My boy
Badtrip pa rin talaga ako ngayong araw na to. Sabagay kailan ba hindi? Mainit ang ulo ko na naglakad sa Department of Engineering. Bitbit ko ang helmet ko.
Hindi ko napansin ang isang babaeng kasalubong ko. Nagkabanggaan kami, nalaglag lahat ng dala niyang libro at mga papel. Ang helmet ko din ay nalaglag! Fuck! My baby!
Dinampot ko yun at akmang sisigawan ang punyetang bumarang sa dinadaanan ko kanina. Nalunok ko ang lahat ng murang lalabas sana sa akin nang makita ko ang nanginginig niyang hitsura habang yukong yuko sa harap ko.
"Damn!" Sambit ko na lamang at tinulungan siyang magpulot ng kalat niya dahil nanigas na yata siya sa kinaluluhuran niya. "Be careful okay? Stupid."
"T-Thank you. So-sorry di kita na-napansin." Sabi niya nang makuha lahat ng libro na inabot ko sa kanya.
"Di ka ba nakakapagsalita ng tuwid? And why are you looking on the floor? Nandyan ba ang mukha ko?" Humarap siya sa akin habang tila nanginginig ang mga labi. "What's your name?"
"Katherine." She said. A small smile formed on her lips! God! How I hate nerds! Pero nang makita ko ang mga mata niya ay napagtanto kong magaan ang loob ko sa kanya.
"Athena." Inabot ko ang kamay ko sa kanya. "See you around!" Sabi ko natapos niyang tanggapin iyon. Tumalikod na ako at tumingin sa relo ko. Fuck! Late na ako. Babanatan na naman ako ni Mrs. Romero. Insekyora sa akin iyon eh.
"Athena!" Lumingon ako at nakita ko si Froilan. Ang isa sa mga alipores ko. Biro lang. Tropa ko si Froilan. Magkakilala na kami mula pa ng pagkabata. 5 kaming magkakaibigan. Si Drako, Trevor at July ang iba pa. Puro sila lalaki. I know, pero magkakabarkada kasi ang mga daddy namin kaya naging magkakaibigan kami.
Puro kami only child maliban kay July, may dalawa siyang nakababatang kapatid. Sina May at September. Funny, may something talaga si Tita Gretchen sa buwan.
"Dude! Later na lang! Babanatan na ako ni Romero!" Tumakbo na ako sa klase ko. Kaklase ko rito si July kaya paniguradong ginigisa na iyon ngayon. Good boy pa naman. Di kami magkacourse. Magkaklase lang talaga kami sa minor subject na ito. Business Ad ang kinukuha niya at ako naman ay Engineering.
"Miss Beaufort you're late! Again!" Nabingi yata ako sa sigaw ni Romero nang makarating ako sa classroom.
"May tinulungan akong lampa sa corridor ma'am. Nagpakabayani lang ako."
"Wala akong pakialam sa pagpapakabayani mo! You're still late! Isang late mo pa sa subject ko ay ibabagsak na kita!" Hinampas pa ni Miss Tapia ang lamesa pagkasabi nun. Damn! Nagiinit na naman ang ulo ko!
"Di mo pwedeng pigilan ang pusong makabayan ko! And I excel in your subject. Please!" Singhal ko rin at padabog na naupo sa tabi ni July na halos panawan na ng ulirat sa kakatawa.
"Damn! Hi-hindi ko kaya! Pusong makabayan? Pagpapakabayani? What the fuck Athena?!" Humalakhak pa siya. Yung walang sound dahil mababaling sa kanya ang galit ni Romero sa akin.
"Shut up!" Gigil na sambit ko. Hindi nakamove on si July hanggang matapos ang araw. Bastos talaga!
Nang maguuwian na ay nagpunta ako sa cafeteria para sana kumain ng pizza. Natigilan ako nang makita kong may tinapunan ng juice sa ulo ang bitchesa ng university na si Pia.
The poor guy looked down while Pia and her froglets are making fun of the boy. Inangat ng lalaki ang mukha at kinuha ang salamin sa mata habang pinupunasan iyon.
Nilukob ng galit ang puso ko. How stupid can you be?! Come on! Fight!
Sa pagkadismaya ko ay tahimik lang na pinunasan na rin nung lalaki ang mukha niya. Tiim bagang akong nagpakawala ng marahas na hininga.
"Wow! What a scene!" Umupo ako sa mesa paharap sa mga bruhan. Nabalot ng katahimikan ang buong cafe. Kita ang pamumutla sa mukha ni Pia. Alam niya ang kaya kong gawin. Tambay ako ng disciplinary office dahil sa mga kabulastugan ko. Hindi iyon kaila sa mga estudyante rito. "Care to tell me what happened?"
"Athena.. Ahm.." Hindi makasagot at makatingin man lang itong gagang to. Ang lakas ng loob na mangbully pero kapag mas malakas na sa kanila di na kinakaya. 4th year college na kami. Hindi na mga bata pero ganito pa rin sila?
"Athena!" Impit na sigaw-bulong ng babaeng katabi nung lalaki. Napatingin ako sa kanya. Ah! Ito yung babae kanina. Ano nga yung pangalan niya?
"Katrina?" Nakita ko ang mariin niyang pagkagat sa labi niya. Ay mali yata ako ng sinabi. Napatawa ako sa isipan ko.
"Katherine." Sabi niya sa mahinang boses.
"Oh! Lakasan mo ng konti yung boses mo ha?" Binalingan ko yung isa sa dulo na nagtangkang tumakas. "Take one step forward and I swear makakalbo ka." Nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya. Namutla at tumungo sa harap ko. Ganyan! Matakot ka gaga!
"So? What happened?" Nang walang sumagot ay kinalabit ko ang lalaking diretso lang ang tingin. Mukhang nanigas na ang bangs niya dahil sa juice.
"Hayaan mo na ako." Tiim bagang na sagot niya. Hindi ko inasahan iyon. Sa buong panahon na nang terror ako sa St. Felicity ay walang kahit na sinong sumubok na sagot sagutin ako.
"What?" Diretsong tumingin sa akin ang mga mata niya. I mean, mata pala. Kasi yung isa natatakpan ng bangs. Medyo malaking singkit iyon, magulo basta. Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang kaibahan nun sa karaniwan. Mas malaki ang parte ng puti sa mata niya. Hindi maliit ang pupil, sakto lang pero damn! Malaki talaga yung sclera niya eh.
"Sabi ko, pabayaan mo ako." Inulit pa talaga niya! Hindi ko malaman ang kakaibang damdaming lumukob sa puso ko. Gusto ko ang buo at mababang boses niya. It sound so masculine. But then kabaliktaran iyon ng hitsura niya.
Gulat man ay hindi ko napigilan ang pagkawala ng ngiti sa labi ko.
"It's your lucky day bitches! You heard my boy. Go! At huwag na huwag ninyong sasalubungin ang landas niya. Go away! Ang sakit nyo sa mata!" Nagpulasan ang mga gaga sa narinig.
"I am not your boy." He stated.
Oh you will be. Watch me.
BINABASA MO ANG
My Damn Sweet Innocent Boy [Fin]
RomanceHindi ako nagkaroon ng pangarap sa buhay ko dahil sa karangyaan na tinatamasa ko mula pa nang ipanganak ako. But when I met him? I had a lot of dreams. I dreamt of holding him, keeping him and loving him. But all he did is to push me away. But even...