Chapter 3.

934 40 2
                                    


Make over

Excited ako dahil magkikita na kami ni Diyo sa mall para sa misyon namin. My mom knew about this and she let me. Mayaman ang pamilya ng ama ko. Kahit si Mommy na isang dating modelo na may-ari na ngayon ng pinakamalaking clothing line sa bansa ay mayaman na rin. Hindi masasaktan ang bank account nila dahil dito.

Gusto ko sanang gastusin ang sarili kong pera pero ayaw ni Mommy. Isave ko na lamang daw iyon. Di na ako tumanggi. Mommy is very curious about Diyo so I told her I will try to invite him at home. Di ako sigurado kung papayag siya dahil alam na alam ko ang pagkailang niya sa pagiging mayaman ko.

Probinsyano si Diyo. Taga-Bicol sila. Doon naninirahan ang nanay at tatay niya. He told me that his father is a farmer and his mom sells fish in the market. Mahirap sila kaya hindi kakayanin ang pagaaral niya sa kolehiyo.

May ambisyon at matalino kaya nagdesisyon siyang kumuha ng scholarship sa mga university sa Maynila. Pinili niya ang St. Felicity dahil may malapit na mauupahan sa univ na mura lang. Masipag si Diyo. He works at night at a convenience store para may ipambayad sa gastusin niya dito.

I admire and adore his principles in life. Malawak ang pangunawa sa mga bagay bagay kaya naman hindi niya pinapatulan ang mga nambubully sa kanya. Pero di ko pa rin talaga iyon matanggap. I should know. I've been there.

Nandito na ako sa mall 30 mins bago ang takdang oras ng pagkikita namin. At nasurpresa ako na nauna pa siya sa akin.

"Di ka naman excited no?" Pangbubuska ko sa kanya.

"Hindi no. Pero kilala kita Athena. You will always be early. Napansin ko iyan sa kabila ng pagiging pasaway at tamad mo. Ayokong paghintayin ka dito." Nagsimula na kaming maglakad. Inalalayan niya ako sa siko. Chivalry's alive people!

"Sa salon muna tayo. Let's have your haircut first." Kita ko ang pagbuntong hininga niya pero walang pag-angal na lumabas sa bibig niya. Medyo di ako sanay dun pero mas mabuti na iyon!

"Athena! Sweetheart! Kumusta?" Sinalubong kami agad ni Britney. Ang baklang stylist ko. Siya ang may-ari ng salon na ito.

"Ayos naman Brit. May barbero ka di ba? Can you have someone style him please? Kahit na anong style basta yung pinakabagay sa kanya ha? Please remove the bangs!" Natawa naman si Britney sa sinabi ko. Habang si Diyo naman ay halatang naaasiwa sa lugar na pinuntahan namin.

"Ako na lang ang bahala sa kanya Athena. Ikaw naman ang nagrequest eh. Upo ka muna. Mamagic-kin ko muna itong kasama mo!" Hinila niya si Diyo at pinaupo sa isang upuan sa tapat ng salamin. Kitang kita ko ang pagaalinlangan sa kanya habang magkatitigan kami sa repleksyon namin.

I smiled at him to assure him it's going to be okay. Magaling si Britney. Paniguradong kayang kaya niyang pagwapuhin pa lalo si Diyo.

Nagbasa ako ng magasin at matapos ang ilang minuto ay iniharap ni Britney sa akin si Diyo.

Nakapikit siya pero hindi nakabawas iyon sa akin niyang kakisigan. Oh my fuck! Ang gwapo niya!

Medyo clean cut iyon at ang bangs niya ay bawas na bawas na. Halos wala na ngang natira eh.

Napanganga ako sa ginawa ni Britney.

"Dyaran! Athena, baka pasukan ng langaw iyan." Natatawang pangaaalaska niya sa akin. Isinara ko ang bibig at nagkunwaring walang pakialam pero sa loob loob ko ay halos mangisay ako sa kilig. Ang pogi talaga!

"Athena?" Ilang beses na ba niya akong tinatawag? Napapatulala kasi talaga ako sa kanya.

"Sorry. Tara na? Sa spa naman tayo. Tapos papafacial kita." Nagmamadaling nauna na ako sa kanyang maglakad. Hindi ko mawari yung nararamdaman ko. Napakaweird eh. Siya ang unang lalaking nakapukaw sa atensyon ko.

Naramdaman ko ang pag-agapay niya sa paglalakad ko. Kakaibang kaba ang lumukob sa puso ko. Naamoy ko ang mabango niyang amoy.

Alam kong hindi mamahalin ang pabango ni Diyo pero sobrang nahahalina ako nun. Parang dinuduyan ako sa isang kakaibang emosyon.

Iniwas ko sa kanya ang sarili ko. This is bad! It's not something I aimed for. Ayoko sa ganitong pakiramdam!

Pumasok kami sa spa at sinubukan kong matulog habang minamasahe ang nanakit kong paa. Gusto kong kalimutan kahit saglit lang itong mga nararamdaman ko.

Matapos ang halos kalahating minuto, hindi pa rin ako nakatulog. Hindi pa siguro tapos si Diyo kaya nagpasya akong manatili sa lazy boy. Nagpaalam akong iidlip. Pinayagan naman nila ako.

Hindi man naging matagumpay ay hinayaan ko na lamang ang sarili na pumikit. Makalipas ang ilan pang minuto ay naramdaman ko ang bahagyang paglubog ng isang parte ng lazy boy. Siguro'y may umupo. Magagalit sana ako nang marinig ko ang isang pamilyar na pagbuntong hininga. Sigurado akong si Diyo ito.

"Ano ba ito?" Sandaling tumahimik siya. Tumikhim at naramdaman ko ang paghawi ng buhok ko patungo sa likod ng tenga ko. "Athena." Marahan niyang bulong. Gustong gusto kapag sinasabi niya ang pangalan ko. Pakiramdam ko gumaganda iyon.

Hindi ako kumilos. Gusto ko pang malaman ang susunod niyang gagawin. Pero may 3 minuto siguro ang lumipas pero hindi na siya gumalaw. Sa tingin ko ay di na kikilos itong lalaking ito.

Dismayadong iminulat ko ang mga mata. Nagulat ako nang makita siya. Tahimik nga siya pero ang mga mata niya direktang nakatingin sa akin. Matiim ang titig na pinapanood ako. Tumikhim ako para alisin ang bara sa lalamunan ko.

He looked so different now if not for his eye glasses. I held the brim of his glasses and removed it from his face. Honestly, this is the first time I have seen his face fully. Lagi kasing nakatabing yung epal niyang bangs dati.

He's breathtakingly beautiful. Ipinikit niya ang mata marahil dahil sa panlalabo nito pero hindi niya ako pinigilan sa ginagawa ko.

Nang iderekta niyang muli sa akin ang napakaganda niyang mga mata ay lalo akong nawala. It felt like looking into a bright clear sky on a fine summer day. He felt like my own version of fresh air.

"Would you rather wear glasses or we'll get you contact lenses?" I asked. Voice kinda hoarse dahil sa halo halong bagong pakiramdam.

"It's your call Athena." Iyan lang ang sinagot niya pero pakiramdam ko inilatag niya ang lahat ng baraha niya sa harapan ko. Paanong kaya niyang pagulungin ang puso ko sa iba ibang emosyon dahil lang sa apat na salita. Na parang inaalay na niya ang lahat sa akin. Hinigit ko ang hininga. Shit!

"Alright. Let's get you both." I smiled and I don't know what in the freaking hell came into me pero naramdaman ko na lamang ang paglapit ng mukha ko sa kanya. I felt a deliciously painful stab in my heart when my lips touched his. Napapikit ako. Wala pang ilang segundo ang paglalapat na iyon pero tumigil ang buong mundo ko.

"Athena." Bulong niya habang ang mga mata ay nanlalaki sa harap ko. Hiningal ako sa ginawa ko. Fudge!

Tumayo na ako at iniwan siya doon mag-isa at tulala. Hindi ako makapaniwal! I kissed him! Damn!

My Damn Sweet Innocent Boy [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon