Wrong Move

2.3K 40 0
                                    

Vince’s POV

Nagising ako ng maaga. 6 o’clock pa. Naghanda na agad ako kasi magsisimba ulet kami ni mama.

Nagsimba kaming apat. Himala kasi di busy si Dad ngayong araw pero sabi niya, aalis din siya mamayang tanghali. Si kuya naman, ewan ko kung bat naisipan niyang magsimba. Natauhan na siguro.

~~~~FAST FORWARD~~~~

Tapos na kaming magsimba. Nagpaalam ako kay Mom na pupunta muna ako sa mall. Boring kasi sa bahay.

~~~FAST FORWARD~~~

Nasa mall na ako. Naglibot libot lang. Tinext ko sila Andrea at Mae para naman may kasama ako. Di sana pupunta si Mae pero sinabi ko na manlilibre ako. Kaya pumayag agad. Ang PG talaga ng babaeng yun -.-

30 mins. na akong naghintay dito sa mall pero wala pa rin sila. Lakad lang ako ng lakad hanggang may nakita akong stall na may tindang mga necklace. Ang cute ng mga pendant ng necklace nila dito. May mga butterfly, letters at kung ano ano pa. May nakita akong heart. Maganda ang design nito. Sobrang unique. Bagay na bagay sa kanya. :) kilala niyo na kung sino siya. Gusto kong ibigay sa kanya to kaso baka magtaka siya. Sasabihin ko na lang na para yun sa pagtulong sa akin. Pero parang ang luma na nun -.- Nung nakaraang araw pa yun taz nalibre ko na siya. Ah basta, ibibigay ko to sa kanya. Bahala na.

Matapos ang isang oras na paghihintay ay dumating na ang mga loko. Gutom na gutom na ako kaya napagdesisyonan naming dumiretso na sa Jollibee. May bibilhin daw kasi si Andrea, magpapasama rin siya.

Nag order si Mae. Siya na pinaorder ko. Tutal, libre naman kaya siya na bahala sa anong gusto niyang iorder. Binigyan ko lang siya ng pera.

Kami ni Andrea ang naghanap ng table. Nasa dulo ang table na napili niya. Umupo na kami.

“Huy!” tawag niya. Iba ang tingin niya sa akin ngayon. Parang nagtataka na nagagalit.

“Oh? Bakit best?”

“I smell something fishy kahapon. I was really bothered.”

“About what?”

“About your relationship with Queen. Napansin ko nung lumabas ka ng kwarto mo,  may hinahanap agad yang mga mata mo. And I knew that she was the one you’re looking because you smiled when you saw her.”

“Was that really obvious?”

“Vince, I know you since we were grade school.” Nagsmirk siya.

Hindi ako nagsalita. Wala talaga akong matago sa dalawang to. She broke the silence.

“Aminin mo na. Mahal mo na siya kaya ka nagkakaganyan. Alam ko na din na araw-araw kayong magkatext.”

“Oo na Drey. Mahal na mahal ko na siya ngayon. Gusto kong sabihin sa kanya yun kaso natatakot ako.”

“Kung mahal mo, matuto kang lumaban. Kesa pagsisihan mo sa huli ang di mo pag amin. Wag mo isipin ang mga mangyayari kapag inamin mo na sa kanya. Ang mahalaga, masabi mo ang totoo. Nasa kanya na yan kung lalayuan ka niya. Kapag nilayuan ka niya, tandaan mo, siya ang nawalan, hindi ikaw.”

“Mauulit na naman ba ang nangyari noon?” yumuko ako. Naisip ko na naman ang katangahan na nagawa ko noon kay Nath.

“Sus Vince. Iba si Queen. Alam kong may pag asa ka nun. Wala namang nanliligaw dun kaya wala kang kalaban. Sige na. Susuportahan kita. Nandito lang kami ni Mae para tulungan ka.” Ngumiti siya sa akin.

“oy? Bat narinig ko pangalan ko?” dumating na si Mae na dala ang mga inorder naming pagkain. Umupo siya sa tabi ko.

“Wala! Ang sabi ko, ang patay gutom mo kasi halos maubos ang 500 ni Vince ng dahil lang sa order mo.” sabi ni Andrea

It All Started With a Joke (Lesbian Love Story) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon