Nicolie.2

1.4K 91 16
                                    

Denver POV

Habang binabaon sa hukay ang papa hindi ko alam ang mararamdaman ko halong lungkot at galit,he left me with Rex and a responsibility to marry someone that I didn't love,but I smiled in triumph dahil walang nakakaalam pero nagdadalang tao na ako and to the only man I love.

Kinabukasan matamlay pa rin ang bahay but I have to be strong hindi pa kaya ni Rex ang mag-isa plus para na rin sa nasa sinapupunan ko kahit panu ay nangingiti ako knowing that I will have a beautiful child.

"Ang lahat ng nasasaad sa last will and testament na ito ay naaayon sa kagustuhan ng iyong ama base na rin sa testamento ng kanyang ama" panimula ng abogado ng pamilya,nasa opisina kami ng papa.

Hinawakan ni Rex ang kamay ko malulula ang makakarinig sa dami ng ari-arian ng pamilya namin halos hindi ko pinapansin ang sinasabi ng abogado dahil solong anak ang papa walang pwedeng makihati sa yaman ng lolo ko at ganun din sa yaman ng papa tanging kami lang ni Rex ang mag-mamana ng lahat.

"Ang mga kundisyon ay sumusunod, dahil walang anak na lalaki pwedeng magtuloy ng apelyidong Adriano kailangan ang mga mapapangasawa ng anak ko hanggang sa huling patak ng dugo ko ay syang magpapalit ng apelyido, kailangan din na magkaroon ng sariling anak ang mag-asawa" may ibang kundisyon pang sinabi ang abogado pero isa ang bumasag sa pagkatao ko isinampal sa akin ang katotohanang I will never be enough "kung sino man ang makakapagpatotoo na sya ay Adriano at lalaki, malaking porsyento ang malilipat sa kanyang pangalan kasama ang ancestral house at iba pang lupain ganun din naman sa mga bagong henerasyon ng Adrianong lalaki higit ang makukuhang parte sa bawat negosyo,kung ang bawat kundisyon ay malalabag ang lahat ng meron ako ay malilipat sa mga charity at walang matitira ni singko sa pamilya"

That bastard father of mine bulong ko sa sarili,walang sino man ang pwedeng umagaw sa amin ni Rex ng karapatan namin not when I know that most of the wealth ay sa part ng mama ko.

Lumipas ang mga araw hanggang linggo pinipilit ko maging maayos ang lahat lalo't ako lang muna ang nag-aasikaso ng mga naiwan ng papa.

"Ma'am may gusto po kumausap sa inyo?" sabi ng sekretarya ko.

"sige 5mins lang ang meron ako" I did not bother to ask kung sino dahil mostly business lang naman ang mga dahilan ng mga pumupunta sa opisina ko.

Habang abala ako sa mga papeles narinig kong bumukas ang pinto,Tumingin ako isang lalaki ang nasa harap ko siguro 10-15 years ang edad nya kesa sa akin.

"Yes?".

Nahihiyang hinubad nya ang cap nya "Magandang araw Miss Adriano" tumikhim sya na tila naiiyak "pasensya na at di ako umabot sa libing ng tatay mo pinilit ko kaso kapos kami mula—-"

"Are you a friend of my father?"

Umiling sya at pilit na pinupunasan ang luha "Ako si Jose Lesandro Del Carmen Jr. hindi ko man dala ang apelyido pero isa akong Adriano"

"Khea I need to go home" bulong ko sa kanya "If I will not go home my parents might do something" sa totoo lang if I am the Nico before I will stay kaso I really need to see Manila,I missed her and it feels like long time since nakita ko sya, idagdag pa na hindi ko alam kung saan ko inilagay ang cellphone ko.

"Will you be back?".

"Oo naman".

She kiss me sa cheeks bago tumango "careful Nico, you're all I have" bulong nya pa.

Gusto ko linawin ang meron kami but maybe now is not the right time, she is mourning for God sake but I know what I have to do after this.

Sumakay ako ng sasakyan sa pagod ko I will just let kuya Bruce drive for me "Kuya B, kay Manila" utos ko.

My Wicked Clumsy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon