INTRODUCTION

5.9K 64 3
                                    

Hi! :) Im Vince Eli Rodriguez. Lesbian po ako. Ayos nga pangalan ko kasi panlalake tlga kaya di ko na kailangan ng mga nicknames na panlalake. Im currently 13 years old. Nag aaral sa isang private school dito sa Davao City. Di ko na po sasabihin ang pangalan ng school. :)

Describe myself? hmm. Payat. Maputi. Medyo mabilog ang mata pero medyo singkit sa dulo. Wavy ang buhok. Height ko, 5'5". Maraming nagsasabi na poging maganda daw ako kung mag aayos. Pero totoo naman, mehehe ;) sobrang puti ksi taz may killer smile pa! (add niyo siya sa facebook) ;)

Imagine niyo na lang itsura ko :)

February 2012 na ngayon. Medyo nakakatamad mag aral ksi halos walang activities pra maengganyo kami. Kaya naman, late ako ngayun ;)

Pagkarating ko sa room ...

"EXCUSE ME MS. RODRIGUEZ!!" opppssss ...

"Sorry maam if Im late" puppy eyes baka sakaling di na mgtanong sa rason

"why are you late???!! It's already 8 o'clock!" 7:30 kasi nagsisimula klase namin

"Ahh, maam, there was a huge traffic." puppy eyes parin

"it's not an excuse!" sigaw ni maam

"pero maam ...."

*Knock knock*

Biglang may iniluwang tao ang front door namin. Assistant pala ng principal.

"Maam Riche, may meeting daw po kayo." Yes! Woooh! Sinuswerte nga naman.

"okay. Please tell them I'm coming." sagot niya sa assistant. And she glared at me. "You're safe for now MS. RODRIGUEZ!" at inayos niya ang gamit niya. "Answer page 312-330. We'll check that tomorrow. Class dismissed!"

Agad akong pumunta sa upuan ko. At syempre, andun ang mga bestfriends ko. Si Andrea at Mae.

"Hoy! bat ka late?" sabay hampas ni Mae sa balikat ko.

"Anak ng! Ang sakit nun ah!" angal ko

"bat ka kasi tatamad tamad, napagalitan ka tuloy" sabi ni Andrea.

"walang inspirasyon eh. Kakawala ng ganang pumasok", sabi ko

"eh bakit ako? Merun?!", sabi ni Mae

"Palibhasa kasi sanay ka na dun! Ang sungit mo kasi kaya di ka nagkakaroon ng boyfriend!"

Hinampas ako ni Mae

"nakakailan ka na ah! Punyemas!"

Tumawa lang ang bruha.

Silang dalawa bestfriends ko. Grade 1 pa lang, magkaibigan na kami. Mas kaclose ko si Mae kesa kay Andrea. May pagkaastigin ksi gumalaw si Mae tska medyo nagkakasundo kami. Si Andrea naman, siya ung kikay sa amin. Sossy manamit at palaging may boyfriend. Pero sineseryoso niya naman.

Sila lang ang nakakaalam na tibo ako. Kilala nila ako. Alam nila lahat lahat tungkol sa akin. Lahat ng ayaw at mga gusto ko. Parang magkakapatid na nga kami eh.

"Oy vince! Punta tayo canteen. Wala daw klase sa Biology kasi absent si maam", sabi ni Andrea

"anebeyen! Ang aga pa pra pumunta sa canteen", sabi ko

"halika na! gutom na ako" hinila ako ni Mae. Grbe, ang sakit ng pagkahawak niya sa braso ko.

"araaay!"

"tagal mo kasi, alam mo namang matakaw yang si Mae eh."

"Oo na!"

Naglakad kami papuntang canteen. Pagpasok namin, nakita ko siya sa center table. Hindi pa rin pala siya nagbabago. Maganda at simple pa rin. Mapupulang mga pisngi at mapupungay na mga mata. Haaaay! Nakakamiss pagmasdan.

Nagbabasa siya ng libro ng dumaan kami kaya di niya kami napansin. Umupo kami sa pinakagilid ng canteen.

"Vince, order muna kami ni Mae. Ano gusto mo? Kami na mag oorder." sabi ni Andrea

"Ahh wala. Busog ako."

"Sure? Libre na kita!"

"Di, ayos lang talaga. Salamat."

"Ohsige ah!" at umalis na sila para umorder.

Habang nag oorder sila, pinagmamasdan ko lang ang mga tao sa loob ng canteen. May mga lovers, magkakaibigan, at meron namang mga mag isa lang sa buhay. Mga nerds. Mga feeling gwapo. Mga pasosyal. Eh ako kaya, pano kaya ako icategorized ng mga tao?

Nagdedaydream lang ako ng biglang may umupo sa tabi ko.

"Ang lalim ng iniisip ah!"

"Ikaw pala yan. Kanina ka pa ba nandyan?" Parang ewan kong tanong.

"Di naman. Oh, kamusta na?"

"eto parin", tipid kong sagot

"Alam mo, namiss kita. Tagal na nating di nag usap eh! Para kasing iniiwasan mo ko."

"Medyo busy lang kasi."

"Ah ganun ba! Hmm"

*Awkward silence*

"Kamusta puso Vince?"

"Ayos lang." Ayos nga ba talaga?

"Suuuus! May nagugustuhan ka na ano?" Kahit medyo magkalayo kami, naamoy ko pa rin ang buhok niya. Yung bahong lagi kong naaamoy noon.

"Wala. Focus muna sa studies."

"Sipag mo ata ngayon ah!" Ngumiti siya.

"Siguro. Eh musta kayo ng b—oyfri—-end mo?" Ano bang problema ng dila ko.

"Eto, away-bati. Pero parte naman siguro yun ng relasyon di ba Vince?"

"Ah oo." Ayoko ng pahabain ang pag uusap namin. Ayaw ko muna siyang kausap. Ket medyo matagal tagal na, masakit pa rin kasi.

"Palapit na pala sila Andrea. Mauna na ako Vince ah! Ingat ka! See you!"

"Ahsige. See you din."

Umalis na siya. Pero yung sakit, di pa rin nawawala. Sana naman ket pano mawala na kahit konte.

"Uy! bat tulala ka?" niwave ni Mae ang kamay niya malapit sa mga mata ko. Nagising ako sa ginawa niya.

"Ah wala."

"Kinausap ka niya?" tanong ni Andrea

"Ah oo Drey."

"Langyang babae yun ah, sinaktan ka na, may gana pang kumausap sayo. Ano pinag usapan niyo?"

"Nagkamustahan lang kami. Tsaka Drey, di naman niya alam na nasaktan niya ako."

"May pagkamanhid naman siguro siya kung ganun." -Mae

"Ganun siya eh. Wala na akong magagawa dun."

"Pabayaan mo na yun Vince. Sa totoo nga eh siya yung nawalan, hindi ikaw. Alam mo, lolokohin lang talaga siya ng Bryan na yun!" - Andrea

Ngumiti na lang ako. Alam kong pinapagaan lang nila ang pakiramdam ko kaso ewan. Di ko maipaliwanag.

"Alam mo, ikain mo na lang yan! Mabubusog ka pa! Tingnan mo nga yang katawan mo, buto't balat na lang." -Mae

"Loko ka talaga! Akin nga nga yang hotdog!" at inagaw ko ang hotdog na hawak niya at kinain ito.

Nag usap lang kami ng mga kagaguhan pero kahit ganun, di pa rin siya nawawala sa isip ko.


-Star24-

It All Started With a Joke (Lesbian Love Story) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon