Introduce
Dahil sa kaalaman na nasa California rin si Diyo ay nagdesisyon akong tanggapin ang offer ni Froilan. I want to be away first. Alam kong may posibilidad pa ring magkita kami doon but atleast may trabaho akong kailangang asikasuhin. Hindi ko siya masyadong maiisip at malilibang ako kay Mom and Dad.
"Are you sure about this?" Seryosong tanong ni Froilan sa akin. Tumango ako. He sighed and dive into the bunch of papers on his table. Tila ba may hinahanap doon. "Riley? Can you give me the contract for OI? I need it now." Sabi niya ng pindutin ang intercom.
Pumasok naman agad si Riley ang kanyang secretary na may pagkaboyish. She's very pretty pero hindi masyadong palaayos.
"Here it is boss." Inabot iyon ni Froilan at tahimik na tumango.
"Here's the contract for OI. Nang nirequest ka ng CEO nila for this partnership ay may ilang projects na nakaline up para sayo. The contract with them will run for 2 years." First time kong nakarinig ng ganito. Hindi naman bago sa akin ang ganitong partnership but we don't sign seperate contracts for my employment. Dun lang sa projects. Kunot noo kong tinignan si Froilan. "Sigurista ang CEO ng OI, Athena. Ayaw nilang magkaroon ka ng dahilan para iwan ang trabahong nakaline up para sayo. So do you still want this? I can try looking for-"
Pinutol ko ang sasabihin niya sa pamamagitan ng pagpirma sa kontrata without even looking at it. Nanlaki ang mata ni Froilan sa ginawa ko.
"You didn't even read the contract yet!" He exclaimed.
"Nope. It's fine. I trust you with this. And I need the time away. 2 years is just a short time. I will be back before we know it. So, when should I go to the Philippines?" Emontionless kong sambit. I really feel numb because of Diyo.
"You have to be there on Friday. So ang flight mo ay bukas. I want you to have a rest before going to OI. Masyado kang mapapagod." May pagaalala sa mukha niya. I really appreciate Froilan's presence in my life. He'd been my constant buddy, friend and confidiante. He never left my side at the time that I needed someone.
Hindi niya rin pinilit ang sarili niya sa akin kahit na alam niyang vulnerable ako at maaari akong pumayag sa relasyon na gusto niya. He stood by his words that he wanted to be just a friend.
"Alright. Thanks Lan. Just send me the details pag nasa Pinas na ako." Tumayo na ako at lalabas na sana ng opisina niya ng tawagin niya ako ulit.
"Call me when you need anything Athena. If you need me I will go to you. Okay? Just tell me." Natouch ako sa sinabi niya. I smiled and walked out of his office.
Mabagal akong naglakad patungo sa opisina ng department namin. I could take the elevator pero iba ang pakiramdam ko doon. Isa pa sa baba lang naman ng floor nina Froilan ang floor namin.
Nang makarating ako doon ay tila pagod na pagod akong sumandal sa upuan ko. Feeling ko sobrang emotionally drained na ako, partida isang beses pa lang kami nagkikita niyan. Pano pa kaya sa susunod? I swear I will do anything to avoid him. Sobrang sakit na kasi.
And I was so disappointed now that I realized na ang tanging lalaking minahal ko ay nilalamon ng napakalaking ego niya ay pride. Akala ko dahil lang iyon sa bata pa siya at mahirap pa sila nun. Maiintindihan ko naman iyon kung dala lang ng kabataan no. Pero ang makita at marinig na ganun pa rin siya after 10 years? It pains me.
I am hurt for him. Just imagine a life where you let pride and ego eat you and lead your life? That'll be lonely. Your guards will always be up shielding and protecting your goddamn ego without knowing that you might be hurting someone because of those.
Maaaring hindi rin naging madali sa kanya pero siya naman ang unang umalis. Siya ang tumalikod at nangiwan. I did my side of the bargain. I tried and failed. I just needed to save myself.
Nabasa ko noon sa isang story, parang naguusap sila about what's more painful, yung nangiwan o iniwan? Sa totoo lang depende iyon sa honesty ng nangiwan. Maaari niyang sabihin ang totoong dahilan ng kanyang pagalis o hayaan na lang iyon. Dun mo malalaman kung ano ang mas masakit. At para sa akin? Masakit ang paraan na ginawa niya para iwan ako. He left me hanging on somewhere blindly holding on to something I don't even know what.
Hiniling ko ang isang eksplanasyon o rason para maintindihan ko. Pero hindi niya ibinigay. Masakit ang biglang paglayo niya na hindi ko alam kung may nagawa ba ako? Nasaktan ko ba siya? Itinulak ko ba siya palayo? Anong mali? Dahil kung may ginawa akong mali sa kanya sana ay naitama ko at nakahingi ako ng tawad. Pero lahat iyon ay ninakaw lang niya palayo habang tinatalikuran niya ako.
And this questions haunted me for the last 10 years like a ghost. Takes a form of a nightmare at night and leave me broken in pieces in the morning.
I stopped crying for him too much after some years. Naisip ko kasi, siya nga tumalon na sa kandungan ni Katherine a day after we kissed. And I bet sa kagwapuhang taglay niya ay maraming babae pa ang nahumaling sa kanya. Tapos di ko pa tutulungan ang sarili kong maging maayos man lang?
Ilan kaya ang pinatulan niya? Nung nakasama ko siya years ago, ang tanging babaeng napalapit lang sa kanya maliban sa akin ay si Katherine. So I am pretty sure na virgin pa siya nun at NGSB. He's my damn sweet innocent boy nga di ba?
Pero teka, hindi rin. Malay mo sadyang sinungaling at malihim iyang si Dominic Olivares? He knew how to kiss. Nasarapan pa nga ako nun di ba?
Nakakainis!
Makakain na nga lang! I called Lan if he can eat lunch with me. Hindi daw dahil may client meeting siya. Napakaworkaholic! Napangisi na lang ako.
I walked out of the building to look for a restaurant. Ah! Naalala ko yung bagong sikat na restaurant ni Chef Henry. Lower batch sa amin si Henry nun nina July. Suplado at marami ding admirers ngayon. Nahuli ko iyon dati na kinakaladkad yung kapatid ni July na si May, hindi ko na lang sinabi kay July kasi OA yun eh.
Dun na lang ako kakain at tatambay. The last time I ate there, I saw July's cousin. Si November, sabi niya one year na siyang apprentice ni Henry. Mukha siyang brokenhearted. Hindi niya maitatago iyon sa akin dahil nakita ko na ang mukhang ganun dati. Sa repleksyon ko sa salamin.
"November!" Mabilis kong nilapitan ang humahangos na babae papasok sa kitchen nila.
"Uy! Ate Athena." Nakangiti niyang bati. Alam niyang siya ang gusto kong magluto ng kakainin ko dahil bitter si Henry, lalo akong mabibitter sa kanya eh! Napatawa ako sa isip.
"Dating order November, please?" Nagpapacute kong sabi. Natawa siya at tumango pagkatapos akong yakapin at halikan sa pisngi.
Naupo ako sa may porch ng restaurant. Bet to talaga to eh.
Naghihintay na ako sa order ko ng may masamang hangin na dumapo sa mesa ko.
"If we are to talk again about your big ego Sir then just send me the check. Pwede bang pagkatapos nun ay tantanan mo na ako?" Inirapan ko siya. Ano bang ginagawa ng lalaking ito dito?
Ganito ba talaga kaliit yung mundo namin?
"No. I just want to introduce myself to you again. I want to start over. Iyong ako naman ang maghahabol at magmamakaawa para mapansin mo." He sat on the chair before me. "My name is Diyo. Anong pangalan mo?" He gave me a sweet smile na nagpakilig bigla sa puso ko. Literal na nalaglag ang baga ko sa ngiti niyang iyon.
Pero ayokong umasa. Inirapan ko siya at umiwas ng tingin. Tulad ng ginagawa niya sa akin dati.
"Ito naman, gusto ko lang naman makipagkaibigan sayo. What's your name?" What the fuck Dominic Olivares?! Paanong.. Bakit?
Naaalala niya ang mga sinabi ko sa kanya noon. Awang ang mga labi na tinignan ko siya. Napatingin ako sa mga magaganda niyang mata.
"Athena Beaufort." Tila nahihipnotismo kong sambit. Mas lalo siyang napangiti sa narinig.
"Ako-"
"Dominic Olivares." Putol ko sa sasabihin niya. "Stop doing this Dominic. I am done with your games." Hindi ko na siya pinansin at kumain na lang ako kahit na nakaupo siya sa harap ko.
BINABASA MO ANG
My Damn Sweet Innocent Boy [Fin]
RomansaHindi ako nagkaroon ng pangarap sa buhay ko dahil sa karangyaan na tinatamasa ko mula pa nang ipanganak ako. But when I met him? I had a lot of dreams. I dreamt of holding him, keeping him and loving him. But all he did is to push me away. But even...