Vince’s POV
1 week after
Nagpatuloy lang ang awkwardness namin sa school. Nag uusap lang kami kapag may itatanong siya o kaya naman babatiin ako. Pagkatapos ng klase, sabay kaming uuwi pero wala pa ring kibuan. Taz pagsakay ko ng jeep, dun siya magtetext. Ang sweet namin sa text. Talo pa naming ang mag asawa. Pero bakit iniiwasan niya ako sa school? Hays! Ang labo naman ng relasyon namin. Oo, may commitment nga kami sa isa’t isa pero hindi yun sapat para maramdaman ko ang pagmamahal niya. Gusto ko lagi kaming magkasama at magkausap. Gusto ko iparamdam sa kanya kung gano ko siya kamahal pero pano ko gagawin yun kung lagi siyang lumalayo sa akin.
Nasabi ko kay Mae ang lahat lahat. Sabi niya iintindihin ko lang daw si Queen. Mataas position niya at baka masira raw kung malalaman ng mga teachers ang relasyon namin. Sinunod ko ang sinabi niya. Inintindi ko siya. Ngunit dumating ang araw na hindi ko na talaga matiis. Gusto kong maliwanagan ako. Gusto kong malaman ang totoo. Gusto ko marinig mula sa bibig niya ang mga dahilan ng pag iwas niya.
Sabay kaming uuwi. Naglalakad lang kami at wala pa ring umiimik. I broke the silence.
“Ano ba tayo ngayon?”
“Ano?”
“Ang sabi ko, ano ba tayo ngayon?”
“Magjowa.”
“Sa palagay mo, ganito ba ang magjowa?”
“Anong ibig sabihin mo Vince?” hinila ko siya sa may bench.
“Queen, ano ba? Nalilito na ako. Oo, ang sweet natin . Pero sa text lang yun. Todo pa ang pag iwas mo sa akin dito sa school. May mali ba? Mali ba ang relasyon natin? Pinagsisihan mo ba ang pagsagot sa akin? Sabihin mo lang kasi nagugulohan na talaga ako.”
“Vince, wag kang magsabi ng ganyan. Hindi ko pinagsisihan ang pagsagot sayo. Sa totoo lang, yun ang napakagandang desisyon na nagawa ko sa buong buhay ko. Pero Vince, hindi mo ko maiintindihan.”
“Paano ko maiintindihan kung hindi mo sasabihin?!” lumakas ng kaunti ang boses ko. Nadudurog na kasi ang puso ko.
“Vince, mahal kita. Sobra. Patawad kung iniiwasan kita lagi. Ayoko lang kasing …..” huminto siya at yumuko.
“Ano? Sabihin mo.”
“Masira ang pagtingin sa atin ng mga tao sa atin. Honor student ka kaya dapat maayos ang paningin ng mga tao sayo. At Vince, alam mo naman ang position ko dito sa school natin.” Nakayuko pa rin siya.
Naawa ako sa kanya. Naintindihan ko na. Gusto niya lang protektahan ang image namin. Pero bat parang may nararamdaman pa rin akong sakit.
Tinaas ko ang ulo niya gamit ang dalawa kong kamay. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya. Tiningnan ko ang mabilog niyang mga mata. Naiiyak siya. May bumubuong luha sa gilid ng mga mata niya. Ngumiti ako at inilapit ko ang mukha ko sa kanya.
“Tama na. Naiintindihan kita. Gusto ko lang naman malaman ang dahilan. Pakiramdam ko kasi parang ayaw mo kong makausap.” Tiningnan niya ako.
“Sorry tlga Vince. Pangako, kakausapin na kita palagi at hinding hindi na kita iiwasan.”
“Paano yung position mo?”
“Mas importante ka Vince. Mas importante ang anong meron tayo. Kaya kong isakripisyo ang lahat wag ka lang makitang malungkot. Sorry tlga.” Niyakap niya ako at niyakap ko rin siya.
Simula nung araw na yun, naging mas komportable kami sa isa’t isa. Lagi kaming nagkekwentuhan sa school kapag vacant at wala siyang ginagawa. Close na kami. Nagtaka nga ang mga kaklase naming kung bat biglaan daw ang pagkaclose namin. Nga pala, hanggang ngayon si Andrea, Mae at Matt pa lang ang nakakaalam sa relasyon namin. Sabi ni Queen na itatago raw muna namin.
“Babe!”
“Shh! Hinaan mo lang. Ano?”
“May itatanong ako sayo. Matalino ka naman, baka masasagot mo to.” Ngumiti ako sa kanya
“Ano yun?”
“Alam mo ba kung gaano kalayo ang Earth sa Moon?”
“Di ko alam babe eh!”
“Eto na lang. Mamayang gabi. Bilangin mo lahat ng makikita mong stars sa langit.”
“Ang hirap naman babe eh! At masakit kaya yun sa leeg.”
“Sige na. Please?” *puppy eyes*
“Oo na. Idadaan pa naman ako sa pagpapacute. :3 Pero para saan?”
“Basta!!! Gawin mo lang.” Ngumiti ako sa kanya ng wagas.
“Sige na nga lang. Pasalamat ka, malakas ka saken. :3”
Queen’s POV
Pag uwi ko sa bahay. Tinext ko kaagad si Vince. Namiss ko lang agad ang kakulitan niya. :) Pero para saan kaya yung pinapagawa niya sa akin? Ang hirap kaya magbilang ng mga bituin taz sobrang maliliit pa. Sus, kung di ko lang tlga yun mahal, tinanggihan ko na yun.
Eksaktong 8 o’clock ay lumabas ako sa kwarto ko at pumunta sa terrace. May garden kami at medyo may maliit siyang space. Nilapag ko yung comforter sa lupa para makapwesto ako ng maayos. Binibilang ko ang mga bituin pero nahihirapan ako. Nakakalimutan ko kasi kung saan ako nagsimula. Taz may maliliit bang bituin. Paulit ulit akong nagsimula hanggang sa napagod na ako. Di ko kaya. Magsosorry na lang ako sa kanya.
“Babe?”
“Yes babe? Nabilang mo na? :)”
“Hindi eh! Nalilito kasi ako. Nakakalimutan ko lagi kung saan ako nagsimula taz minsan may mga maliliit na stars na biglang magaappear. Sorry talaga. :(“
“Don’t worry. Im not mad :)”
“Sure?”
“Yeah. Alam mo kung bakit kita pinabilang ng mga stars? :)”
“Itatanong ko na sana. Bakit pala babe?”
“Because I love you more than the number of stars in the sky. I love you more than the distance of the earth and the moon and back. I love you more than everything babe. Please always remember that. And I want to be with you for the rest of my life.”
“I so love you too babe. :’) Naiiyak ako.”
“Bakit?”
“Cause I’ve never dreamed of someone to be like that to me. Akala ko walang magmamahal sa akin ng sobra.”
“Bat naman walang magmamahal sayo? You’re so special and you deserved to be loved so much more.”
“I love you babe! <3”
“I love you more! <3”
Sh*t! Laglag panty ako sa lahat ng sinabi niya. Nakakakilig lang kasi :’> Ang swerte ko lang tlga sa kanya. Hindi lang pala swerte, NAPAKASWERTE! :’) Ngayon ko lang naramdaman ang pagmamahal na sobra sobra dahil sa kanya. Feeling ko lagi special ako at safe ako kapag nandyan siya sa tabi ko.
Nag good night na kami sa isa’t isa at natulog na :)
Hiiii readers! :D Add niyo naman si Vince Eli Rodriquez sa fb ;) accept ko kayo agad kasi lab na lab ko kayo ;)
-Star24-
BINABASA MO ANG
It All Started With a Joke (Lesbian Love Story) ON HOLD
RomancePano kung nagsimula lang kayo sa isang biro? Yung bang biglaan lang ang pagdating niya sa buhay mo. At dahil diyan, natatakot kang BIGLAAN din ang pagkawala niya sa buhay mo. Si Vince Eli Rodriguez ay isang karaniwang high school student. Simple lan...