Chapter 32

100 3 1
                                    

"Arrangement"

...

"Tapos ka na?" Abby asked.

Ngumiti ako sa kanya at tsaka muling nagbaba ng tingin sa ginagawa ko. Konti palang ang nagagawa ko kaya sobrang dami ko pang dapat na i-type. "Hindi pa," sagot ko.

Ang sakit na sa kamay dahil kanina pa ako nagta-type. Hindi ko malaman kung ano ba ang dapat kong i-design sa website na ginagawa ko.

"Ang ganda naman ng gawa mo," she compliment.

Ngumuso ako at tsaka muling tumingin sa kanya. "Hindi naman, mas maganda parin yung mga gawa nina Ino," sabi ko.

Mas magaling naman kasi ang mga lalaki kaysa samin pagdating sa programming. Hindi ko alam, siguro dahil hilig nila ang palaging magcomputer kaya ga'non.

"Si Erika?" she ignored what I said and sat down next to me.

"Hindi ko alam, baka may-date kasama si Ma'am," I said.

"Wow, sana all!" malakas na sabi nito kaya natawa ako.


Halos mag-iisang taon na simula ng maghiwalay sila ng jowa niya. Hindi ko alam kung ano ba ang tunay na dahilan, basta ang sabi lang nya e' nagsasawa na daw siya. Simula non' hanggang sa ngayong third year na kami ay hindi pa ulit siya nagkakajowa.

Ewan ko ba, pero may napapansin naman kaming lahat sa kanilang dalawa ni Allian, ayaw lang sigurong umamin ng dalawa. Sadyang hindi lang din namin pinahahalata na may napapansin kami.

Miski mga kaklase namin ay tahimik lang din pagdating sa kanilang dalawa, siguro ay natakot na silang mang-asar sa classroom. Doon kasi nagsimula sina May' at Marco, sa mga pang-aasar nila.

"Hays! Nanlalabo na ang mata ko kaka-computer," reklamo ni Abby.

"Paano yan? Pag nagtrabaho na tayo, computer parin ang kaharap natin." 

Dahil computer engineering ang course namin, ay madalas kaming babad sa computer. Ramdam ko rin na masakit nga minsan sa mata kapag sobrang tagal ng nakaharap sa computer, kaya naman bumili talaga ako ng dalawang anti-radiation na salamin sa mata. Para naman kahit papaano ay may proteksyon ang mga mata ko sa computer.

"Oh! Ayan na si Erika," sabi nito sabay nguso kay Erika na nakasimangot, mukhang badtrip na naman.

"Bwiset!" agad itong naupo sa tabi ni Abby at tsaka sinampal ang lamesa na nasa harapan namin.

Dahilan upang mauga rin ng bahagya ang ginagamit kong laptop. Natigilan ako sa pagta-type at tsaka tinitigan ang badtrip na mukha ni Erika. Mukhang kailangan na naman niya ng karamay.

Dati kasi, May' was the first one to comfort us when we are having a problem. She's the first one to rescue us when we were in or having trouble.

Isinave ko ang ginagawang code at tsaka pinatay ang aking laptop. Mabilis ko ring iniligpit ang mga gamit ko, pagtapos ay tsaka humarap kay Erika.

"Problema mo siz?" panimula ni Abby dito.

"Ayoko na mag-jowa!" malakas na sabi nito kaya natawa kaming pareho ni Abby.

Napansin ko pang napatingin sa amin ang ibang estudyante na nakatambay rito sa charging station. Mukhang wala namang pakialam si Abby kaya hindi ko na lang din pinansin.

Dito ko kasi naisipang ipagpatuloy ang activity na iniwan samin ng prof. medyo naiinitan kasi ako sa classroom namin kaya dito ako pumunta. At tsaka ang seryoso nilang lahat, wala man lang nag-iingay! Hindi tulad noon na kahit busy ang lahat sa mga ginagawa ay nagagawa paring mag-asaran.

No One Care (No One Series #II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon