Vince POV
*Calling ……*
“Vince! ;(
“Oh? Bakit?”
“Puntahan mo ko dito sa park. Hinang hina na ako. Di ko kayang maglakad ng mag isa.”
“Ano?! Ano bang nangyari sayo?”
“Iniwan niya na ako. Vince! Di ko na kaya. Nahihirapan na akong huminga. Please. Puntahan mo na ako.”
“Papunta na ako. Hintayin mo ko at wag kang aalis diyan.”
Naman oh! Ano na naman ba nangyari dun sa babaeng yun? 11 o’clock na at inaantok na ako. Pero kailangan ko siyang puntahan baka mapano yun. Hays.
Nagbihis lang ako at bumaba na. Tulog na sila Mom kaya di nila mahahalata na aalis ako. Kinuha ko kaagad ang susi sa motor ni kuya. Buti na lang at naiwan niya dito sa sofa. Dali dali akong lumabas at pinaandar ang motor. Nakahelmet lang ako at wala akong dalang lisensya. Eh pano ba ako magkakalisensya eh 2nd year pa ako. Wala naman sigurong pulis kaya pinaharurot ko ang motor.
Nang makarating na ako sa park, hinanap ko agad siya. Pinuntahan ko na lahat ng pwede niyang puntahan kaso di ko pa rin siya makita kaya tinawagan ko na siya.
“Huy! San ka ba?”
“Puntahan mo ko dito sa pond.”
“Ohsige. Papunta na ako.”
Ano kayang naisip ng babaeng to at sa fish pond pa tumambay. Siguradong madilim na doon. Di na rin yun binibisita ng mga tao kasi kakaunti na lang ang mga isda dun at hindi na rin masyadong malinis. Hay! Bahala na nga!
Nang nakarating na ako sa fish pond, nakikita ko siyang tumitingin sa mga isda. Lumapit agad ako.
“Ano bang ginagawa mo dito? Alam mo bang maghahating gabi na?!”
“Wag mo naman ako pagalitan Vince oh.”
Tumahimik ako. Nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya. Pero bakit? Ano ba talagang nangyari sa kanya? Hinawakan niya bigla ang kaliwa kong kamay.
“Samahan mo muna ako.”
Di na ako umimik. Alam kong gusto niya lang ng kasama. Wala naman sigurong masama kung sasamahan ko siya. Tutal, kaibigan ko lang naman siya.
Umupo kami sa bench at hanggang ngayon, hawak niya pa rin ang kamay ko.
“Ano ba kasi ang nangyari?”
“Nakipagbreak siya sa akin kanina. Sabi niya may iba na siya. 2 months na daw silang mag On. Ngayon niya lang sinabi kasi natatakot siyang lumala ang sakit ko.”
“Ano bang sakit mo?”
“May sakit ako sa puso Vince kaya hindi ako pwedeng masaktan. Kaya nga nagtataka ako kung bat kausap pa kita ngayon.” Ngumiti siya kahit naluluha na.
“PUTAINANG MOKONG YUN! HINDI NIYA ALAM KUNG ANONG SINAYANG NIYA! HALIKA! PUNTAHAN NATIN YUNG GAGONG YUN AT IPAPATIKIM KO SA KANYA KUNG ANONG NARARAPAT PARA SA ISANG PESTENG KATULAD NIYA!”
“Ayos lang ako Vince. Hayaan mo na siya. Di ko na siya pipilitin na mahalin ako ulit. Samahan mo lang ako dito. Magiging ok lang ako.”
Sumandal siya sa akin. Natahimik kami bigla. Napansin ko na hanggang ngayon, di pa niya binibitawan ang kamay ko. Ilang minuto lang ay nakatulog na siya. Lumalamig na din kaya tinanggal ko ang jacket na suot ko at isinuot ko to sa kanya. Biglang nagvibrate ang phone ko. Alas dose na pala. Binasa ko ang message.
“HAPPY 1ST MONTHSARY BABE KO! THANK YOU SO MUCH SA TIME AND EFFORT MO KANINA! I LOVE YOU SO MUCH! SANA MAGTAGAL TAYO HANGGANG FOREVER :’> WAG KA MANGCHICKS AH! AKIN KA LANG! MUUUUAAAH :*”
-Star 24
![](https://img.wattpad.com/cover/14420036-288-k187998.jpg)
BINABASA MO ANG
It All Started With a Joke (Lesbian Love Story) ON HOLD
RomancePano kung nagsimula lang kayo sa isang biro? Yung bang biglaan lang ang pagdating niya sa buhay mo. At dahil diyan, natatakot kang BIGLAAN din ang pagkawala niya sa buhay mo. Si Vince Eli Rodriguez ay isang karaniwang high school student. Simple lan...