Chapter 24

88 4 0
                                    

"Wasted"

...

"Are you drunk?" nalilitong tanong ni Dan ng lumapit ako sa kanya at subukan syang halikan. Umiwas sya at tumatawang pinigilan ang mga braso ko.


"No," umirap ako sa kanya at umatras. Inayos ko ang pagkakaupo ko at muling tumungga ng alak. I didn't even used a cup, I drink the alcohol straight from its bottle. Mas masarap pala pag ganito inumin ang alak.


"Lilipas din yan," bakas sa boses nya ang pang-aasar. Pumikit ako at tumingala upang pigilan ang muling pag-patak ng luha ko.


Sobrang sakit na ng mga mata ko dahil sa dami ng iniyak ko ngayong araw. Ayoko ng umiyak!


Muli kong inayos ang pagkakaupo ko at tinungga ang bote ng alak. Diretso ko iyong ininom, binaliwala ang mapait na lasa 'non sa aking dila. Dahil baliwala lang iyon sa mga nararanasan ko ngayon, I wanted to scaped from all of this!


"Chill, malalasing ka agad nyan," umiling pa ito ng sulyapan ko sya. "Ang hirap mo pa namang alagaan pag-lasing kana," pang-aasar pa nya.


"Okay lang, ikaw naman maglilinis pag nagsuka ako e," pang-aasar ko rin sa kanya.


Umirap sya sa akin at tumungga rin ng alak, pinagmasadan ko syang gawin iyon. "Bat ka nakatitig?" tuloy ay nakakalokong tanong nya sa akin ng mapansin ang pagkakatitig ko.


"Mahirap ba akong mahalin?" halos pabulong na tanong ko. Gusto kong malaman kung bakit pakiramdam ko ay walang nagmamahal sa akin. Bakit palagi nalang akong naiiwang mag-isa, bakit palaging second choice lang ako.


Bakit ang hirap mabuhay?


Saglit syang natigilan, umiwas sya ng tingin at ibinaba ang bote ng alak sa center table na nasa harapan lang namin. Nakapatong din doon ang mga junk foods na pulutan namin.


"Wala namang tao na mahirap mahalin..." makahulugang sabi nya. Sumandal sya sa couch at tumingala, kaya naman ginaya ko rin ang pwesto nya. "Ang mahirap lang ay yung magmahal ka ng may mahal ng iba.." Naramdaman ko ang pasulyap nya sa akin.


Nanatili naman akong nakatingala at nakasandal sa couch. Kahit na ilang beses kong pigilan ang pagpatak ng luha ko ay walang kwenta iyon, muling pumatak ang mga luha ko. Naninikip ang dibdib ko dahil sa pagpipigil ng paghikbi.


"Iiyak mo lang yan.." narinig ko pa ang pagtawa nya. "Ganyan talaga kapag nagmahal ka, kailangan mong maranasang masaktan," dagdag pa nya.


Bakit ganon? Hindi ba pwedeng mahalin ka nalang din ng taong mahal mo para maging masaya ka? Bakit kailangan pang masaktan?


Itiniaas ko ang mga paa ko sa couch, niyakap ko ang mga tuhod ko at doon sumubsob. Ang mahinang pag-iyak ko ay nauwi sa malakas na paghagulhol.


Wala na akong pakialam kung tawanan nya ba ako o videohan para kinabukasan ay may mapagtawanan. Ibinuhos kong lahat ng sakit sa pamamagitan ng pag-iyak. Nanatili namang tahimik si Dan sa tabi ko.

No One Care (No One Series #II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon