Manila

3.4K 130 1
                                    


"anak smile" masayang utos ng Papa ko sa akin but I keep on refusing panu ako ngingiti eh kasi bungi ako, oo nabungi ako at talaga naman 2 days bago ang 7th birthday ko naiinis man ako sa kinder na yun alam ko na hindi naman nya sinasadya na saktong pag hagis nya ng bola eh sapol ang nguso ko ayun laglag ang isa sa front teeth ko buti na lng at milk teeth pa lang yun mapapalitan pa naman daw ng permanent sabi nung nurse sa school clinic ciempre nag-sorry na naman yung yaya nung bata.

"sige na anak smile ka na" sabi ulit ng mama "ok lang yan kahit na kulang ang teeth mo"

wala ako nagawa kundi mag-smile at hayaan na bungi ako kesa naman patuloy akong kulitin ng parents ko isa pa binigay naman nila yung gift na gusto ko cater na my clown at face painting.

nasilaw ako sa flashlight at nagulat sa katok sa bintana ng sasakyan ko sa gulat naitulak ko ang babaeng humalik sa akin, na sa tingin ko parang wala lang sa kanya yung nangyari, inayos ko ang sarili ko, pinipilit ko kalmahin ang puso ko na nagririgodon dahil sa halik na yun...she rock my very calm world.

lumunok muna ako bago binaba ang bintana "yes officer" magalang na tanong ko sa pulis.

he lean on my window habang nakatutok ang flashlight sa loob at tinititigan kaming dalawa jusko baka naman wanted itong kasama ko madamay pa ako sa anu mang ginawa nya or worst pumatay sya ng tao hoy Ila sa itsura ba nyang kasama mo eh kayang pumatay? hindi naman siguro pero looks can be deceiving di ba? hinalikan nga ako eh pero teka bakit parang nag-enjoy ako sa halik nya?di nga ako maka-move on parang dama ko pa yung labi nya sa labi ko.

"Miss hindi mo ba ako naririnig?" tanong ng police sa akin

I look at him in a questionable way kasi wala naman akong narinig na itinatanong nya sa akin maybe because busy ka sa kakaisip nang halik na yun.

"sabi ko asan ang lisensya mo?" ulit nya marahil sa kaninang tanong nya sa akin kanina

"wait lang po officer" inabot ko yung bag ko at kinuha ang lisensya sa wallet ko "teka may violation ba akong nagawa?"

binasa nya ang lisensya ko "nakainom ka ba?"

ayoko mag-sinungaling pero i had to "hindi po officer amoy usok lang kasi galing sa party kita nyo nga po sinundo ko yung kapatid ko kaya imposibleng lasing ako" omergerd i think i sound defensive much...i flash a loop sided smile.

mataman akong tinitigan ng police bago ngumiti "oh sige mag-ingat kayong mag-kapatid at wag kayo magtagal sa lugar na ito baka mapag-trip-an kayo" at iniabot ang lisensya ko "uwi na at tulog na ang kapatid mo"

sumulyap ako sa gilid ko kung san andun ang stranger na babae at tama si Mr. Officer tulog na nga sya, sumulyap ako ulit sa kanya matapos ko itaas ang salamin ng bintana, Saan ko naman kaya ito dadalhin? tsk bahala na iuuwi ko na lang sya. Tahimik akong nagmaneho ewan ko ba pero maingat ako sa bawat liko at daan ko sa mga humps na parang takot akong magising sya pero teka why do i give a sh*t kung magising sya? eh nakiki-hitch lang naman sya.

hanggang makapasok ako sa parking lot ng YID tower II hindi pa rin nagigising ang stranger, panu ko naman sya ipapasok sa unit ko,she seems light pero di ako sporty type para makayanan sya buhatin, biglang may dumaan na security guard near sa sasakyan ko at nagkataon yung ka-close ko pa agad ko sya tinawag "kuya good evening! ay morning na pala, di ba my wheelchair kayo?"

My Wicked Clumsy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon