Chapter 20

101 3 0
                                    

"Cared"

...

"Sairah!" naiinis na pinagpatuloy ko ang pagbukas ng gate sa aking apartment ng marinig ko ang pagtawag ni Marco.


Hindi ko alam na hanggang dito ay sinundan parin pala nya ako. Sumisigaw pa talaga sya ha? Paano kung may maka-kita sa amin na kakilala ni May? Minsan talaga itong si Marco, basta-basta na lamang kumikilos at hindi nag-iisip.


"Sairah.." imik nya uli ng makalapit sya sa akin.


Hinayaan kong nakabukas ang gate nang sa ganoon ay makapasok rin sya. Naglakad ako papunta sa pinto at binuksan din ito, narinig ko naman ang pagsunod nya dahil sa tunog na nilikha ng pagsara nya ng gate.


"Sairah!?" muli kong binaliwala ang pagtawag nya sa akin hanggang sa makapasok kami sa loob ng apartment.


Inilapag ko ang bag ko sa sala at saglit na naupo roon upang tanggalin ang sapatos ko. Nagulat naman ako ng bigla nya ring inilapag ang bag nya at lumuhod sa harapan ko.


"Ano ba?!" inis na sabi ko ng agawin nya ang paa ko at sinimulang tanggalin ang sapatos kong suot. "Hoy!" sigaw ko pa ng tuluyan na nyang natanggal ang kaliwa kong sapatos.


Pinilit kong agawin ang mga paa ko pero mas lalo nyang hinigpitan ang pagkakahawak roon, halos sakop ng buo nyang kamay ang binti kong hawak-hawak nya. Napanguso na lang ako at pinagpatuloy ang pag-hila ng paa ko.


"Tss.." tinitigan nya ako ng malalim kaya naman bigla akong napatigil sa pag-agaw ng paa ko. Nag-iwas ako ng tingin ng ngumisi sya at pinagpatuloy ang pag-kalas ng kanan kong sapatos.


Napanguso ako ng maisip na sa titig pa lamang nya ay tiklop na ka-agad ako palagi, paano pa kaya kung hindi lamang pagtitig ang gawin nya? At ano pa bang iba ang pwede nyang gawin maliban sa pagtitig?


Bakit ba kasi ang rupok ko pagdating sa kanya?


"Sandali.."Tatayo na sana ako ng matanggal na nyang pareho ang mga sapatos ko, pero agad nya akong pinigilan at inabot ang tsinelas na nasa tabi ng center table. Dahan-dahan nya iyong isinuot sa mga paa ko, nang mag-angat syang muli ng titig ay hindi na ako muling nakaiwas.


Tila na-pako ang mga mata ko sa kanyang pagtitig sa akin. May kung anong nagsasabi sa akin na huwag ko nang iiwas pang muli ang mga mata ko sa kanya. Hanggang sa matapos sya sa ginagawa ay hindi na naputol pa ang aming titig sa isa't isa.


Minsan ay sadyang nakakainis din pala talaga ang karupukan. Una akong nag-iwas sa aming titig at nagmamadaling tumayo. Muntikan pa syang matumba dahil sa biglaan kong kilos, mabuti at mabilis nyang naituon ang isang kamay sa sahig. Nang makitang maayos naman sya ay agad akong nagpatuloy sa paglalakad papunta sa aking kwarto.


"Sairah, let's talk.." nang sabihin nya iyon ay agad kong isinara ang pinto ng aking kwarto at nilock iyon.


Bahala sya dyan kung hindi sya aalis, hindi ako lalabas ng kwarto ko hangga't hindi sya umaalis. Ayoko pa syang makausap, sobrang pagka-dissapoint na ang nararamdaman ko para sa kanya at sa sarili ko.

No One Care (No One Series #II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon