Chapter 5.

852 29 0
                                    

Meet the new boy

Excited akong pumasok ngayong araw. I prepared, for the first time in years naisipa kong isuot ang uniform namin. Kung kailan gagraduate eh! Pero ayoko kasing mapansin ako agad. Gusto kong makita ang reaksyon nila pag nakita nila ang gwapong si Diyo!

Nakangising pumasok ako sa kotse ko at nilapag ang backpack ko sa passenger seat. Nagmaniobra ako palabas ng mansyon. I really feel so happy! Nagring ang phone ko. Nakakunekta iyon sa kotse ko kaya sinagot ko na lamang. Umalingawngaw ang boses ni July sa speaker.

"Fuck! Teka nga!" Tila may iniiwas siya sa kanya. Ang aga naman ng pagmumumog ng mura nitong si July. "Hello!" Mataas ang tonong sabi niya.

"Ano?" Sagot ko. Mahinahon. Hindi ko masabayan ang pagkabadtrip niya eh. Masaya ako masyado.

"What did you do to Nico?" Malapit si Diyo kay July. Sa kanya lang dahil ayaw pa rin ni Froilan at Drako sa kanya.

"Ano namang gagawin ko sa kanya?" Nagpipigil ang ngiting sabi ko sa kanya. Alam niya ang make over na pinagmamakaawa ko kay Diyo kaya alam niyang pakana ko ito.

"Fuck! Ano ba?!" Sigaw niya. "Kausapin mo Athena!" Tila nakipagagawan siya sa phone or what kumaluskos kasi.

"Athena." Pumailanlang sa loob ng kotse ko ang buong boses niya. Napapitlag ako sa pagkabog ng dibdib ko. Bigla akong napapreno.

"Fuck!" Sigaw ko kasunod ng sunod sunod na busina sa likod ko.

"What happened?! Are you okay Athena? Shit!" Sigaw din ni Diyo. Ano ba yan! Bakit ba ganito ang epekto niya sa akin?

"Okay lang ako. Nagulat lang. Ano bang nangyayari?" Tanong ko at nagpatuloy na sa pagmamaneho.

"Di ako makapasok sa school." Sagot niya. Nagtaka ako sa sinabi niya.

"Huh? Bakit? May sakit ka ba?" Nagalala ako agad.

"Hindi. May humahablot sa akin. May kumapit pa kanina. Di ko kilala. Nasira yung polo ko. Sumigaw yung mga babae sa likod nung pumasok ako sa room. Nagulat ako kaya tunakbo ako palabas ng school. Nasa may gate kami ni July kasi pati siya ginulo." Napufrustrate ang boses na sabi niya.

Tangna yan! Sayang di ko nakita! That would be epic! At ang bilis nila ah!

"Bakit di ka makapasok eh nasa room naman yung mga sumigaw?"

"May nagaabang sa gate." Marahan niyang sabi. Malapit na ako sa may gate at nakita kong nakatayo sila doon. Fuck! Sira nga ang polo niya. Natatawa ako pero nainis din dahil ayokong may makahawak sa kanyang iba.

Pinarada ko ang kotse sa tapat nila.

"Sakay ka na muna Diyo. July, sige na pasok ka na. Salamat. Ako na bahala kay Diyo." Sambit ko. Nang buksan ko mula sa loob ang pinto ng passenger seat. Kinuha ko ang bag ko doon at inilagay sa likod ng kotse.

"Ganun na lang iyon?! Bastos ka talaga! Pati ako naharass dun pero si Nico lang ang kukunin mo?" Maarteng sabi ni July.

"Di ka naman kagwapuhan. Si Diyo lang ang pinagkaguluhan di ka naman kasali. Sige na! Diyo hop in!" Narinig ko ang pasasalamat ni Diyo kay July at tinapik ang balikat ni July na nanlilisik ang tingin sa akin. Tinawanan ko lang siya.

"So how was it? Nag-ala amazona pala sila nang makita ka! Sayang I didn't see how they met the new boy!" Tawa ko. Sira ang ilang butones ng polo niya. He looked like a guy na narape ng sampung kabayo.

Magulo ang style ng buhok pero walang salamin. Ang pogi naman kasi masyado!

"Shut up." Asar na sabi niya. Whoa! That was a compliment boy!

"Pinuri na nga nagalit pa." Ngumuso ako.

"I am not a boy." Irap niya sa akin. Nanlaki ang mata na tumingin ako sa kanya. Alam ko naman ang ibig niyang sabihin pero nasa mood akong biruin siya.

"You mean.." Ibinitin ko ang sinabi bago iniliko ang kotse. "Bakla ka?" Inosenteng tinignan ko siya.

Tumalim ang tingin niya sa akin.

"Stop the car." Sambit niya. Sus! Galit na agad. Hindi ko siya pinakinggan. Nagbibiro lang ako eh! "Stop the car!" Mas mariin na sabi niya. Seryoso ang lolo! I pouted ang parked the car sa side walk.

Nagulat ako ng hubarin niya ang polo at sandong suot niya. Napatingin ako sa katawan niya. God! Hindi ko kailanman naisip na ganito kaganda ang katawan niya. He looked like a greek god! Mukhang matigas ang dibdib niya. Bumaba ang tingin ko sa tiyan niya. Gosh! Abs! Ang sarap niyang tignan. I suddenly felt hot kahit nakatodo ang aircon.

May happy trail pa siya. Nanuyo ang lalamunan ko. Nakita ko ang paglapit ng mukha niya sa akin. His face is only a centimeter away from mine. He was looking at me intently. Bumaba ang tingin niya sa labi ko. Grabe lang! Ang ganda ng hugis ng mapupulang labi niya. I remembered how those lips tasted! Hindi man matagal pero alam kong masarap siyang halikan. It felt heavenly. I swallowed hard.

"Remember this. I will never be a just a boy. I am your man, Athena." Dumampi ang mainit at mabango niyang hininga sa nakaawang kong bibig. Shit! Gusto ko siyang halikan!

Pero bago pa ako nakakilos ay lumayo siya sa akin. Ramdam ko ang init ng mukha ko. Ilang beses akong nagpakawala ng hininga. Nanginginig ang kamay na kumapit ako sa steering wheel.

Gusto ko pa rin siyang halikan pero seryosong nanlalambot ako sa ginawa niya. Ang galing niyang magpasabik! At ako naman ayun nakalatag agad sa harap niya!

Sinulyapan ko siya. Kitang kita ko ang malalalim na hiningang pinakawalan niya. He was breathing hard while his eyes were tightly closed. Nakasandal ang ulo sa head rest ng passenger seat ko. Matapos ang tila pagpapakalma sa sarili ay isinuot niya ang shirt na dala niya. Hindi iyon isa sa mga binili namin. It looks old but it definitely looked good on him.

I am your man Athena.

Lalo yatang sumikip ang dibdib ko!

My Damn Sweet Innocent Boy [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon