Confessions of a Torpe

2.2K 42 6
                                    

February 24

Vince’s POV

Hanggang ngayon, di ko pa nasasabi kay Queen ang lahat. Di ko pa rin naibigay ang necklace na ibinili ko. Hinahawakan ko ito ngayon. Kailangan ko na mag ipon ng lakas ng loob. Kailangan ko ng masabi sa kanya. Di ko na hahayaan na pigilan ako ng utak ko. Gagawin ko na. Ayokong ng magsayang ng oras. Di ako uuwi kapag hindi ko pa nasabi sa kanya. Pangako ko yan sa sarili ko.

Nasa school na ako. Eksaktong 7 o’clock pa. Ilang minuto lang ay dumating na siya. Binati ko siya at sinabayaan ko na rin ng isang matamis na ngiti. Ngumiti din siya sa akin. Lumapit na  ako sa kanya. Inhale, exhale …..

“ah Queen.”

“Po?”

“May sasabihin ako sayo mamaya.”

“Anong oras? Baka mabusy ako mamaya kasi ihahanda ko pa yung mga gamit para sa Reading of Honors natin bukas.”

“Ayos lang. Hihintayin lang kitang matapos.”

“Sa lunch na lang kaya?”

“Ah wag muna!” napalakas ang boses ko kasi kinakabahan ako. Sa lunch? Di pa ako ready niyan.

Tumawa siya bigla -.-

“Wag kang sumigaw. Di ako bingi.”

“Ah eh sorry. Pero mamayang uwian ko na sasabihin sayo. Tutulungan na lang din kita para matapos mo agad.”

“Sige Vince. Salamat ah.”

Dumating na yung mga kaklase namin kaya bumalik na ako sa upuan ko. Dumating na rin si Mae at Andrea kaya kinausap ko.

“Mga loko, magtatapat na ako sa kanya mamaya.”

“Sure na ba talaga yan? Baka naman uurong ulit yang dila mo.” sabi ni Andrea.

“Sure na ako neto. Pinangako ko sa sarili ko na kung hindi ko masabi sa kanya ngayon, ititigil ko na ang mga kalokohan ko. Sinabihan ko na rin siya kanina na kakausapin ko siya mamayang uwian.”

“Ayos ah! Go lang ng go brad!” sabi ni Mae

“Tulungan niyo ako ah.”

“Pano?”

“Moral Support lang.” ngumiti lang ako sa kanila.

Dumating na rin si Maam Riche at nagsimula na ang klase.

~~~FAST FORWARD~~~

“Queen. Matagal na kitang gusto. Simula pa nung nagpanggap tayo. Ewan ko pero biglaan ang pagkahulog ko sayo. Madali ka kasing mahalin. At ngayon, sasabihin ko sayo. Mahal na mahal na mahal kita. Wag ka sanang lumayo sa akin pagkatapos nito. Takot akong mawala ka sa buhay ko.”

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

-

“ANG CORNY MO BESH!!! HAHAHAHA!” tumawa lang sina Andrea at Mae.

It All Started With a Joke (Lesbian Love Story) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon