The Feeling Is Mutual

2.4K 47 2
                                    

Vince’s POV

February 13

Simula nung nagpanggap kami ni Queen ay araw-araw ko na siyang katext. Pag gising sa umaga, papunta sa school, pag uwi sa school at pagtulog. Nakakatuwa kasing katext. Di kami nauubusan ng topic. Ket ano pinag usapan namin. Mula sa mga crush niya noong elementary hanggang sa unang anak ng aso nila. Ayos nuh? xD

Minsan nagkukulitan kami. Marami na rin akong nasabing pick up lines sa kanya gaya ng ….

“Babe, kumain ka na :)” sabi niya.

“Ayoko.”

“Bakit naman? :(”

“Busog na kasi ako sa pagmamahal mo ;)”

“Suuuuus :”> ang corny mo! Kumain ka na nga :P”

Meron pang …..

“Babe, ano nga kasunod ng ASAP :)?”

“Luv U”

“Luv U too ;)”

“Achichi :’>”

Last na ….

“Alam mo para kang hangin. :)”

“Bakit? :)”

“Di kasi ako mabubuhay kapag wala ka. ;)”

“Suus! Tama na nga yan!”

“Bakit? :/”

“Baka kasi mahulog na ako sayo :3”

“Wag kang mag alala. Sasaluhin kita ;)”

Ganyan lang kami. Puro biro. Pero minsan, may iba na akong nararamdaman sa kanya. Nasanay na akong magtext sa kanya araw-araw.  Ewan ko ba kung bakit pero nagtatampo ako kapag di siya nagtetext o kaya busy siya.  Naiinis rin ako sa kanya kapag may iba siyang katext kgaya ngayon.

“Babe?”

~~~After 15 mins~~~

“SLR. May tinext lang.”

“Sino?”

“Classmate ko noon. Nagtanong lang kung kelan ulet reunion namin.”

“Tapos?”

“Nangumusta din siya.”

“Ah. Kaya ba matagal kang nagreply?”

“Opo babe.”

“K.”

“Hmph? o_O”

“Oh?”

“Galit ka?”

“Di ah!”

“Galit ka eh! :(”

“Eh di galit na.”

“Bakit naman?”

“Wala to. Hayaan mo ko.”

“Ano bang nangyari sayo?”

Di ko na siya nireplayan. Tawag siya nang tawag. Di ko sinasagot kasi nga naiinis ako. Nakakabwisit. Eh di sige, itext na niya yung iba. Di man lang nagsabi na may katext pala siyang iba. Eh bat ba niya sasabihin na may katext siyang iba? Ang tanga mo Vince! Kaibigan mo lang yan, KAIBIGAN LANG.

Oo readers. Nadedevelop na ako sa kanya. Hinahanap ko lagi siya sa school. Gusto ko na siya ang una kong makita pagdating ko. Sinusulyapan ko siya lagi. Ewan ko kung napapansin niya pero may isang beses na nahuli niya akong nakatingin sa kanya. Nagkunwari na lang ako na may tinitingnang iba para di masyadong halata.

It All Started With a Joke (Lesbian Love Story) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon