Chapter 6.

910 31 0
                                    

For the show

Sabi ko na't magbabago ang tingin nilang lahat sa lalaking ito pag umayos ang hitsura niya. I hated how all these people can be so superficial.

Nowadays, looks will show you the position you'll be in this society blinded by beauty and power. Nakakaasar na ayokong maramdaman ni Diyo ang sakit ng bawat panlalait na binabato sa kanya pero mas naaasar akong ganito sila ka clingy sa kanya!

Totoo, halos maglumuhod ang mga ingrata para lang pansinin niya. He's disgusted. I can tell. I feel disgusted too. Well, that's really how it is. Pero ang ikinatutuwa ko ay hindi pinapansin ni Diyo ang mga bitchesang iyon. Ganun pa rin kami. Tuwing free cut namin ay magkakasama kami nina Katherine.

Pero napansin ko ang medyo pag level up ng dalawa. Tulad ngayon, nakaupo ako sa harap nila habang magkatabi siya. Nagaaral dapat kami eh. Pero heto ako, nanonood sa paglalandian nila. Nakakairita pero hindi ako nagpahalata. Ayokong isipin nila na may mali.

Pero sumasakit na talaga ang mata ko. Lalo na nang halos akbayan na ni Diyo si Katherine. Nagiinit ang mga iyon na tila ba maiiyak na ako. Bakit naman ako iiyak di ba? Fuck lang talaga!

Tumaginting pa ang halakhak ni Katherine matapos siyang turuan ni Diyo sa isang lesson.

"Ganun lang pala iyon. Ang tanga ko!" Namumula ang mukhang sabi niya. Oo tanga ka talaga. Gumwapo lang iyang kaharap mo halos lamunin mo na rin?

Nakakagago kaya padarag na akong tumayo. Napatingin sila parehas sa akin. Hindi ko pinansin iyon at kinuha na ang gamit ko. Inilagay ko ang lahat sa loob ng back pack ko ng wala sa ayos.

"San ka pupunta Athena?" Sambit ni Diyo. Nanghina man ay hindi ako nagpatinag. Itinaas ko lang ang kilay ko at tumalikod na sa kanila.

I'm your man, I'm your man ka pa dyan! Hayop ka! Paasa!

Hindi pa ako nakakalayo nang maramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko.

"May one hour pa bago ang klase mo. Where are you going?" Tinignan ko ang lito niyang mga mata.

Shut up! Di naman ako kailangan dun. Kaya mo ng makipaglandian ngayon! Gwapo ka na eh!

"Why do you care?" Pumiksi ako sa hawak niya. Naiirita talaga ako! Hindi ko alam kung bakit pero kailangan ko lang talagang makaalis sa perimeter kung saan naroroon din siya. Humigpit ang hawak niya sa akin.

"May problema ba?" Sambit niya matapos mariing ipikit ang mga mata marahil para pakalmahin ang sarili. Oo fuck! May problema ako sayo! Kasi mula nang magkaganyan ka para kang lumayo sa akin!

Sobrang naging malapiy sila ni Katherine. Ramdam mo ang pagkakaichapwera ko. Nakakainis kasi parang pakiramdam ko kailangan ko na namang manlimos ng atensyon niya. Tulad dati.

I was starting to think that he never really wanted to be with me. Napilitan lang siya sa kakulitan ko. Dagdag pa ang isyu niya sa yaman ko. Kahit kailan hindi ko naramdamang naging kunportable siya sa akin.

"Wala. Gusto ko lang mapag-isa." Alam nya ang mga ganitong mood ko. At alam kong iiwan na niya ako. Hahayaan na niya ako. Ganun naman talaga ginagawa niya kahit dati pa.

Ilang sandali niya akong tinitigan. Tila hinahanap ang katotohanan sa mukha ko. Tinigasan ko ang ekspresyon ng mukha ko. Hindi niya pwedeng mabasa ang naiisip ko. Bumuntong hininga siya at bumaba ang kamay sa palad ko.

Suprise filled me when he intertwined his fingers on mine. Fuck! This isn't the first time pero bakit parang pakiramdam ko ngayon lang niya hinawakan ang kamay ko?

Hinila niya ako palapit sa mesa namin. Kitang kita ko ang gulat sa mukha nu Katherine ng mapatingin siya sa magkahawak naming mga kamay. Basag at tila maiiyak ang ekpresyon ng mukha niya.

Tinignan ko si Diyo. His expression is still the same. Seryoso. He's oblivious of Katherine's broken expression. Kinuha niya ang gamit at inilagay iyon sa loob ng bag niya gamit ang isang kamay. Hindi niya binitawan ang kamay ko. Maaaring naniniguro siyang di ako makakaalis. Isinuot niya ang bag sa balikat niya.

"Katherine. Aalis na kami. Kakausapin ko lang si Athena." Paalam niya. Ni hindi niya hinintay ang sagot ni Katherine na tunalikod na siya at marahang hinila ako palayo doon. Napalingon ako at nakita ko ang pagtulo ng luha ni Katherine. Nakokonsensya ako pero hindi ko itatangging ang saya saya ko sa nangyari.

We reached the coffee shop beside the university. Iniupo niya ako sa isang mesa at pumasok siya sa loob at umorder ng inumin namin. Bumalik siya bitbit ang dalawang venti cup.

"You can't always turn your back on me whenever you have a problem, Athena." Matiim niya akong tinignan. "Lalo na kung ako ang problema mo."

Paano? Paano niya nalaman? Lagi ko ng ginagawa ito sa mga nakalipas na araw lalo na kapag naiirita ako sa mga nakapaligid sa kanya.

"Tell me. What's the problem? Dahil naguguluhan ako." Sabi niya.

"Huh? Wala ngang problema Diyo. Alam mo naman na ganito talaga ako. Moody." Sagot ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil pakiramdam ko binabasa niya ako. Come on Athena! Show your toughness! For the show Athena. For the show.

I acted fine and smiled widely at him. Lalong kumunot ang noo niya.

Bumuga siya ng hininga bago niya ako tinignan muli.

"Whenever you are happy, there's a tiny line forming at the side of your eyes. It makes you look pleased. Kapag may masakit sayo, galit o malungkot ka ay nay malalim na linya sa noo mo." He raised his index finger tracing an invisible line on my forehead. "Kapag naiirita ka dahil sa pagseselos tumataas ang kilay mo at kinakagat mo ang labi mo." He traced my lips with his thumb after cupping the side of my cheeks.

Nanlamig ako sa sinabi niya. He can describe how my face contorts and shows how I feel. Hindi ko maintindihan pero napabilis nun ang pagtibok ng puso ko. Hindi ko alam na ganun kalalim niya ako obserbahan. Naginit ang magkabilang pisngi ko.

"So tell me now. What's the problem Athena?" He tensed while waiting for my answer. Parang gusto ko ng maiyak. Ano ba ito?!

"Damn! Ayokong mag-assume pero gusto kong malaman. Do you feel something for me now?" Pigil ang hininga na lumapit siya sa mukha ko. Hindi ako makahinga dahil sa lapit niya. Parang sinosolo niya ang hangin na dapat ay para sa akin dahil sa distansta niyang iyon.

"Nararamdaman mo na rin ba? Sa wakas?"

Puno ng pag-asa sa mukha ni Diyo. Ayokong isipin pero parang may kumpirmasyon na sumisiksik sa isipan at puso ko kasabay ng pagdaloy ng kilabot sa dibdib ko.

Tinignan ko rin siya ng matiim sa mga mata niya. Ayokong magsalita at nagkamali ng sabihin baka masira itong moment na ito. I am definitely under a spell.

Parang may magnet na pilit humahatak sa akin palapit sa kanya.

Hindi ako sumagot sa halip ay hinayaan ko ang labi ko na iparamdam sa kanya ang kinukumpirma niya sa akin.

Inilapat ko ng madiin sa kanya ang labi ko. Awtomatikong ipinikit ko ang mga mata ng dumaloy ang pamilyar na kilabot mula sa batok ko pababa sa likod ko. His hand went on my nape. Iginilid niya ang ulo upang mahalikan ako ng mas malalim. Mabagal ang kilos niya.

Nananantya, nagpapaalam at maingat. Para akong maliliit na kwitis na sumasabog mula sa loob. Masarap sa pakiramdam ang mga naipaparamdam niya sa akin. Nanginig ang mga kamay ko at kumapit iyon sa polo niya.

Lumayo siya sa akin. I opened my eyes and he's eyes are still closed as if he's savoring something so precious. A small smile formed on his lips. Tapos ay nagbuga siya ng mabigat na hininga na tila ba hinugot niya pa iyon sa lalim ng kanyang baga. He opened his eyes slowly.

There's something else on his eyes. Alam kong sinasalamin nun ang akin. Oo, katulad ko. Dahil ngayon alam ko na at sigurado ako. Parehas kami ng nararamdaman.

My Damn Sweet Innocent Boy [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon