Chapter 13

82 6 0
                                    

"Save"

...

"Si Ate po?" iyon agad ang isinalubong ko kay Manang ng makarating ako sa mansyon. Dito agad ako dumiretso sa kusina para makita sya. Sigurado kasi akong kapag si Mommy ang tinanong ko, wala syang isasagot.

Palagi akong nag-tetext at chat kay Ate para kamustahin sya, pero kahit isa 'don wala man lang syang sinagot o nireplyan. I also wanted to congatulate her, dahil graduated na sya! At as we expected she's one of the Cumlaude! I'm so proud of her! That's also the reason kung bakit ako bumisita dito sa bahay, tapos na rin naman ang finals namin! Eweek nalang ang pag-kakaabalahan namin sa University. And I'm so excited!


Party! Party!


Lahat ng effort, puyat, pagpapalipas ng gutom at pag-iyak namin ay nagbunga! OMG second sem na kami! Maybe, I am sound so over acting but duh! It's so hard to study engineering!


Parang gusto ko nalang mag-asawa ng engineer, kaysa ang aralin pa ito. Pero mas maganda kung pareho kaming engineer! So it's okay!


"Nasa kwarto nya, palaging 'don naman ang diretso 'non kapag uuwe.." may bakas ng pag-aalala sa boses ni Manang.


"Okay lang po ba sya?" pagtatanong ko nalang, alam ko namang kahit papano tunay na nagmamalasakit samin si Manang. Kahit na minsan nagsusungit sya, alam kong love nya kami!


"Hindi ako sigurado Sairah, naging mailap sya sa lahat ng tao dito." Malungkot na sagot ni Manang. "Kahit na sa akin ay ayaw makipag-usap. Ilang beses ko syang kinamusta, hindi ako pinapansin." Pagpapatuloy pa nito.


Miski ako ay nakaramdam ng lungkot dahil kay Manang. Maybe Ate can't move-on, feel ko naman kahit ako ay magiging ganon din. I can't imagined myself in her situation, ayokong magaya sa kanya.


Pagkatapos naming mag-usap ni Manang ay agad kong inayos yung regalo ko para kay Ate. Nagbihis na rin ako dahil namamawis ako, mainit kasi sa byahe. Hindi na kasi ako nagpasundo, kaya ko namang mag-commute 'e.


Wala sina Mommy at Daddy dito, palagi naman. Kaya madalas talagang sina Manang at ibang maids ang kasama namin dito. Okay lang naman, atleast hindi ko kailangang mag-ingat sa lahat ng kilos ko. Palagi akong pinagagalitan ni Mommy kahit na itaas ko lang yung paa ko sa couch namin, hindi daw maganda sa isang babae ang ganun umupo. E' sa 'don ako komportable 'e?


As if naman na gagawin ko rin yun sa ibang bahay! Dito lang naman sa bahay namin o kaya sa dorm! So arte!


"Ate?" pagtawag ko kay ate, kumatok pa ako sa pinto nya para marinig nya.


Naka-set na sa dining room yung surprise ko para sa kanya, ofcourse with the help of Manang naging madali para sakin ang ayusin iyon. I'm so excited! I can't wait to see her reactions! Mahilig kasi sya sa mga teddy bears, so bumili ako ng human size para sa kanya! Meron na naman syang mga ganon pero gusto ko parin syang bigyan.


"Ate?" wala pa ring nag-bubukas ng pinto, sigurado naman akong nandito sya dahil sabi ni Manang, hindi daw masyadong lumalabas si Ate ng bahay. Wala rin naman syang close na kaibigan, I can say na iyon ang lamang ko sa kanya. Masipag mag-aral si Ate, kaya naman hindi sya masyadong friendly, palaging may hawak na libro. Kaya nga nagtataka ako kung paano sya nabuntis, wala namang akong kilala na boyfriend nya. Maliban nalang kay Kuya Zack, bestfriend na sya ni Ate simula bata pa.

No One Care (No One Series #II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon