Preparation

2.1K 34 9
                                    

Queen's POV

"Sis! Magready ka na!" sabay palo sa braso ko. Nakahiga lang ako at nagfefacebook sa phone ko.

"Hmm, mamaya na sis. 10 pa naman eh. Saglit lang." at pinagpatuloy ko ang pagscroll sa news feed ko.

"Sis, mayayaman ang nandun kaya di pwedeng malate tayo."

"Di naman tayo ang mga VIP dun eh." Nagbuntong hininga ako. Pano kasi? Di pa nagrereply si Vince. Ang sabi niya kakain lang siya.

"Alam mo. Wag mo ng alalahanin yang prince charming mo. Baka may importante yang ginagawa."

"Pwede naman siyang magpaalam sis. Isang text lang naman kailangan ko eh. At tska, mas importante ba tlga yung ggwin niya kesa sa akin?"

"Ewan ko sayo sis! Buti pa, maghanda na tayo. Pipili pa tayo ng dress para sa party. Nakahanda na yun sa kwarto ko. At! MAGPAPASALON pa tayo. Para naman di ka magmukhang ewan."

Nabuhayan ako sa sinabi niyang "magpapasalon". Matagal na kasi akong di nakapagrelax.

Nga pala, etong pinsan ko na to, heiress lang naman siya ng kompanyang tinayo ng Daddy niya. Ella Jane Sy ang tunay niyang pangalan. Medyo spoiled kasi only child. Lahat ng gusto niya, nakukuha niya agad. Ang mommy niya na kapatid ng Mama ko ay namayapa na nung siya'y 3 years old pa lang dahil sa lung cancer. Kaya eto, dahil lagi siyang walang kasama bukod sa poodle niya, sinasamahan ko na lang dito sa malaki nilang mansyon Nakasanayan ko na lang din na tumambay dito.

At ngayon, pupunta kami sa isang party. Ewan ko kung anong party basta sabi niya sasamahan ko lng siya. Pumayag na lamang ako kesa magmukmok ako dun sa bahay sa kakaisip kay Vince.

"Sis! Maligo ka na. Ang baho mo na kasi. Naamoy ko na anghit ng kilikili mo." Nilagay niya ang isang daliri niya sa ibaba ng ilong niya na nagmimistulang nandidiri saken.

"Anong sabi mo?!" Lumapit ako sa kanya at itinaas ang mga kamay ko. "POWER HUG SIS!!!!"

"Yaaaaks siiis! Aliiiiis!" Pinipilit niyang alisin ang mga braso ko kaso malakas ako.

"HAHAHA! Ulitin mo nga!"

"AMBAHO MO!!!!! Ewwww!! DONT LET YOUR FREAKING BODY TOUCH MY PRECIOUS SKIN!" Hahaha. Tinigil ko na ang pang aasar ko sa kanya. Alam kong galit na siya pag nag eenglish na.

"Eto naman. Di mabiro. Maliligo na nga." Kinuha ko na ang towel at panligo ko. Bago ako pumasok sa bathroom, nagsalita siya.

"Sis! Maghahanda na rin ako ah. Puntahan mo lang ako sa room ko kung may kailangan ka."

Di na ako sumagot. Silence means yes naman eh.

Pagpasok ko sa bathroom, namangha ako sa laki nito. Parang makakasya ang sampung tao na naka arms forward. Grabe! Ang yaman talaga nila. Nakalimutan kong sabihin, kwarto pala ito ng magiging kapatid sana ni Ella. Gusto kasi ng dad niya na dalawa sila kaso di na nila nagawa. Bale nagpagawa na agad sila ng isang kwarto para sa bunso pagkatapos masilang ni Ella. Para na nga akong ampon eh ksi dito ako minsan natutulog at tinuturing na din akong anak ni Tito Gil.

Ginawa ko lang ang mga rituals ko. Pagkatapos nito, pumunta agad ako sa sala para hintayin si Ella na matapos. Ilang minuto lang ay natapos na rin siya.

"Sis! Halika na! Pili na tayo!" Nakita ko siya sa hagdan. Nagmadali naman ako. Naeexcite kasi ako sa mga dresses.

Pagpasok ko sa kwarto, O.O ganito lang ang mga mata ko. Ang raming dress. Siguro mga 20 to 25. Iba't ibang mga designs at colors. GRABE!! Gusto kong suotin lahat!

"Oh sis? Bat ka tulala? Halika na! Baka malate pa tayo!" Nagising ako sa pagpapantasya sa sinabi niya. Lumapit agad siya sa nakahilerang mga dress.

It All Started With a Joke (Lesbian Love Story) ON HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon