Prologue.

1.9K 58 1
                                    

"Alam mo gwapo ka eh." Gusto kong humalakhak sa sinabi niya! Ako? Gwapo? Napakalayo ko sa deskripsyon na iyon.

Ilang beses ko na bang narinig yang punyetang 'Ew' at 'Nerd yuck!' sa mga maaarteng estudyante dito sa St. Felicity University? Napailing ako.

"Wag mo akong lokohin Athena. Marami kaming salamin sa bahay. Alam ko kung anong hitsura ko." Inismiran ko siya. Ngumisi siya at inilapat palikod ang kanyang mga palad, bahagya rin siyang lumiyad.

Walang pakialam iyang si Athena kahit bawal sa school magcivilian. Nakasuot siya ngayon ng isang white vneck shirt na medyo hapit sa kanya. Sumisilip ang cleavage niya at medyo hanging iyon kaya sumisilip rin ang flat na flat niyang tiyan. Nakasuot din siya ng black na leather jacket at pants. Nakaboots din siya yung hanggang binti lang naman.

Bad girl look daw iyan sabi niya. Malakas ang epekto sa akin ni Athena pero hinding hindi ko iyon kayang aminin sa kanya. Hindi ko kaya.

Hindi ko man maintindihan ang patuloy na pagsunod sunod niya sa akin ay hinayaan ko na lamang siya. Hindi ako nagtatanong. Siya lang. Taga-sagot lang ako.

Nandito kami sa rooftop ng school at sobrang mahangin kaya nililipad ang mahaba at may pagkakulot niyang buhok.

Napakaganda niya talaga. Yun nga lang di gaanong biniyayaan ng height. Siguro ay 5'2" ang height, mukhang anghel na morena. Pero kahit na morena ay makikita ang natural na pamumula ng pisngi niya. Ayaw niya sa make up. Napakiusapan lang siyang magpulbo ng nanay niya kaya iyon lang ang tanging kolorete sa mukha niya.

"Di ka lang nakaayos kaya ganun. Look, Diyo. Malabo ang mata mo kaya understandable na magsasalamin ka. Ang problema? Antipara ampota! Pili din ng style kasi. Oily ang mukha mo tapos langya! Kailangan ba talaga iyang punyetang bangs na yan?!" Tinabig pa niya ang bangs ko.

"Ilang beses na ba kitang nililigawan para sa make over Dominic Oliveros? Sinabi ko naman sayo na wala kang gagastusin. Akong bahala sayo. Pati wardrobe mo papalitan ko. Pumayag ka lang!" Inis na ginulo niya ang buhok pero di iyon nakabawas sa gandang taglay niya.

"Di ko matatanggap ang ibinibigay mo sa akin Athena. Alam kong mayaman ka at kutong lupa lang ako. Hindi ko masisikmurang gagastusan mo ako." Pasupladong sagot ko.

"Damn ego! Di ko magets kung saan nyo hinuhugot na mga lalaki ang pride na iyan!" She sighed deeply.

"Let's make a deal." Humarap siya sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko nang dumapo sa akin ang mabibigat niyang tingin. Suminghap ako dahil pakiramdam ko nawalan ako ng hangin sa baga dahil sa ginawa niya.

"W-What deal?" Nauutal kong sabi. Napakalapit ng mukha niya sa akin. Nasasamyo ko ang bango ng hininga niyang dumapo sa pisngi ko.

"10 years from now I know you will be successful, rich and very powerful." Puno ng kumpyansang sabi niya. Napalunok ako. "Ililista natin ang lahat ng magagastos ko sayo at babayaran mo ako pagkatapos ng sampung taon. Gagraduate na tayo sa march. So that means you have 10 years to make yourself very wealthy. Then you can pay me back." Ngumisi siya. Napatingin ako sa kanya. Gahibla na lamang ang layo ng mukha niya sa akin. Halos manginig ako nang mapatingin ako sa labi niya.

"Sige." Tila nahihipnotismong sagot ko.

My Damn Sweet Innocent Boy [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon