Chapter 19.

735 25 0
                                    


Last chapter. Thanks!

Once in a lifetime

May 31, 2018, iyan ang napili naming araw ng kasal namin ni Diyo. That's 2 days from now. Sobrang nakakapagod ang preparation pero sobrang worth it din naman. Ayaw namin ng sobrang engrandeng kasal. Gusto namin ng simple at intimate. After all this will be a very special day for the both of us.

Ang designer na pinili ko ay ang girlfriend ni July na si Samantha. Papasikat pa lang siya na designer pero magaling siya. Wala akong masabi. Magaling pumili yung ugok na yun. Parang anghel sa kabaitan ang nakuhang babae. Reregaluhan ko ng matibay na helmet yun baka kasi magising sa katotohanan at iwan si July!

Napangisi ako sa naisip. Siyempre imbitado ang buong tropa ko pati si Froilan. Okay na kami, dati pa naman pero ngayon alam kong nakakamove on na siya. May nilalandi na siya eh. Guess who? Damn! Yung secretary niya na si Riley. Base sa mga kwento ni Trevor dinaan umano ni Lan sa santong paspasan si Riley. Gago talaga!

Si Trevor ang napili naming bestman. Bilang pangasar kay Drako. Dayana is our maid of honor of course! At dahil nagladlad na ng nararamdaman niya kay Dayana ang ugok, halos umusok ang ilong niya nung dinner namin kung saan inannounce namin sa kanila ang line up ng mga abay. Gayunpaman tikom ang bibig at tiim bagang niyang tinanggap iyon tutak naging panira siya ng relasyon namin ni Diyo. Pero pucha! Nakakatawa talaga yung asim ng mukha niya kapag naaalala ko!

Speaking of my groom, heto na siya. Slowly walking on his way to me. Ang gwapo niya talaga. Mula nung una ko pa lang maaninagan ang kagwapuhan niya hanggang ngayon ay hindi nabawasan iyon. Tila ba nadagdagan pa.

"Athena, nacheck ko na yung venue. I think it's okay. How's the food?" Nagtoka kasi kami. Mas gusto kong magcheck ng pagkain kaya hinayaan na niya ako.

"It's fantastic! Hindi na nga dapat itong icheck dahil malaki ang tiwala ko kay Henry at November. Yung totoo nagugutom lang ako." Humalakhak siya sa narinig. Gusto ko sanang matawa pero kasi nahumaling na naman ako sa kakaibang hitsura niya habang tumatawa.

Napakagaan ng aura niya, bumabata siyang tignan at sobrang napaparambol niya ang loob ko kahit sa simpleng ngiti lang niya. Sa sobrang kaseryosohan niya hindi ko magawang masanay sa hitsura niya.

"Matakaw ka talaga!" Napangisi siya. "Tara na?" Naghanda ng lunch ang Mommy ko para sa amin kaya naman doon na ang diretso namin after nito.

"Let's go!" Masayang kumapit ako sa kanya. Nang makarating kami sa kotse ay pinagbuksan niya ako ng pinto. When I settled inside he turned to the driver's seat. Mabilis niyang pinaandar ang kotse at in-on ang radyo.

Desprate for changing
Starving for truth
I'm closer to where I've started
Chasing after you

"Diyo, sabayan mo yung kanta!" Napailing siya sa sinabi ko.

"Mukhang papakasalan mo lang ako para gawing human radio mo Athena. Malapit na akong magtampo." Mahinahon ngunit mapangasar ang ngiti sa labi niya.

"Hindi no! Pagkatapos ng balon balon na luhang pinakawalan ko para sayo? No freaking way! But this is enough to compensate you know?" I smirked. Napailing na lamang siya. Hindi ko na siya pinilit. Ayos lang naman.

"I'm falling even more in love with you. Letting go of all I've held on to. I'm standing here until you make me move. I'm hanging by a moment here with you." Nakangiti siya habang inaawit ang kataga ng kanta. Nabalot ng malamig na boses niya ang buong kotse. Nanindig ang balahibo ko na napatitig sa kanya. Kahit ang singing voice niya yata ay hinding hindi ko makakasanayan!

The car halted to a stop when the red light came on. He looked at me and winked. God! He winked! First time to!

"I'm living for the only thing I know. I'm running and not quite sure where to go. And I don't know what I'm diving in to. Just hanging by a moment here with you." I felt him squeeze my hand after he slowly filled the spaces between my fingers. He held my gaze on him. Ito na naman iyong pamilyar na kilig na dumaloy sa katawan ko! Damn this boy!

I felt like this is really what he felt by the way he sang the song. Sabagay it's true. We don't know what we were diving into but we chose to still jump. Bakit? Simple lang naman.

"I love you Diyo." Napapikit siya na tila ba ngayon lang niya ako narinig na sabihin iyon.

"Damn! Matindi talaga. I love you more Athena. Hinding hindi ko ipagpapalit ito sa kahit na na ano pang yaman sa mundo. You are my once in a fucking lifetime chance. Mahal kita." Hindi ko na napigilan ang luhang bumuhos sa mga mata ko.

He's mine too. Finally! After all those chase, asking for his name blindly asking for his attention. His love. Here I am. With him. Waiting for that chance to finally take my lifetime with him.

Maaaring sa iba ay corny or sa ibang bitter ay hindi naman magtatagal pero sa akin? This is a matter of choosing. And I chose him. I chose to give him my heart and give him forever to hold it.

Because just like before. He's everything. My friend, my buddy, my heart and my love.

"Argh! Mahal talaga kita!" He smiled shifted the gear on the sight of the green light and together we moved. Just like the traffic we followed the flow that will lead us to somewhere. And together we can make it. I know.

I'm sure.

My Damn Sweet Innocent Boy [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon