Vince’s POV
Di ko maisip na ganun pala kasungit si Queen. Isip bata kasi taz ang inosente pang tingnan. Ang hirap ding suyuin. Di na dapat ako gagawa ng kalokohan sa kanya.
Nasa bahay na ako. Kumain at pagkatapos, tumungo na sa kwarto. Humiga na muna ako para mag isip. Wala din kasing assignment.
Nga pala, malapit na birthday ko. Sa Sabado na pala. February 14. Oo readers, Valentine’s day kaya nga sweet ako ;)
Ano kaya gagawin ko niyan? Hmm, siguro magpapahanda lang si Mom. As usual, lahat ng relatives ko, pupunta. Imbitahin ko sila Mae at Andrea pra masaya. Hmm, iinvite ko kaya si Queen? Baka sungitan ako ulit nun. Pero baka naman hindi. Ah bahala na. Sasabihan ko na lang siya na pumunta. Bahala na kung di siya pupunta.
Natulog na ako kasi dinalaw na ng antok. Gnight!
Queen’s POV
~~Ring Ring Ring Ring~ (tunog po yan ng alarm clock)
5:30 na, kailangan ko ng maghanda. Tiningnan ko muna phone ko kasi baka may nagmahal, este nagtext. Walang nagtext. Tsk. Tiningnan ko yung calendar kasi baka may mag birthday. Ganyan ako eh, nilalagay ko sa calendar ang birthday ng bawat kaibigan ko para naman makagreet ako. Ang baet kong kaibigan nuh? :)
Nakita ko pangalan ni Vince sa February 14. Nga pala, valentine’s day birthday ni engot. Sa Sabado na pala.
Tumayo na ako at naghanda na.
Vince’s POV
~~~Ring Ring Ring Ring ~~ (tunog ulet yan ng alarm clock)
Syet! Ang ingay! Arggh! Pinatay ko muna ang alarm at natulog ulet.
--------------------------------------
Hmmmm!!! Sarap ng tulog ko :) Nag inat ako at tiningnan ang alarm clock. Punyeta! 7:00 na! Taz one hour pa ang biyahe papuntang school. Naku naman! -.-
Naghanda na ako. Bumati si Mom sa akin kaso di ko na pinansin kasi late na late ako.
“Eli! Ihahatid ka na ng kuya mo. Sabay na daw kayo.”
Buti naman naisipan ni kuya yan.
“Ohcge mom! Pakisabi kay kuya na maghintay siya. Madali lang naman ako.” Pumasok na ako sa bathroom at naligo.
7:30 na nang matapos ko lahat ng dapat kong gawin. Late na naman ako. Tsk.
Nakarating na ako sa school. Tumakbo ako sa room ko. Dahan dahan kong tiningnan ang room namin. Buti na lang wala si Maam Riche. Pero may binigay daw siyang seat work.
Pumasok na ako sa room. Tumabi ako kay Mae.
“Late ka na naman. Ano? Wala pa ring inspirasyon?” sabi ni Mae
“Eh ano pa ba?” poker face kong sagot.
“Sus! Wala daw. “ sumingit bigla si Andrea.
“Oy teka! Ano ibig sabihin nun?” pagtataka kong tanong kasi ko siya naintindihan
“Sus Vince Eli Rodriguez, kilala kita.” sabi ni Andrea.Huh? di ko tlga maintindihan eh.
“Ano ba pinagsasabi niyo?”
“Ano yung nalaman namin na Gf mo si Queen?” ha? kelan ko ba siya naging GF?
“Hala! Sino nagsabi niyan?”
“Sus payat! Kalat na yan ngayon sa classsrom! Babe pa nga tawagan niyo eh!” sabi ni Mae
Tumawa ako nang malakas. Uto uto din pala kaibigan ko.
“ULOL! Di yun totoo. Pinagpanggap ko lang siya kasi may nanligaw sa akin na lalaki. Sinabihan ko yung lalaki na lesbian ako. Taz nanghingi ng proof kaya siya ginawa kong proof.”
“ah ganun ba. Kala ko naman totoo eh!” sabi ni Andrea
“Pero parang gusto ko tong ipagpatuloy” ngumiti ako sa kanila.
“Hoy hoy hoy Vince! Anong pagpatuloy? Tigilan mo nga yan.” sabi ni Mae
“Sige na guys! Magpapanggap lang kami. Tutal ayoko din namang magkarelasyon so eto muna palusot ko.”
“Baka magkadevelopan kayo. Bahala ka nga dyan Vince.” sabi ni Andrea
“Sus! Hindi yan Drea. Pustahan pa tayo.”
“Sige ba! Basta wag kang lalapit sa amin ah kapag nahulog ka na sa kanya.”
“Oo naman. Basta ilihim niyo lang.” Ngumiti lang ako sa kanila at gumawa na kami ng seatwork namin.
Pagkatapos gumawa ng seatwork, nagrecess kami. Nilapitan ko si Queen.
“Queen, kalat na daw yung issue about sa ating dalawa. May sinabihan ka ba?”
“Ah oo. Si Louise.”
“Sinabi mo bang nagpapanggap lang tayo?”
“Oo naman.”
Ngumiti ako sa kanya.
“Queen”
“Bakit?”
“Pde bang ipagpatuloy natin yung pagpapanggap natin?”
“Bakit naman?”
“Ayoko kasing may manligaw sa akin. Palusot ko lang. Gusto ko single ako hanggang matapos ko ang high school. Ayos lang ba yun sayo?”
“Ako rin naman. Cge! Game :)” ngumiti siya sa akin. Ngumiti na rin ako at bumalik na sa upuan ko.
Nagklase na kami. Yun na ginawa ko.Yung karaniwang ginagawa ng isang estudyante. Pagkatapos ng buong araw na nasa school. Umuwi na ako.
Isang oras ang byahe pauwi sa amin kaya nabored ako. Itetext ko muna si Queen. Hala teka! Bat si Queen? Ano ba yan Vince -.- Hmm, itetext ko muna si Mae at Andrea.
“Mga loko, punta kayo sa birthday ko ngayong sabado ah”, sinend ko yan sa kanilang dalawa.
“Birthday mo pala ngayong sabado?”, text ni Mae. Langya talaga tung babae na to.
“Ewan ko sayo. Wag ka na pumunta. Marami pa naman kaming handa”
“Uy! Eto naman di mabiro. Pupunta ako. Advance Happy Birthday! :)” sus, pupunta ka lang dahil sa pagkain.
Di na ako nagreply. Ilang minuto nun, nagtext si Andrea.
“Advance Happy Birthday! Pupunta ako.”
“Salamat Drey! ^.^”
Di na siya nagreply. Hmm, itext ko kaya si Queen. Baka makapunta yun.
“Babe?”
“Oh?”
“May sasabihin ako sayo. Importanteng importante.”
“Ano yun?”
“MAHAL KITA …….”
pero syempre joke lang yun xD
“Punta ka sa bahay ngayong Sabado. Birthday ko kasi at may konteng handaan kami.”
“Sige Vince. Libre naman ako niyan. ADVANCE HAPPY BIRTHDAY! :*”
“Salamat! :* aasahan kita ah! ;)”
“Oh cge! :)"
Di na ako nagreply. Nakaabot na din kasi sa bahay. Pagdating ko, kumain lang ng dinner at pumasok na sa kwarto at natulog agad.
End of Chapter
Mahaba habang UD
Sa lahat ng mga kaklase ko, nilagyan ko po ng twist ang story namin. J
To My Special Someone: Hi Babe!!! J I love you!!! J)))
-Star24-
BINABASA MO ANG
It All Started With a Joke (Lesbian Love Story) ON HOLD
RomancePano kung nagsimula lang kayo sa isang biro? Yung bang biglaan lang ang pagdating niya sa buhay mo. At dahil diyan, natatakot kang BIGLAAN din ang pagkawala niya sa buhay mo. Si Vince Eli Rodriguez ay isang karaniwang high school student. Simple lan...