Chapter 17.

792 23 1
                                    

Friend

Maaaring maayos na kami ni Diyo ngayon pero kailangan pa rin naming maayos lahat ng gusot ng nakaraan namin. Isa na dito si Katherine. Alam kong masakit para sa kanya ito. Hindi namin dapat ipagdamot ang katotohanan sa kanya. Babae rin ako, alam ko kung gaano kasakit para sa isang babae ang patuloy na manlimos ng pagmamahal.

Nanggaling na ako dun. Mahirap yun at sobrang nakakastress.

"Dapat kayo na lang ang mag-usap Diyo. Ayos lang naman sa akin." Nakangiting sabi ko sa kanya. Kumakain kami ngayon sa isang restaurant.

"Ayokong mag-isip ka ng masama habang magkausap kami ni Katherine. I can't risk Athena." Tila pinal nang sabi niya. Bumuntong hininga ako sabay baba ng kubyertos. Pinagsalikop ko ang mga kamay at ipinatong ang siko sa mesa habang tinitignan siya.

Aaminin kong kinilig ako sa sinabi niya. Pero alam kong hindi tama ang gusto niya. Hindi sila magkakaintindihan ni Katherine kung nandoon ako.

"Fine. Pero hindi ako magpapakita kay Katherine. Diyo, you have to understand. Katherine loves you. Seeing me there will make her mask her feelings. Kailangan mong malinaw sa kanya ang lahat ng hindi ako nakasawsaw. You see, if I were on her shoes I will feel so insulted that you will slap me the truth by the presence of your girlfriend." Sambit ko habang naninimbang na nakatingin ako sa kanya.

He gave me a heavy stare and let out a sigh. I know talo na siya sa usapan. Napailing na lang siya ng ngumiti ako ng malaki sa kanya.

"Alright. It's your call Athena. But I want you near. As much as possible I want you to hear what we will talk about. I want you to see that even I talk to someone else, it's still you. Ikaw lang." Hindi ko alam kung saan nanggaling ang mga pinagsasabi ng lalaking to pero sobrang nakakatunaw!

Tumango ako at nagpatuloy na sa pagkain. Later tonight he'll meet with Katherine. We decided to meet her sa isang restaurant. Uupo na lang ako ilang table mula sa kanila para makita at marinig ko pa rin sila katulad ng gusto niya.

Nakaupo na ko sa isang mesa habang naghihintay siya sa ibang mesa di kalayuan sa akin. He supressed a smile while looking at me. Even with the distance he can still make me feel that I am the only one in his eyes. Tulad ng dati ayun. Kinilig na naman ako.

"Diyo." Masayang salubong ni Katherine sa kanya. "I knew you will come back! Hindi mo ako iiwan." Napatayo si Diyo nang makita siya. Patalon na yumakap si Katherine sa kanya at tinangka siyang halikan nito sa labi.

Napakapit ako sa mesa. Kakaiba din talaga ang lakas ng loob nito! Napahinga ako ng malalim.

Iniiwas ni Diyo ang ulo at mabilis na binaklas ang kamay ni Katherine sa leeg niya. Bakas ang pagkadismaya ni Katherine sa ginawa ni Diyo but she feigned a smile on her face.

"How many times should I tell you-"

"Don't call me Diyo? Yeah yeah. Si Athena lang ang pwedeng tumawag sa akin ng ganun! Fuck! Athena, Athena! Lagi na lang si Athena! Ako to Dominic! Ako ang nasa harap mo! Kailan.." Nanginig ang boses niya. Huminga ng malalim tila pinapakalma ang sarili. "Kailan mo ba ako makikita?"

Rinig ko ang sakit sa boses niya. Napahinga ako ng mas malalim dahil naawa ako sa kanya.

"I'm sorry Katherine. Hindi ko sinasadyang masaktan ka. You knew how much I goddamn love Athena. Mula noon hanggang ngayon. Siya lang." Nakita ako ang pagiwas ni Katherine ng tingin kay Diyo.

"Alam ko naman eh. Pero Nico, she left you! Sila na ni Froilan! Hindi mo ba makita iyon? Masaya na siya doon habang nasasaktan ka! Kahit na mayaman ka na rin ngayon di mo pa rin mapapantayan si Froilan! Ako.. Kahit ano ka pa. Mula pa dati bago ka magbago ng hitsura. Kahit nung nasa Bicol pa lang tayo. Mahal na kita. Ikaw lang ang sa akin. Hinayaan kitang maglakbay sa ibang daan dahil ang nasa isip ko ay sa akin ka rin babalik. Sa akin ka rin babagsak." Gumalaw na ang balikat niya. Alam ko, humahagulgol na siya sa harap ni Diyo. Kita ko ang sakit na lumatay sa mukha ni Diyo dahil sa sinabi ni Katherine.

Totoo nga! Ipinamumukha sa kanya ang estado ng buhay namin. At hindi nga naging kami ni Froilan!

"Hindi naging sila ni Froilan, Katherine." Tiim bagang niyang sabi.

"Paano mo nalaman? Dahil sinabi niya? Magaling maglaro si Athena! Pinapaikot ka lang niya! Dahil alam niyang kaya mong magpakatanga para sa kanya! Itigil mo na ito Nico!" Hinampas ni Katherine ang mesa at napatayo. Nakakakuha na sila ng atensyon. Habang ako ay tila nanigas na sa kinauupuan ko.

Mula nang unang beses kong makilala si Katherine ay magaan na ang loob ko sa kanya. I genuinely treated her as a friend. Hindi ko alam na ganito pala ang tingin niya sa akin! Nanginginig na pinunasan ko ang luha sa mga mata ko.

"Stop! Huwag na huwag mong pagsasalitaan ng ganyan si Athena, Katherine!" Tumaas na rin ang boses ni Diyo. "We're together now Katherine. Finally she's mine to keep."

"Huwag ka ng magsinungaling dahil sinabi na ni Athena ang totoo. Ayokong mawalan ng respeto sayo kahit na pinagsisinungalingan mo ako all these years. Because you are a friend." Nanlaki ang mga mata ni Katherine.

"W-What do you mea-" pinutol niya ang pagsasalita ni Katherine ng inangat niya ang kanyang hintuturo.

"Oo tanga ako. Basta para kay Athena. Basta tungkol sa kanya. Tanga ako! Dahil ganun katindi itong nararamdaman ko Katherine. Wala akong pakialam sa sinasabi ng iba. Sa sinasabi mo. Ang importante lang sa akin ay ang marinig ang sasabihin niya." Kuyom ang kamaong tumingala si Diyo. Nagpakawala ng matitinding hininga at ilang mura.

"Maaaring nasa taas siya na kahit kailan ay hinding hindi ko maaabot. Pero kung kailangang ibigay ko ang lahat sa akin. Ang lahat ng kaya ko para lang mahawakan siya gagawin ko. Dahil simula nang minahal ko siya hindi na ako nakatigil. Nang tumatak ang mukha niya sa isip ko tanging siya na lang ang sumakop sa buong espasyo nun. At hindi pa siya nakuntento sinakop din niya ang puso ko. Sa tingin mo may pakialam pa ako sa mga sinasabi nyo kung tanging si Athena na lang ang alam ko?"

"Katherine. You are the best friend I ever had. You stayed when I thought the world crumbled down and swallowed me whole. Nandyan ka ng makabangon ako. Importante ka rin sa akin. Pero kailangan mong tanggapin. Mahal ko si Athena. Siya lang." Luhaang tumingin si Katherine sa kanya. Bakas ang sakit sa mga mata niya. Napayuko ako. Hindi ko magawang magalit sa mga sinabi niya dahil naaawa talaga ako sa kanya.

"I don't think I can still stay. I love you Nico. So much that I can't take that you can't even look at me that way too. Susubukan kong lumapit kapag kaya ko na. Hindi muna ngayon. Masakit masyado itong ginawa mo sa akin." Hindi na nakasagot si Diyo nang tumakbo palabas ng resto si Katherine. Napaupo siya.

Alam kong mahirap para kay Diyo ito. Kaibigan niya si Katherine. At mahirap mawalan ng kaibigan. At gusto kong maalis ang bigat na narardaman niya. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Tumayo ako sa likod ng upuan niya at niyakap siya mula sa likod. Idinikit ko ang mukha ko sa mukha niya.

"She'll come around Diyo. Give her time." He looked at me and held my arms around his neck. I gave him a sad smile and hugged him even tighter.

My Damn Sweet Innocent Boy [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon