Chapter 10.

848 24 0
                                    


Deal

Wala na akong nagawa nang tuluyan siyang nakapasok sa elevator. So much for running away, eh? Nahihilong isinandal ko na lamang ang ulo sa haligi ng elevator. Palayo sa init na inilalabas ng katawan niya. Ipinikit ko ang mga mata upang hindi ko siya makita.

Dahil sa simpleng tingin lang na pinapadapo niya sa akin ay tila na ako isda na inalis bigla sa tubig. Nagkakakawag at hindi makahinga.

"Wala kang ibang ginawa buong gabi kundi ang uminom. Mahilig ka na bang maglasing ngayon?" Sabi niya habang salat sa emosyon ang boses niya. Alam kong kami lang ang nasa loob ng elevator at ako ang kinakausap niya pero hindi ako sumagot.

Ayokong makausap siya. Ayokong makita siya. Tinapon na niya ako dati. Ayokong bigyan siya ng isa pang pagkakataon para itapon ako ulit.

"Athena." Muli niyang pagbanggit sa pangalan ko. Mariin kong ipinikit ang mga mata kong nakapikit na dahil naramdaman ko ang pagsulak ng kilabot sa likod ko ng marinig siyang sabihin ang pangalan ko.

Kahit dati pa. Napapahina na ako ng simpleng pagsambit niya ng pangalan ko. At hindi ako makapaniwalang ganoon pa rin ang pakiramdam na ibinibigay niya sa akin. Tulad ng dati. Walang nagbago.

Suminghap ako.

Tumunog ang elevator. Nasa basement na kaya nagmamadaling lumabas ako at pagewang na tumakbo sa kotse ko.

"Don't run!" Sigaw niya. Hinabol niya ako. May dagdag na naman sa sandamukal na donts na pinakawalan niya sa huli naming paguusap.

"Please! You see Mr. Oliveros, I don't want to talk to you. I guess it is obvious, kahit kanina pa. Let me just go peacefully then you can go on with your life. Wag mo akog intindihin." Pinatunog ko ang sasakyan ko at binuksan pinto upang sumakay sa passenger seat  pero hindi pa man ako nakakakilos nang maramdaman ko ang biglang pag-angat ko sa upuan.

Inilagak niya ako sa passenger seat at pumasok na rin sa loob. Hinila niya ang seat belt ko at nagseat belt na rin siya.

"The key?" He said while looking at me. I was gaping at him sa sobrang pagkagulat sa ginawa niya.

He was intently looking at me, nahipnotismo ako ng maganda niyang mga mata tulad ng dati. Inabot ko sa kanya ang susi.

Wala na akong lakas makipaglaban sa kanya kaya hinayaan ko na lamang siya at sumubok na matulog. Bahala na siya kung saan niya ako dadalhin. Di rin naman ako makakakontra eh.

Pamilyar ang daang tinatahak namin. Malapit ito sa condo unit ko.

"Alam mo kung saan ako nakatira?" Hindi siya nagsalita bagkus ay ipinasok niya sa basement parking ang kotse. We both went down the car and walked to the elevator.

Pagkapasok ay pinindot niya ang 7th floor. Pati floor ng unit ko ay alam niya! Stalker ko ba siya?

My unit is 701, pinakauna iyon pagpasok ng 7th floor. Ang ikinagulat ko ay ang paghatak niya sa akin at paggiya sa akin sa tapat ng unit 705. Hindi ako tanga. Hindi niya ako dadalhin dun kung hindi iyon kanya.

Ang bawat unit dito ay nakadisenyo para sa isang bachelor or bachelorette. May katamtaman ang laki na sala, kusina, laundry area, dining at isang kwarto. Parehas lang ang istilo ng unit na ito sa akin. Ang kaibahan lang ay ang kulay ng pader at mga gamit.

The walls are painted dark black to gray. It was elegatly styled. Ang sofa niya ay malalaki na kulay brown. Cotton like ang sofa. Mukhang masarap upuan at malambot. Sa gitna nun ay coffee table sa tapat ng isang malaking flat screen tv at speakers.

"Ahm. I will go home now." Sambit ko. Hindi niya ako pinansin. Bagkus ay pumasok siya sa kwarto. Nahihilo na talaga ako kaya umupo ako sa sofa at naghintay sa kanya.

"Hindi kita nakitang kumain. What do you want to eat?" Nakasuot na siya ng isang gray na cotton shirt na hapit sa katawan niya at boxer shorts. Kilala ko ang suot niya. Ako ang pumili ng mga iyan eh.

May gustong patunayan itong si Diyo!

"Uuwi na ako." Iyan ang sinabi ko imbes na sagutin siya. Tumingin lamang siya sa akin at sumandal sa pader na nagsisilbing divider ng kusina at sala.

"Alright. Pero pagkatapos nating mag-usap. And you have to eat first." Walang pasabi na pumasok siya sa kusina at iniwan akong nakatayo sa gitna ng sala.

Napaupo ako doon at nanghihinang naihilamos ko ang palad sa aking mukha. Wala naman akong masyadong make up kaya alam kong walang mag-ismudge.

I guess I have to talk to him now. Baka sakaling pagkatapos naming magusap ay magkaroon kami ng maayos na closure. Maybe then I will be able to finally move on. Ilang sandaling naghintay ako sa kanya.

"I cooked chicken soup for you. Come." He said. Hanggang ngayon ay napapasunod pa rin niya ako sa mga utos niya. Tahimik na pumasok na lamang ako sa kusina.

Naupo ako sa harap niya. Kumuha ng kutsara at marahang kumain. Panaka nakang tinitignan ko siya habang siya ay diretso lang ang tingin sa akin. Nakahalukipkip na nakasandal sa upuan niya.

Naiilang ako sa mga tingin niya pero tiniis ko na lang at inubos ang pagkain sa harap ko. Nang matapos ako ay humablot ako ng tissue sa lalagyan nun na nasa gitna ng lamesa.

"I'm done. What should we talk about?" Diretsong tanong ko.

"Is it good?" Marahan niyang sagot.

"Yes. Iyan lang ba ang itatanong mo? Can I go now?" Tiim bagang na mariing naglapat ang mga labi niya.

"Ganyan ka ba ka-atat na mawala ako sa paningin mo?" Sagot niya sa mahinang boses.

"Baka nakakalimutan mo Mr. Olivares. Ikaw ang atat na atat na mawala ako sa landas mo noon. I am just doing you a favor by disappearing from your sight." Sarkastiko kong balik.

"It's not.. Hindi iyan ang gusto kong mangyari dati. I was.. I.. I was just.." Tila naaasar na inalis niya ang salamin sa mata at inihilamos ang palad sa mukha niya. "Damn it!"

"Kung hinila mo lang ako rito para makinig sa mga sentence mong hindi mo matapos tapos at sa pagmumura mo then I better just leave now." Akmang tatayo na ako sa kinauupuan ko nang hawakan niya ang kamay kong nakalapat sa mesa. Nagitla ako sa init na naramdaman ko. Fuck! He can still give me that delicious warmth but just a little touch.

"Today is the 10th year of our deal." Naguguluhang tinignan ko siya at muling naupo.

"What?"

"Yung deal natin." Hinila niya ang manggas ng suot niyang t-shirt. "Na babayaran kita sa lahat ng ginastos mo sa akin 10 years ago."

"Ito lang? Iyan lang tapos you have the guts to boss me around tapos iyan lang ang ipinuputok ng butsi mo hanggang ngayon?" Nangingilid ang luha kong sabi.

"Athena." Marahil ay nagulat siya sa nakita. Hindi pa rin pala siya nagbabago. Mas malaki pa rin sa kanya ang ego niya. Hindi niya pa rin naisip na maligaya akong binigyan ko siya nun. Actually may binili pa ako para sa kanya na hanggang ngayon ay nasa akin pa rin.

Hindi ko na siguro iyon ibibigay dahil di na niya kailangan.

"Nang gawin ko iyong patulong ko sayo 10 years ago ay hindi akp umasa sa kahit na anong kapalit. Heck! I don't even plan on following that deal!" Nanggigigil kong sabi. "At bayad ka na. That time the only payment I was waiting for is a smile. Dahil kahit kailan hindi mo ako nginitian. You smiled at me after we.. We kissed. That's enough payment." Tuluyan na akong tumayo. Mabilis siyang tumayo at lumapit sa akin hinawakan niya ako sa braso.

He looked like he wants to say something pero di niya maformulate ang sentence sa isipan niya.

"Forget about it Mr. Oliveros." Hinawi ko ang kamay niya sa braso ko. "You seriously need to work on your pride and ego mister. That can cause you your biggest downfall." Tinalikuran ko na siya at naglakad papunta sa sala upang kunin ang purse ko at susi ng kotse. Naglalakad na ako papunta sa pinto nang masilip ko siya sa kusina. Nakatayo sa gilid ng mesa habang ang isag kamay ay nasa bewang at ang isa nama'y mariin na nakalapat sa mga mata niya. Mabilis at mabigat ang pagpakawala ng kanyang mga hininga.

"You are my biggest downfall, Athena." Narinig kong sabi niya. Natakot ako sa sinabi niya kaya tinakbo ko ang pinto at lumabas na roon.

My Damn Sweet Innocent Boy [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon