahil may dinaanan pa ako.." pagdadahilan ko.


"Ano naman?"


Bakit ba ang daming tanong nito?


"Bakit ang dami mong tanong?" inis na tanong ko rin sa kanya. Hindi ko alam basta naiinis lang ako, palagi nalang kasi na kung magtanong sya sa akin ay parang puro kalohohan ang ginagawa ko.


"Wala, bakit ang pikon mo?"


"Napapansin ko lang kasi, palagi kang nagtatanong sakin ng mga ganyan!" medyo napalakas ang boses ko dahil sa inis.


"Oy mga pokpok, nag-aaway ba kayo dyan?" nagtatakang lumapit sa amin si Erika na kanina lang ay busy sa ML.


"Hindi.." tipid na sagot ni Abby. "Nagtatanong lang naman ako," dagdag pa nito bago tumalikod at naupo sa sarili nyang upuan.


Medyo nakonsensya naman ako dahil sa pag-sigaw ko sa kanya. Nainis lang naman ako dahil sa pagtatanong nya 'e. Hindi naman ako galit sa kanya.


"Okay ka lang?" lumapit sa akin si Erika. "Ang taray mo ha," pang-aasar pa nito.


Umirap ako at tsaka sumandal sa upuan ko. Badtrip! Kailangan pa tuloy mag-sorry mamaya kay Abby dahil mukhang nagtatampo pa ito dahil sa pagsigaw ko.


"Okay lang ako." Huminga ako ng malalim at pasimpleng tumingin kay Abby. Abala ito ngayon sa pagkutinting ng cellphone nya, mukhang nagtatampo ngang talaga.


"Hayaan mo mamaya chill na ulit yang si Abby," pag-aalo sa akin ni Erika. Tumango na lang ako at tipid na ngumiti.


Sana nga...


"Ang init!" napatingin ako sa pinto dahil sa malakas na reklamo ni May. Pawis na pawis rin ito at namumula pa ang kanyang mukha dahil sa init ng araw. Nasa likod naman nya si Marco na may hawak pang payong, medyo malayo kasi ang classroom na ito sa egineering building.

No One Care (No One Series #II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon