Matty’s POV
Heyo! :) Im Bricks Matty Chua. You can call me Mat-mat or Matty. I’m a half Filipino and half Chinese.
I know you guys think na may gusto ako kay Queen and yes, you are all right! I’ve been dreaming for her “yes” all this time. And yeah, as I expected, FRIENDZONED ulit.
Di ko nga alam kung anong nasa Vince na yun at dun pa talaga siya nahulog. Sweet naman ako sa kanya. Lagi akong andyan kapag may problema siya. Hinahatid ko nga siya minsan sa bahay nila. Ano pa bang kulang?
Nung sinabi niya sa akin na gusto na niya si Vince, di na ako nagtaka. Kulang na lang kasi langgamin ang mga cell phones nila sa sobrang sweet nila sa isa’t isa. Pero pinabayaan ko na lang sila. Di ako ganun kasama para sirain kung anomang merun sila. Basta’t nasabi ko na kay Queen na nandito lang ako kung kailangan niya ako. Ayos na yun para sa akin. Atleast hindi siya lalayo.
Pero ngayon na nasasaktan siya, gusto kong basagin ang pagmumukha ni Vince. Bakit nagkagusto pa siya sa iba eh nandyan na ang pinakaperpektong babae na nagmamahal sa kanya.
Itinext ko si Vince sa sobrang galit ko sa kanya.
“Huy tol! Kung di mo siya kayang mahalin, wag mo na paasahin. Sinasaktan mo lang siya. Ilang araw na siya iyak ng iyak ng dahil diyan sa pagkamanhid mo. Gumising ka tol! Kusa na ngang lumapit ang isang diyamante, naghanap ka pa ng bato.”
~~~After 10 mins.~~~
“Huh? Ano bang pinagsasabi mo Mat?”
“Si Queen. Mahal ka niya. Bakit ba ang manhid mo? Sa sobrang manhid mo, gusto ko ng pirapirasohin yang katawan mo.”
“Mahal niya ako? Pano nangyari yun eh kayo nga ang laging magkasama? Sabay pa nga kayong umuwi kanina.”
“Oo, mahal ko siya tol pero ikaw ang mahal niya. Masakit mang isipin pero wala na talaga akong pag asa sa kanya.”
“Aaminin ko sayo. Mahal na mahal ko siya. Siya ang gusto ko. Pero di ko masabi. Matagal ko ng tinatago ito. Sa tuwing maisipan kong ipagtapat sa kanya, laging may sumisingit. Humahanap lang ako ng tamang oras tol.”
“Sige pero please, wag mong patagalin. Nasasaktan siya at ayokong makita siyang ganun.”
“Opo.” tipid nyang sagot.
Vince's POV
Naging tanga pala ako. Habang pinapairal ko ang katorpehan ko, andun siya nasasaktan. Pero di ko talaga masabi sa kanya. Kapag gusto ko ng lumapit, pinipigilan naman ako ng utak ko. Hays.
Tinext ko siya para naman gumaan ang pakiramdam ko. 7:18 pa naman.
“Good Evening Babe! :)”
“Good evening din :)” nagreply naman siya agad
“Musta ka na?”
“Ayos lang naman babe. Ikaw? Parang di ka ok kanina ah?”
Sh*t! Nakita niya kaya ako kanina?
“Huh? Bakit mo naman nasabi?”
“Nagmamadali ka kasi kanina pero nakita ko yung mukha mo. Anong palang nangyari?”
“Ah wala yun. Can I just say something?”
“Ano?”
“Please hold on.”
“Sa alin?”
“Basta. Please.”
“Di kita maintindihan Vince.”
“May sasabihin ako sayo. I know this is not the right time but please hold on. Hintayin mo ang araw na masasabi ko na sayo ng harap harapan.”
“Ok Vince pero hindi talaga kita maintindihan.”
“Basta :)”
“Ohsige. Kung yan ang gusto mo.”
Di na ako nagreply. Siguro naman nagkahint na siya sa mga sinabi ko. Sana naman makapanghintay siya. Sana naman di ako ulit maunahan.
Queen’s POV
“Ah wala yun. Can I just say something?”
“Ano?”
“Please hold on.” Hold on? Sa alin?
“Sa alin?”
“Basta. Please.” Di ko siya maintindihan. Ano bang sinasabi niya?
“Di kita maintindihan Vince.”
“May sasabihin ako sayo. I know this is not the right time but please hold on. Hintayin mo ang araw na masasabi ko na sayo ng harap harapan.”
“Ok Vince pero hindi talaga kita maintindihan.”
“Basta :)”
“Ohsige. Kung yan ang gusto mo.”
Di na siya nagreply. Di ko talaga maintindihan si Vince. Ano kaya sasabihin niya? Di kaya ako yung gusto niya? Hmm, ayan ka na naman Queen. Nag eexpect taz pagkatapos madidissappoint. Hmmph. Makatulog na nga lang.
Vince’s POV
~~~Ring Ring Ring Riiiiiing~~~
5:30 na. Kailangan ko ng maghanda. Gusto ko ng makita siya :)
~~~After 1 hour and 30 mins.~~~
Nasa room na ako ngayon. Ang aga ko naman. Napasobrahan naman ata ang pagka inspire ko -.- Tinalian ko na muna buhok ko para di masyadong makalat ang pagmumukha ko. Ilang minuto lang ay dumating na rin siya. Bumati lang ako sa kanya at ngumiti. Ang saya na ng araw ko. Umidlip na lang ako kasi nahihiya pa rin akong lapitan siya.
Queen’s POV
Nang pumasok ako sa room, mukha niya agad ang nakita ko. Parang ang saya niya ngayon ah.
“Good Morning :)”
“Good Morning din :)” ngumiti lang ako sa kanya
Himala ata at nakatali ang buhok niya ngayon. Ano kaya nakain niya? Pero mas lalo siyang gumanda. Nakikita ko ang mabilog niyang mga mata at ang mukha niyang sobrang kinis. Yung taong parang hindi talaga tinubuan ng pimples, siya yun :3 nakakainggit nga eh
Umidlip ako kasi di na niya ako pinansin simula nung bumati siya. Arrrgh. Bat feeling ko na may awkwardness na namamagitan sa aming dalawa? Feeling ko lang siguro yun. Sana naman pansinin niya ako mamaya.
~~~FAST FORWARD~~~
Tapos na ang klase namin pero di niya pa rin ako pinapansin. Nakakaasar naman. Sinusulyapan niya lang ako. Alam ko yun kasi ilang beses ko na siyang nahuhuli. Ano ba Vince? Ano ba talaga nararamdaman mo para sa akin?
Vince’s POV
At natapos ang araw na hindi ko pa nasabi sa kanya ang dapat kong sabihin. Naku naman Vince. Bat ka ba ipinanganak na torpe? Tsk.
BINABASA MO ANG
It All Started With a Joke (Lesbian Love Story) ON HOLD
RomancePano kung nagsimula lang kayo sa isang biro? Yung bang biglaan lang ang pagdating niya sa buhay mo. At dahil diyan, natatakot kang BIGLAAN din ang pagkawala niya sa buhay mo. Si Vince Eli Rodriguez ay isang karaniwang high school student. Simple lan...