Monthsary (Part 2)

2.1K 36 0
                                    

Vince’s POV

Naku naman! 10:15 na! Nasa entrance pa ako ng park. Eh kasi naman may tangang driver na nagovertake. Ayun, nabangga ng isa pang kotse taz naapektuhan na lahat ng daanan. Hays! Ang malas naman!

Tinext ko si Queen kung saan na siya. Nak ng! Expire na ako! Naalala ko bigla ang panaginip ko. Hindi pwede. Hindi yun pwedeng mangyari. Kinabahan ulit ako. Ano ba Vince?! Panaginip lang yun. Wag masyadong madala. Hinanap ko siya. Inalala ko ang lugar kung saan ko sila nakita ni Matt. Agad akong tumakbo papunta dun.

Nang lumiko ako, nakita ko agad siya. Nakaupo siya sa kubo habang hinihintay ako. Mabuti naman! Napawi ang lahat ng kaba na nararamdaman ko kanina. Lumakad ako patungo sa kanya. Ngumiti ako at ngumiti siya :) Tumayo siya para salubungin ako. Ang ganda niya ngayon. Nakadress siya na kulay pink. Ang cute niyang tingnan. Parang nakakita ako ng dyosang sobraaaang cute. Hays! Nakakainlab siya lalo. Ang sweet niya kasing ngumiti at yung mga mata, ang ganda lang :)

Nung nakalapit na ako sa kanya, binigay ko sa kanya ang stuff toy na pooh.

“Yang stuff toy na yan ang nagpapaalala sa akin ng lahat ng mga kakyutan mo.” Inabot ko na ang mga chocolates na dala ko.

“ Yan naman ang nagpapaalala sa akin kung gano ka kasweet at maalaga sa akin simula pa nung una.” And lastly, ang rosas na hawak ko.

“At ang mga rosas na yan, nagsisimbulo ng pag ibig kasi dahil sayo, naramdaman ko ang sinasabi nilang wagas at tunay na pag ibig. ADVANCE HAPPY MONTHSARY BABE! MAHAL NA MAHAL KITA!!!”. At niyakap ko siya ng sobrang higpit. Naamoy ko ang nakakaadik niyang amoy. Ang bango niya. Parang amoy ng mga sariwang bulaklak. Nakaramdam rin ako ng init habang nakayakap siya sa akin. Parang gusto kong lagi kaming ganito. Tumagal ang yakapan namin ng halos 5 minuto.

“Thank you babe! Happy Monthsary rin! Da best ka tlga!” nakita ko siyang nagblush. Ang cute lang ng mahal ko. Umupo ako sa tabi niya.

“Wala bang kiss diyan?”

“Sus! Wala pa! Bata pa tayo, ok?” Ngumiti lang siya sa akin. Badtrip naman :3

“Ayyy.” Yumuko ako. Kasi naman eh. Wala naman sigurong masama kung halikan niya ako. Magsyota naman kami eh.

Bigla niyang inangat ang ulo ko at hinalikan niya ako sa ..

. .

. . .

. . . .

. . . . .

. . . . . .

Syempre sa cheeks lang. Pero tinagalan niya. Yaaay!! Nguminig ang buong katawan ko. :’>

“Ayan na ah! Cheeks lang muna babe.”

“Pwedeng isa pa?” Nag puppy eyes ako :3

“Ikaw ah! Tama na yun! Baka kasi masanay ka.”

“Eh di masanay kung masanay!”

“Kaw tlga! Halika nga!” at hinalikan niya ako ulit sa cheeks sabay yakap.

Nagkwentuhan kami habang naglalakad sa park. Hawak ko ang lahat ng mga pinamili ko para sa kanya at siya naman, turo ng turo kung saan niya gustong pumunta. Hinahawakan ko minsan ang mga kamay niya. Pero saglit lang kasi binibitiwan niya. Alam ko naman kung bakit niya yun ginagawa. Ayaw niya lang na may makakita na nakakakilala sa amin. Pero ayos lang. Ang importante, nandito sya at kasama ko.

Nagpatuloy lang kami sa ginagawa namin. Kwentuhan, selfie dito, selfie doon, kulitan, asaran at iba’t iba pa. Ang kulit niya tlgang kasama. Wlang oras na mabobored ka kasi palaging may topic.

It All Started With a Joke (Lesbian Love Story) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon