Fall for me
Nakalipas ang ilang araw na nanatili muna ako sa bahay. Laking pasalamat ko na hindi ako ginulo ni Diyo habang nagpapahinga. Di pa ako handang makausap siya pagkatapos ng huli naming pagkikita.
Ngayon ay pupunta ako ng OI upang pormal na makipagkilala. Sinend na ni Froilan sa akin ang detalye na kailangan ko. Ang sekretarya ng kumpanya ang makikipagkita sa akin. Ayos na iyon.
Nagmaneho ako papunta sa address na binigay sa akin ni Lan. Nang makarating doon ay tila nanlamig ako sa nakita. Hindi ako makapaniwala. Kitang kita ko ang pagkakaukit ng pangalan ng kumpanyang pagtatrabauhan ko.
Olivares Industries
Gusto kong umatras nang marealize ko ang katangahan ko. Kaya pala ganun na lamang ang pagaalinlangan ni Froilan nang ibigay niya ang trabaho sa akin. Ang mga paalala niya bago ako umalis. God! Kaya pala!
Aalis sana ako nang tumunog ang phone ko. Unregistered ang number pero may naiisip na akong maaaring tumawag sa akin sa oras na ito. Nanginginig na sinagot ko iyon.
"Athena, I will wait for you in my office. Wag kang magtangkang umalis. Alam kong nandito ka na." Hindi ko maipagkakamali ang boses na iyon. Fuck! Bakit ba ang careless ko?
Ano bang kinakatakot mo Athena? Akala ko ba matapang ka? Tapos isang Dominic Olivares lang hindi mo na kaya? Umayos ka! Harapin mo siya. And you're not here for him. You're here for work right?
Dala ang kakarampot na lakas ng loob. Kumilos na ako at lumabas ng kotse. I walked with shaky legs papunta sa lobby ng building niya. Napakalaki at napakaganda ng building ni Diyo. At halatang gawa iyon ng isang magaling na Engineer. Isang tingin ko lang sa bawat haligi nun ay masasabi ko na iyon.
Tama nga ako. Magiging matagumpay siya, makapangyarihan at mayaman. Sa totoo lang masaya akong malaman ang lahat ng ito.
I feel proud of my boy.
I am your man Athena. Tila binulong niya muli sa akin iyon. Napailing ako. Gaga! If he's your man then why did he leave you 10 years ago?
Sumakay na ako sa elevator at pinindot ang pinakahuling palapag dahil nandoon ang opisina ni Diyo.
Nang makarating ako doon ay sinalubong ako ng napakagandang design ng buong floor niya. Maaliwalas iyon pero nagsusumigaw ang kapangyarihan ng may-ari sa bawat sulok nun. Para akong dagang naglalakad sa gitna nun. Fuck naman eh!
"Miss?" Tinawag ko ang atensyon ng magandang babae na nakaupo sa gitna ng reception area. "I am looking for Miss Venus Haliway. May appointment ako at 8am." Nakangiti ngunit nanginginig pa ring sambit ko. Fudge! Bakit ba ako nagsuot ng heels?! Baka matalisod pa ako sa sobrang kaba ko nito eh.
"Ah! Engr. Beaufort?" Nakangiting pagkumpirma niya. Tumango ako. "Miss Venus' table is right inside that office. She's waiting for you. Nabanggit na niya sa akin kanina." Itinuro niya ang pinto sa dulong kanan ng hallway.
"Thank you!" Nakangiting sambit ko at nagsimula nang lumakad papunta doon. Tantyado ko ang mga hakbang dahil sobrang kabado talaga ako. Namamawis ang mga kamay ko kaya naman nang nasa tapat na ako ng pinto ay huminga muna ako ng malalim at ipinunas ang kamay sa slacks na suot ko. Tatlong beses akong kumatok at binuksan ko ang pinto.
Nag-angat ng paningin sa akin ang isang babae. Maganda rin siya. Morena rin tulad ko. Nakangiti siyang tumingin sa akin. Bawal ba ang pangit sa building ni Diyo?
"Engr. Beaufort?" Nakangiting lumapit ako sa kanya. I offered my hand and she politely accepted it. "It's nice meeting you. I am Venus Haliway. Secretary po ako ni Engr. Olivares. Wala pa po si Sir. May dinaanan lang daw po." Tumingin siya sa relo niya.
BINABASA MO ANG
My Damn Sweet Innocent Boy [Fin]
RomanceHindi ako nagkaroon ng pangarap sa buhay ko dahil sa karangyaan na tinatamasa ko mula pa nang ipanganak ako. But when I met him? I had a lot of dreams. I dreamt of holding him, keeping him and loving him. But all he did is to push me away. But even...